Eroz P.O.V

Pagkatapos namin mag praktis ng basketball para sa darating na game tournament ay dumiretso ako dito sa P.E room para magpahinga saglit.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

At heto nga, kanina pa ako gising. Pero ngayon lang ako bumangon mula sa pagkaka higa ko.

Tama, nadinig at nasasaksihan ko ngayon ang ginagawa ng mga kaklase ni Princess sa kanya.

Hindi na sana ako kikibo dahil alam ko naman kung gaano kabaliw si Princess at wala ring makakapigil sa kanya kapag ginantihan niya ang mga ito.

Alam ko na kayang kaya niya ang kanyang sarili. Pero hindi na ako makatiis lalo na ng makita kong pigilan siya ng dalawa nyang kaklase sa magkabilang braso, habang ang isa naman ay naglabas ng gunting para gupitin ang buhok ni Princess.

Tss. Hindi ba nila alam na, kayaman ni baliw ang tutsang niyang buhok?

"Kayo, gusto niyo bang isumbong ko ang ginagawa niyong pambu-bully? Stop messing with her!" Kunot noong tanong ko sa mga babae.

Gulat na gulat sila at hindi makapaniwalang nandito ako.

Binitiwan na nung dalawa si Princess na mukang natakot sa sinabi ko. Kilala ko na sila ngayon, sila din yung magkaka ibigan na nakita ko din nung nakaraan na kulang na lang ay bugbugin si Princess.

Sila din yung mga grupo ng babae na patay na patay sa amin nila Lay. Sila naman yung kahit kelan, hindi namin pinansin.

Ayoko sa kahit na sino. Naiinis ako kapag may umaaligid sa akin at nagpapa-cute.

Pero ngayon, mas naiinis ako dahil nasira ang tulog ko.

"E-Eroz."

"Hindi. Wala naman kaming ginagawa kay Princess."

"E-Eroz, kanina ka pa ba dyan?"

Isa isang sabi ng grupo ng mga bully. Tumayo naman ako at naglakad palapit sa kanila.

Nakita ko na nalaglag nung isa yung gunting na hawak niya.

"Alam niyo ba na ayaw na ayaw kong nasisira ang tulog ko, lalo na kapag pagod ako?" Seryosong tanong ko ng makalapit na ako ng tuluyan sa kanila.

Nasa gilid ko na si Princess na na-istatwa na yata sa kinatatayuan niya. Ano pa bang aasahan ko eh palagi namang wirdo ang babaeng ito.

"Pasensya ka na Eroz. Hindi namin alam na nag papahinga ka pala dito."

"Kinakausap lang namin si Princess dahil may gusto kaming itanong sa kanya."

Hinarap ko yung babaeng nag sabi non. Gusto pa yata akong gawing tanga nito?

"Alam niyo din ba na mas naiinis ako sa mga babaeng sinungaling?" Sabi ko sa kanya kaya napayuko siya.

"Bakit ba pinag tatanggol mo ang babaeng iyan?" Malakas na tanong nung babaeng may hawak na gunting kanina. Mukang ito ang pinaka malakas ang loob sa kanila.

"D-dahil ba totoo na tumira kayo sa bahay niya? Dahil ba...dahil ba totoo na gusto niyo siya? Hindi ba kayo natatakot sa wirdong babae na yan?" Dugtong pa niya sabay turo kay Princess. "Ang daming babae sa campus, bakit siya pa?! Bakit siya pa,ni hindi nga yata alam kung paano maligo at mag ayos ng sarili. Ni hindi nga nagpapa kita ng mukha yan dahil alam niyang panget siya. Ang daming nagkaka gusto sa inyo pero bakit si Princess pa na napaka panget naman!"

Si Princess agad yung tiningnan ko. Alam kong ano mang oras ay sasabog na siya. Hindi na ako magugulat kapag bigla na lang niyang sapakin ang babae na ito.

"Anong meron dito?"
Napatingin kami ng bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok si Lay, Dricks at Hiro.

"Eroz, bakit nandito ka?"

Tanong ni Hiro, ngayon ay palapit na sila sa amin.

"Cess?" Si Lay sabay alalay kay halimaw. Pero hinawi naman non ang kamay niya kaya ako ang binalingan ni Lay.

"Anong nangyari Eroz?"

"Malay ko."

"Anong malay mo?" Tanong naman ni Dricks.

"Natutulog lang ako dito nung bigla akong magising dahil sa ingay nila."

Lalo ng nagka gulo sa paligid dahil magkakasama na naman kaming apat.

"May itinatanong yung mga babaeng ito, baka pwede kayo na ang sumagot? Nagugutom na ako, gusto ko na din umuwi at matulog." Sabi ko na lang.

"Wala na tayong uuwian."

Hindi ko naman napansin ang sinabing iyon ni Dricks dahil nagulat kami ng biglang damputin ni Princess yung gunting na nalaglag sa sahig.

Gulat na gulat talaga kami! Ano bang gagawin niya? Wag nyang sabihin na isasaksak niya yun sa babaeng ito na tinititigan niya ng masama ngayon.

Kinakabahan ako. Aagawin ko na sana yung gunting sa kanya ng bigla nyang iangat iyon at hawakan ang bangs niya.

Pati yata ako ay napa nganga na sa gulat ng mabilis niyang gupitin ang bangs niya.

Lahat kami ay sa kanya naka titig at sa buhok niyang kumalat na sa paanan niya.

Tiningnan ko siya at hindi ako makapaniwalang magagawa niya iyon!

"Masaya na ba kayo?!" Sigaw niya at padabog na inihagis ang gunting. "Ano, masaya na ba kayo ha?! Hindi ba at ito ang gusto ninyo?!"

Hinarap niya ang mga babae at lumuluhang tinanong iyon.

"Ano? Ngayong nakita niyo na ang napaka panget kong mukha, may gusto pa ba kayo?! Sabihin niyo lang!"

Hindi naman nakasagot yung mga babae na parang naputulan na ng buntot ngayon. Bigla kasing nawala ang matatapang na awra nila.

"Princess, bakit mo ginawa yun?"Gulat na tanong ni Hiro.

"Pwede ba umalis na kayo!"Sagot naman ni Cess.

Kaya naman nag mamadali ng umalis ang iba sa p.e room.

Nung kaming lima na lang ang naiwan ay nag iiyak na ng nag iiyak si Princess. Napa upo na din siya sa sahig habang nag hihikbi.

"Princess, wag ka ng umiyak umalis na sila." Mahinahong sabi ni Hiro at hinawakan siya sa balikat.

"Pero bakit ginupit mo pa yung bangs mo, hindi mo na maibabalik yan." Sabi naman ni Dricks.

"Hindi ba't yun naman ang gusto ninyong lahat?" Sagot ni Princess sa pagitang ng pag hikbi. "Bakit ba kasi dumating pa kayo sa buhay ko?"

"Bakit ba sa amin mo isinisisi ang mga nangyayari sa iyo?" Tanong ko.

Tumayo naman siya at hinarap ako. Ngayon ay maaliwalas na ang mukha niya dahil pantay kilay na lang ang bangs niya ngayon, hindi tulad dati na halos matakluban na ang buong mukha niya.

"Talagang hindi mo maiisip kung bakit dahil maka sarili ka." Sabi niya sa akin sabay pahid ng pisngi niya gamit ang kamay niya.

"Pwede ba, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ikaw ang may kasalanan nyan dahil ayaw mong baguhin ang sarili mo."

"Eroz, paki usap. Wag na wag mong sisigawan si Princess lalo na kung nasa harap ng maraming tao. " sabi ni Lay.

Palagi niyang ipinagtatanggol si Princess.

Natawa naman ako sa kanya, akala mo boyfriend siya ng halimaw na to.

Maya maya nagkatinginan na lang kami pare pareho ng biglang magtatakbo si Princess palabas ng p.e room.

Agad naman siyang sinundan ni Lay.

Nag-tataka na talaga ako, bakit ganon ang kilos ni Lay ngayon?

Wag nyang sabihing hanggang ngayon ay sinusunod pa din nya yung gusto ni Auntie Ysabelle?

Sumuko na siya dahil hindi na magbabago si Princess.

Malabo ang bagay na yun sa nakikita ko.

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon