ILWP

292 23 6
                                    

Simula

Masamang balita yata

Bumangon ako simula sa pag-kakahiga ko nang marinig kong may kumakatok mula sa pintuan ng kwarto ko. Tamad na tamad pa nga akong buksan yun. Tamad na tamad akong kumilos. Pag-bukas ko nang pinto ay nabungaran ko ang Auntie Ysabel ko.. Tanghaling tapat pero sobrang dilim sa kwarto ko. Dahil na rin sa mga makakapal na kurtinang ipinalagay ko sa mga bintana bago ko pa pinaalis ang mga katulong ko sa bahay.

Kaya ko naman mag-isa. Nag-iisa naman na ako, hindi ko sila kailangan.

Narinig ko ang pag-pindot ni Auntie sa switch ng ilaw. Napa-pikit na lang ako nang sumabog ang liwanag sa buong kwarto ko. Bumalik ulit ako sa kama at padapang nahiga. Naramdaman ko na yumugyog ang kama ko, naupo sa Auntie sa gilid.

"Cess, kumain ka na ba hija?" Tanong nya at hinaplos ang naninigas at napa-kahaba na yatang buhok ko. Wish ko lang Auntie hindi masugatan ang kamay mo.

"Bakit ikaw lang yata dito? Nasaan sila Manang Simang at Aling Doris?" Tanong ulit nya nung hindi ako kumibo. "Inutusan mo ba?"

"Pinalayas ko na Auntie."

Narinig ko ang pag-singhap ni Auntie, siguro dahil nabigla sya.

"Pinalayas? Bakit mo naman ginawa yun? Wala ka tuloy kasama dito, sino na ang mag-aasikaso sayo nyan? Sa gawaing bahay?"

Bumiling ako sa pag-kakahiga at naka-tingin na ako kay Auntie. Halata pa rin ang pag-kabigla sa magandang mukha nya. "Hindi ko naman kailangan ng kasama, kaya ko ang sarili ko. Kaya kong mag-isa. Kaya kong linisin ang buong bahay ko nang ako lang."

Ang bitter ko naman yata. Pero basta. Mas feel ko talaga ang mag-isa na lang. Walang gagambala o mang-gugulo sakin. Sanay naman ako. Sanay na sanay na. Hindi na ko kinontra pa ni Auntie tungkol don. Mabuti naman.

Tumayo sya at nakita kong inayos nya yung isang picture frame na nakataob sa side table ko. Pag-harap nya sakin ay naka-upo na ako sa kama. Natatakpan ng mahaba kong bangs ang mukha ko pero nakikita ko pa rin si Auntie sa pagitan ng mga hibla nito. Ngumiti si Autie at inayos ang bangs ko. Inipit nya yun sa tenga ko na hindi na bumalik pa sa pag-kakalaylay sa harapan ko.

Kailangan ko na yata talagang maligo.

"Kumain tayo nang sabay. Ipagluluto kita."

Hindi ako kumibo, tumayo lang ako at pumunta malapit sa pinto tsaka ko pinatay yung ilaw. At bumalik din ulit sa kama at naupo doon. Ayoko sa liwanag. Nasisilaw ako. Pakiramdam ko maraming tumitingin sakin kapag nasa liwanag ako.

"Anong lulutuin mo?" Tanong ko kay Auntie na pakiramdam ko ay nakangiti dahil sa tanong ko. Madalang kasi akong makipag-usap sa kahit na sino. Ayokong humaharap sa iba. Hindi ko alam kung bakit pero matagal na akong ganito. Matagal na, simula nung...ako na lang.

"Yung paborito mong adobo." Masiglang sagot ni Auntie. "At tsaka may gusto rin akong pag-usapan natin mamaya , may ibabalita ako."

"Ano?"

"Mamaya ko na lang sasabihin kapag kumakain na tayo." Naglakad na si Auntie papunta sa pinto, "Mag-pahinga ka muna, tatawagin kita kapag kakain na tayo." Sabi pa nya bago tuluyang lumabas.

Ibinalik ko ang likod ko sa pag-kakalapat sa malambot na kama. Tsaka ako pumikit. Ano naman kaya ang sasabihin ni Auntie? Pwede naman ngayon, bakit kailangan mamaya pa? Hay! Di bale, sasabihin naman nya mamaya.

Ako nga pala si Princess P. Rosales. 19 years old na ako at apat na taon ng ganito ang takbo nang buhay ko... Nag-tatago sa madilim na lugar. Takot lumabas, takot makipag-usap sa sinoman, takot maki-halubilo. Takot na yata ako sa lahat. Wala akong kaibigan. Dahil mas gusto ko ang mag-isa.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon