Welcome back to school...

"Waahh!! Late na ako!!"

Hindi ko na yata na-shampoo ng maayos ang tutsang kong buhok dahil sa pag mamadali ko.Ni hindi ko nga din matandaan kung nakapag-toothbrush ba ako o ano.

Hindi na importante iyon, basta kailangan ko ng mag madali.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa school campus namin.

As usual, unang araw hindi pa regular class. Doon muna tayo sa ritwal. Ang paulit ulit na pag papakilala sa mga teacher mo.

Nag mamadali ako ng buksan ko ang pinto ng class room ko.

Halos lahat ay nagulat at napasigaw ng bigla na lang akong sumulpot.

May teacher na naka tayo sa harapan,naka nga nga din ito habang sinusundan ako ng tingin.

Nag-lakad ako sa dulo, doon sa may sulok ng makita ko na may bakanteng upuan doon.

Lahat sila ay naka-sunod ang tingin sa akin hanggang sa sunod sunod na ang mga pag bubulungan sa paligid.

"Nakaka-takot siya."

"Magpalipat na lang kaya tayo ng section?"

"Siya na naman?"

"Bakit dito pa sa room natin?"

"Classmate natin yan last sem diba? Siya yung mukhang multo girl."

Iyon ang mga usapang naririnig ko, karamihan ay mga babae ang nag-uusap.

--

Pag katapos ng attendance ay umalis na agad ang prof namin.

Nanatili akong naka upo sa sulok sa pwesto ko.Inilabas ko lang ang notebook at ballpen ko hanggang sa mag simula akong mag-sketch.

Iginuhit ko ang kalansay kong manika. Si Skully. At sa likod niya ay may apat na anino pa akong inilagay. At sa likod pa ng apat na anino ay isa pang anino na may hawak na kutsilyo.

Mahina akong natawa dahil sa kinalabasan ng sketch ko.

Maya maya ay nagulat ako ng bigla na lang may kung sino ang humila ng notebook ko.

"Ano ang ginagawa mo aswang?"

Nakayuko pa din ako ng marinig ko ang boses ng isang babae. Na nasundan na ng mga pagtawa sa paligid.

Sigurado ako na nasa akin na ang atensyon ngayon.

"Ano naman yan?"

"Grabe! Napaka-creepy talaga ng babaeng iyan."

"Ano yang drawing niya? Nakaka takot!"

Napa aray ako ng biglang ipukpok nung babae sa akin yung notebook ko.

Gustong gusto ko ng lumabas ng room pero nakapalibot na sa akin ang mga animal na ito.

Nag angat ako ng tingin upang tingnan ang babaeng nang hampas sa akin.

Si Bernadette. Siya ang bitch girl na kaklase ko na din dati. Nasa likod niya ang tatlo pang babae. Ang clone girls. Si Erica Ann, Joana, at Clarrice.

Tinawag ko silang clone girls sa isip ko dahil mag kakamukha sila.

Feeling beauty at famous kasi si Bernadette na mukhang leader ng kulto nila na silang ginagaya naman ng tatlong kasama niya ang ayos, maging ang panananamit nito.

Kung nasaan si Bernadette ay nandon din ang clone girls.

Well, maganda si Bernadette dahil may pera siya. At, okay. Mahal siguro niya ang sarili niya dahil sa pag aalaga sa kutis niya.

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon