Dedicated to- AngelicaBongais563
Pinapakilig mo ako, Lay...
Wala sa loob ko na bumaba nga ako gaya ng utos ni Eroz.
Pagbaba ko ay nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Sila ang nag-luto?
Parang himala, ano naman ang nakain nila?
Tumayo agad si Lay ng makita ako at inayos ang uupuan ko. Wala sa loob kong naupo ako agad kaya ngumiti pa siya sa akin bago siya bumalik sa pwesto niya, sa tapat ko.
Kaya naman kitang kita ko ang napaka gwapong mukha niya kahit na may hibla ng matitigas na buhok ang nakatabing sa mukha ko.
"Balik school na sa isang araw," sabi ni Hiro na pinag sandok ako ng pagkain. Hindi na nanginginig ang mga kamay niya ngayong ginagawa niya ito. Hindi katulad dati.
Marahil gaya nga sabi ng kulugong si Eroz, ito na ang huling beses na makakasabay ko silang kumain.
"Makikita ka pa namin sa school campus, Cess diba?" Tanong naman ni Dricks. "Kaya wag kang masyadong malulungkot."
"Mukha ba akong nalulungkot?" Inis na tanong ko at padabog na sumubo ng pagkain. "Kung alam niyo lang, nag didiwang na ang puso ko dahil sa wakas ay mawawala na kayo sa pamamahay ko." Sabi ko pa sa pagitan ng pag nguya. Punong puno din ng pagkain ang bibig ko.
"Mas lalo naman na nag-didiwang ako dahil sa wakas ay wala na akong multong makikita." Singit ng impaktong si Eroz kaya naman nilingon ko siya.
"Wala naman akong paki alam, at isa pa kinakausap ba kita?!"
Nagtagis ang mga bagang niya na mukhang sasagot pa pero humantong lang sa pag buntong hininga.
"Ito lang ang sasabihin ko sa inyo," napatigil sila at lahat ay napatingin sa akin. Saglit kong sinulyapan ang mga mukha nila.
Feeling ko ay busog na yata ako kahit kanin na lang ang isubo ko.
Mag ulam ka ba naman ng mga gwapong nilikha?
"Sa oras na umalis na kayo sa bahay ko ay wag na wag na sana kayong babalik!" Pagpapa tuloy ko. "At paki-usap ko lang din na tantanan niyo ako pagdating sa school. Wag na niyo akong lalapitan, kakausapin o kahit titingnan!"
Narinig ko na natawa si Eroz. "Ano naman ang feeling mo? Babantayan ka namin? Muka ba kaming may paki alam sa iyo?"
Natameme ako. Tama nga naman.
Minsan kasi Cess, wala sa lugar ang pag-pi-feeling mo!"Alam ko namang wala Eroz, dahil sa pera ka lang naman may paki alam at sa mga libreng bagay!" Sagot ko dahil inis na ako. "Dahil hambog ka diba? At ikaw na yata ang kilala ko na mukang pera, na gagawin ang lahat para makakuha ng pera! Magtitiis para sa pera-"
"Oo!" Putol niya sa sinasabi ko. "At kaya kita pinagtitiisan ay dahil sa pera!"
Parang gusto kong mabingi dahil sa sinabi niya. Masakit na yun masyado pero ayokong magpa halata sa kanya. Dahil iisipin niya na nagpapatalo ako sa kahambugan niya.
"Kaya ako nagtsa-tsagang makasama ka dito ay dahil sa pera at libreng tira! Kung hindi magulo ang pamilya ko, sa tingin mo papayag ako sa pakulo ng Auntie mo na itira ako dito na may kasamang multo?"
"Eroz sumosobra ka na!" Sigaw ni Lay na ikinagulat ko naman. Matalim ang titig niya kay hambog.
"Pwede ba, tumigil na kayo?" Singit naman ni Dricks. "Tuwing nasa harap tayo ng pagkain palagi na lang kayong nag-aaway. Hindi na ba kayo mag kakasundo?"
"Pinipilit ko namang makipag-sundo sa halimaw na yan pero pinipilit niya din akong mainis sa kanya!" Mas malakas na sagot ni Eroz. "Pinipilit din natin siyang tulungan na bumalik sa normal na buhay niya kung meron man, pero siya mismo ang ayaw diba? So guys, quit!"
"Kahit kelan ay wala akong sinabi sa kahit na sino man na tulungan akong bumalik sa normal! Ayoko ng bumalik sa buhay ko na sinasabi niyo dahil hindi ko na kaya!"
"Dahil hindi mo pa sinusubukan!" Nanlaki ang mga mata ko dahil masyado ng malakas ang boses ni Eroz.
Akala mo siya ang tatay ko kung maka-asta!
Sa kabila ng pang gigigil ko sa kanya ay dinampot ko ang fried chicken drumstick na nasa plato ni Eroz at dali dali kong kinain iyon.
"Ano ba, pagkain ko yan!" Gulat na tanong niya. Pero wala na siyang magagawa.
"Hindi ka kakain, impakto ka!" Sagot ko sa kanya sa pagitan ng pag nguya ko.
Nakita ko na lang ang tatlo pang kulugo na naka nganga habang pinag mamasdan ang kadugyutang pinag gagagawa ko.
Si Eroz naman, inis ang mga titig sakin dahil alam niyang matatalo lang siya oras na magsimula na naman siya ng usapan.
--
Pagkatapos kong lantakan ang mga pagkain ni Eroz na sinadya ko talagang ubusin para mawalan siya ng kakainin ay tumayo na ako.
"Wag niyo akong guguluhin." Mahinang sabi ko.
Pero nagulat ako ng tumayo na din si Lay at hawakan ako sa braso.
Napamaang ako sa gwapo niyang mukha hanggang sa akayin niya ako palabas ng bahay.
Parang matutunaw na naman yata ako dahil sa pagkaka hawak niya sa akin.
Paglabas namin ay huminto kami sa garden area. May kahoy na upuan doon, naunang naupo si Lay habang ako ay nakatayo pa din sa gilid niya.
"Pag pasensyahan mo na si Eroz." Sabi niya. "Pag pasensyahan mo na kami." Nilingon niya ako at ngumiti pa sa akin.
Parang gusto ko yatang maihi dahil sa kagwapuhan niya.
"Po-protektahan kita kahit anong mangyari."
Hindi ba ako nabibingi lang o nasobrahan ng nakain? Tama ba yung narinig ko, o nag iimagine na naman ako?
"Hayaan mong lapitan pa din kita sa school, gusto pa rin kitang makasama at maka-usap tuwing magkikita at mag kakasalubong tayo." Napaka sarap sa pandinig ng boses ni Lay.
Siya na yata ang tipo ng lalaki na kahit sinong babae ay papangarapin siya.
Lay, tumigil ka na please dahil baka sumabog na ang ihi ko sa kinatatayuan ko dahil sa kilig at mga pinag sasasabi ng bibig mo!
"Hayaan mong lumapit ako sa iyo kahit na anong oras ko pa gustuhin."
"L-Lay-"
"Hayaan mo lang ako dahil gusto kitang protektahan. Gusto kitang protektahan kahit walang kapalit."
Dumudugo na yata ang ilong ko dahil sa mga naririnig ko.
Si Lay? Nakiki-usap sa isang multo?
Si Lay? Gustong protektahan ang isang halimaw?
Naiihi na talaga ako....
***
Author's Note:
Pag-open ko kanina ng wattpad ko ito ang bumungad sa akin. 🥰😳 Shookt!! At sobrang saya. Umabot ako sa trending stories.
MARAMING SALAMAT PO!!!
BINABASA MO ANG
I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)
FanficWirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hanggang sa isang araw ay may apat na gwapong nilalang ang pinatira ng kanyang Tita sa sarili niyang bahay. (Dahil sa isang misyon na maibalik...