"GO EROZ!!"

"WE LOVE YOU EROZ!!"

"EROZ WE LOVE YOU SO MUCH, AAAAHHH!!"

"GO EROZ. GO GO GO EROZ!!"

"WAAAAAH!"

Halos mabingi ako sa loob ng sports gymnasium. Napaka daming babae ang nananood ng basketball at halos lahat ay nandito para i-cheer si Eroz!

Kanya kanya sila ng grupo at may hawak din na kanya kanyang banners na may pangalan ni Eroz ang nakalagay, yung iba naman ay may picture pa talaga niya.

Kung hindi lang ako pinilit ni Noi at hilahin ni Dricks na manood ng larong ito ay wala naman sana ako ngayon dito sa kinatatayuan ko.

Napaka boring nito para sa akin. Mas masaya pang mag kulong sa kwarto at manood ng horror movie.

"WOHOOOO!! Ikaw ang mvp namin Brian Eroz!"

"Yes!! Wohoooo!!"

Napuno na naman ng sigawan at palakpakan ng mapunta kay Eroz ang bola.

Umaagos ang pawis sa mukha niya at humihingal na din siya habang idini'dribbled ang bola. May isang player naman na dumudepensa sa kanya.

Sa tuwing nasa kamay niya ang bola, umiingay ang buong paligid dahil sa tilian.

Hindi talaga maikakaila ang kasikatan niya sa campus kahit hindi naman siya artista.

Hindi ko na din pala namamalayan na nag eenjoy na rin ako habang pinapanood siya.

Kinakabahan din ako sa tuwing naagaw sa kanya ang bola at pinipigilan ko lang din tumili kapag muli niyang naagaw iyon at nag tatagumpay siyang i-shoot iyon sa basket.

"Grabe! Ang galing ni Eroz, diba Princess?" Sabi ni Noi habang nakiki-palakpak na din.

"Ha? Ah, O-oo."

"Magaling talaga yan. Kaya sigurado panalo ang team nila." Sabi naman ni Lay habang naka-cross ang kamay sa kanyang harapan. Napaka kalmado niya habang pinapanood ang kaibigan niya.

Nahagip naman ng tingin ko si Dricks kung saan medyo malayo ang pwesto sa amin.

Napa ismid ako dahil hindi naman siya nanonood, kundi nakikipag harutan lang sa mga babaeng magka bilang naka kapit sa mga braso niya.

Kahit saan talaga makarating ang lalaking ito ay hindi na nawala ang pagiging babaero niya!

Hmp! Tamaan ka sana ng bola sa itlog mo!

"Say Hi," itinutok sa akin ni Hiro ang camera na hawak niya. "Princess, mag hi ka naman sa video ko. World record to dahil first time ka namin nakasamang manood ng basketball. Say hi! Say hi!"

Pilit ko naman iniiwasan ang camera niya. "Tigilan mo ako Hiro kung ayaw mong patayin kita dyan!" Banta ko.

"Ang sungit mo naman kahit kelan. Lay, Noi, isang smile naman dito."

Game na game naman si Noi at Lay. Inakbayan pa siya ni Lay kaya naalala ko yung isang gabing kinausap ako ni Noi sa bahay ko.

Inamin niya sa akin na may nararamdaman daw siya para kay Lay at matagal na panahon na iyon.

Hinangaan ko si Noi sa bagay na iyon dahil ang tapang niya para ipahayag sa akin kung ano ang feelings niya para kay Lay.

Napansin ko pa na saglit na natigilan si Noi ng akbayan siya ni Lay. Halatang namula rin ang mga pisngi niya.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon