Palingap-lingap ako mula sa bintana ng kwarto ko habang hawak ko si Skully. Pagka tapos kasi ng game ni Eroz ay dumiretso na kami sa bahay. At hanggang ngayon ay wala pa din siya.

Paulit ulit ko din kasing naaalala yung ekspresyon ng mukha niya noong makita niya yung Daddy niya kanina. Parang may bahid ng galit sa mga mata niya at hindi siya masaya.

Tiningnan ko si Skully at napa buntong hininga ako.

"Bakit ba iniisip ko pa ang kumag na yun?!"

Palagi kong kinokontra ang isip ko, pero maya maya naman ay natagpuan ko ang sarili ko sa kusina at nag hahanda ng pagkain.

Naalala ko kasi yung sinabi ni Eroz na ipag luto ko siya kapag naipanalo niya ang laro.

Paborito niya ang carbonara at pizza, mahilig din siya sa mga cookies, tinapay, chicken wings, bulalo at chicken curry. Kahit ano yata kinakain niya maliban sa carrots.

Hindi ako makapaniwala na lahat ng pagkain na nabanggit ko ay sinimulan kong lutuin. Sobrang bango sa kusina ko, at umaabot ang aroma ng bawat niluto kong putahe sa loob ng bahay.

Maya maya ay narinig ko sila Dricks at Hiro na bumababa mula sa kwarto nila. Inabutan nila akong nag hahain na ng mga naluto ko.

"Wow!!"

"Cess, may handaan ba ngayon?"

Bati ni Hiro at Dricks, ilang saglit pa ay nilapitan na din kami ni Lay. Inilapag pa niya ang librong binabasa niya sa gilid ng dining table.

"Ang bango,mukang ang sasarap ng mga pagkain natin. " bati ni Lay. "Pwede ko bang tikman to?" Sabay kuha ng isang pirasong chicken wings."Wow!! Ang sarap!"

"Patikim din-" bigla kong tinapik ang kamay ni Dricks ng akmang kukuha din siya ng chicken wings.Napa simangot pa siya sa akin.

"Para sa ating lahat naman iyan," sabi ko. "Pero pwede ba hintayin natin si Eroz bago tayo kumain?"

Nagka tinginan naman yung tatlong kumag kaya pakiramdam ko ay bigla akong nahiya.

Halatang nagulat sila sa sinabi ko kaya saglit na katahimikan ang namagitan sa aming apat.

"Ah.O-oo naman! Tama hintayin natin si Eroz." Unang nag salita si Hiro

"Siguradong matutuwa yun kapag nakita niya na ganito kadami ang dinner natin." Sabi naman ng tatawa tawang si Lay.

"Teka," napatingin ako kay Dricks. "Pwede ko bang inbitahan din si Noi?"

"Ha?"

"Ano?"

Nagkatinginan kami saglit ni Lay dahil sabay kaming nag salita. Ako na din ang naunang nag iwas ng tingin dahil di ako makatagal na titigan ang mukha niya.

"I mean, bakit naman ikaw pa ang mag iimbita sa kanya?" Tanong ni Lay kay Dricks. "Kung isasama mo lang siya sa listahan ng mga babae mo, pwede ba wag mo ng ituloy?"

"Teka Pre, chill. Hindi ba pwedeng mag bago ang isang lalaki?"

Lalong gumuhit ang malalim na pagkaka-kunot sa noo ni Lay.

"Ano naman ang ibig mong sabihin?"

Teka. Nag aaway na ba ang dalawang gwapong nilalang na ito sa harap ko?!

"Kung mabibigyan ako ng pagkaka taon ni Noi, siguradong sa kanya na ako mag-seseryoso." Sagot ni Dricks at ipinamulsa pa ang mga kamay sa suot na shorts. "Hindi siya yung tipo ng babae na pwede kong basta na lang pag laruan."

Seryoso ba ang kumag na ito sa mga pinagsasasabi niya?

"Seryoso ka ba dyan Dricks?"

Mabuti na lang ay itinanong ni Hiro. "Kawawa naman si Noi kapag nagkataon."

"Basta, hindi ako papayag na isama mo lang sa koleksyon mo si Noi." Matigas na sabi ni Lay.

"Huh! Bakit naman? Hindi naman ikaw mag dedesisyon." Tila nang hahamon talaga si Dricks.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para matigil sila.

Bigla namang hindi na nakasagot si Lay.

"Bakit? May gusto ka ba kay Noi?"

Napatingin ako kay Lay sa tanong ni Dricks para sa kanya. Nag hihintay kami ng sagot pero hindi siya kumibo at nag buga lang ng buntong hininga.

Naisip ko si Noi, ganon siguro kapag maganda ka. Pinag aagawan ka ng mga lalaki.

"Pwede ba itigil niyo na lang ang usapan niyong dalawa?"
Singit ko dahil wala sa itsura ni Dricks ang mag lulubay. "Sumasakit ang ulo ko sa inyo! Kung gusto niyo, sa labas kayo at doon kayo mag sagutan."

"Ikaw Princess, may gusto ka ba kay Eroz?"

Napa nga-nga ako sa diretsong tanong ni Dricks sa akin. Bigla akong pinag pawisan. At bigla din kumabog ang dibdib ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang ibuka man lang ang bibig ko.

Wala man lang siyang pakundangan para itanong ang bagay na iyon.

Napatingin na din sa akin si Lay at Hiro.

"Teka, namumula ka ba Cess?" Sinipat sipat pa ni Hiro ang mukha ko.

"Nasisiraan na ba talaga kayo ng utak?" Pinilit kong gawing normal ang tono ko pero parang may panginginig pa din doon.

"Lalo ka na Dricks? Baliw ka ba para itanong sa akin ang bagay na napaka imposible?"

"Hindi naman imposible yun. Walang imposible doon."

Natigilan ako ulit sa sagot ni Dricks. Nahahalata ba niya ako? Hindi ko nga ba naitatago ang totoo?

Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

Ano ba naman sa palagay mo, luka luka ka!

"Alam niyo kasi, ang puso kapag nag-mahal yan walang makakapigil diyan." -Dricks

Napatungo ako at umiling iling.

"Sira ulo kayo!" Sagot ko na lang. "Ang mabuti pa kumain na lang kayo diyan!"

Sabi ko pa at nag mamadali na akong nagtatakbo sa kwarto ko.

"Alam niyo kasi, ang puso kapag nag-mahal yan walang makakapigil diyan."

Paulit ulit kong naaalala ang sinabing iyon ni Dricks.

Maka-lipas ang isang oras ay bumaba ako ulit para uminom ng tubig.

Inabutan ko sila Lay, Dricks at Hiro na naka upo sa sala. Noong makita nila ako ay umayos sila sa mga pag kaka upo nila.

Nag tataka kong binalingan ang mesa, kung paano ko iniwan kanina iyon ay ganon pa din ang istura at ayos nito ngayon.

Muli kong nilingon ang tatlo. At tinging nag tatanong ang ipinukol ko sa kanila.

Nag angat balikat si Hiro. "Hindi namin ginalaw pero gutom na talaga kami."

Tiningnan ko si Dricks. "Sabi mo kasi hintayin natin si Eroz para sabay sabay tayong kumain."

"Nasaan ka na kaya si Eroz at bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?" Tanong naman ni Lay sabay hawak sa tiyan. "Gutom na din ako eh!"

Parang nakaramdam naman ako ng awa sa kanila. Pero mas nag aalala ako dahil hanggang ngayon ay wala pa din si Eroz.

Eroz, nasaan ka ba?

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon