"Ate Multo, Ate Multo..." napatingin ako sa batang lalaki na siyang tumatawag sa akin.

Kasalukuyan akong nag lalakad pauwi ng bahay ko galing sa isang malapit na mini store.

Namukaan ko agad yung bata dahil nakatira siya malapit sa bahay ko.

Huminto ako sa paglalakad para abutan niya ako.

"Pakibigay naman ito dun sa poging lalaki na lagi mong kasama." Sabi ng bata sabay abot sa akin ng kwintas na sampaguita.

Gusto mo bang batukan kita? Pano ko malalaman kung sino sa kanila  ang tinutukoy mo,eh pare pareho silang gwapo?

Tinanggap ko na lang yung ibinibigay niya.

"Wala kasi akong panukli sa kanya kaya sampaguita na lang din ang ibibigay ko."

"Okay." Walang ganang sagot ko.

"Kuya Brian ang pangalan niya."

Ah, gwapo nga.!

"Paki sabi din na salamat sa laruang ibinigay niya sa akin."

Nagulat ako dahil sa sinabi nung bata. Hindi ko kasi akalain na mabait naman pala talaga si Eroz.

Maya maya pa ay ibinaba ng bata ang dala niyang basket ng my humuni doon. Kaya napakunot ang noo kp dahil sa pag tataka.

At gulat na gulat ako ng ilabas niya ang kulay pink na...sisiw?!!

"Napulot ko to kanina sa kalsada doon sa may fiestahan sa kabilang baryo habang naglalako ako ng paninda ko" sabi ng bata na tila hindi alam ang gagawin sa sisiw.

Pinag mamasdan ko lang siya sa walang muwang na pag iisip niya.

"Kawawa naman, siguro umiiyak ito kasi nawala na yung mga kasama niya. Pinatuka ko na siya ng pagkain pero tuwit pa din ng tuwit."

Bigla akong natawa dahil sa sinabi niya. At parang na touched ang puso ko sa simpleng sinabi niya.

"Ano kaya ang gagawin ko dito? Baka kainin lang din siya ng pusa sa bahay."

"Akin na lang."

Nanlaki saglit ang mga mata nung bata dahil sa sinabi ko. Parang nag dadalawang isip pa siya kung ibibigay niya sa akin o hindi.

"Baka naman kainin mo lang din 'to Ate multo?"

"Hindi ko siya kakainin ngayon, pero pag malaki na siya at pwede na, baka oo! Ang sarap kayang itinoloa niyan."

Biglang inilayo sa akin nung bata ang sisiw na tila pino protektahan ito kaya lalo akong natawa.

"Biro lang. Promise, aalagaan ko ang sisiw na yan."

"Sigurado ka Ate Multo ha?"

Isa pang tawag sa akin ng ate multo, siguradong uuwi kang bitbit ang bangkay ng kite mo!

Kalma Cess. Kalma.

"Oo, promise nga! Ang kulit mo din eh noh?!"

--

"ANO YAN?!!!"

Sabay sabay na tanong ng apat na gwapong nilalang ng makita nila ang pink na sisiw sa ibabaw ng mesa. Kainis!

Mukha bang kalabaw ito?!

Nasa garden ako, umiinom ng tea habang pinapa arawan ko ang pink na sisiw sa harap ko.

Noong isang araw ko pa ito naiuwi mula ng hingin ko sa bata pero ngayon lang nila nakita.

Nakita daw kasi nila ako dito sa garden kaya lumabas na din sila.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon