Eroz P.O.V

"Wala ba kayong napapansin kay halimaw ngayon?" Tanong ko sa tatlo kong kaibigan.

Kakatapos lang nami kumain at kasalukuyan kaming nasa garden ngayon, habang pinag sasaluhan ang mainit na tea sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Hay! Ang sarap talagang uminom ng tsaa pagka tapos mong kumain. Nakaka gaan sa pakiramdam.

Mabuti na lang din at ipinag hahanda kami nito palagi ni Princess.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Hiro habang nakatingala sa langit. Nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng upuan. "Wala naman akong masyadong napapansin sa kanya maliban sa napapa dalas na siyang lumabas ng bahay ngayon."

"Kaya nga.Bukod don,wala na." Sagot naman ni Dricks habang hinihimas ang pisngi niyang naka tikim ng sampal!

Baliw din kasi ang isang ito eh! Masyadong inaabuso ang pagiging magandang lalaki niya.

"Wirdo pa rin siya madalas at umaatake pa din ang pagiging creepy niya." Habol pa nito. "Hay! Kung alam niyo lang, gusto ko talaga siyang ilibing ng buhay dahil palagi akong nabubuking ng mga chika babes ko ng dahil sa kanya!"

"Kasalanan mo yan!" Sagot ni Lay sa sinabi ni Dricks. "Isipin mo na lang na si Princess ang karma mo pagdating sa pagiging babaero mo." Tumawa pa ito at tsaka ako nilingon. "Bakit naman natanong mo kung may napapansin kami kay Princess?"

"Ha?" Napamaang ako at nag iisip ng sasabihin. "Wala lang.Napansin ko kasi na marunong na siyang maki halubilo ngayon.Kanina nakita ko siya na nakikipag tawanan na din sa atin."

Pumanga-lumbaba ako sa mesa at nilingon ko ang bahay.

Nakikita ko si Princess sa likod ng clear glass wall. Bumubuka ang bibig niya habang nakaharap kay Noi.

Tila may pinag uusapan ang dalawa sa loob.

"At tingnan niyo ngayon," Napa tingin na din sila sa direksyong tinitingnan ko. "Mukang komportable makipag usap si panget kay Noi." Natawa pa ako.

Pero saglit din akong natahimik habang binubuo ang mga bagay bagay sa utak ko.

Para sa akin, talagang malaki na yata ang ipinag babago niya.

Ikatutuwa ko kung talagang babalik na siya sa normal niyang buhay kung meron nga talaga.

Pero kung hindi naman, bakit kailangan pa niyang pilitin ang sarili niya?

Hindi naman na mahalaga kahit ano pa ang itsura niya. Basta mabuti siyang tao.

Aaminin ko naman na hindi naman talaga masama ang ugali ni Princess. At sa una ka lang talaga matatakot sa kanya.

Ewan ko ba, sanay na lang siguro talaga ako sa kanya.

Maya maya ay napalingon kami ng may maramdaman kaming prisensya mula sa likod namin.

Nakita namin si Noi na naka ngiting palapit sa pwesto namin.

May nakuwento sa amin si Ysabelle na matalik na kaibigan daw ni Princess si Noi noong mga bata pa sila.

Hindi na siguro nakapag tataka na unti unti na ulit nabubuo ang samahan nila.

"Noi,ikaw pala.Dito ka na sa tabi ko."

Napailing ako. Umiral na naman ang pagka ninja nitong si Dricks.

"Hindi na. Gabi na din kaya kailangan ko ng umuwi."
Nakangiting sagot ni Noi.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon