Meet Noi...

"Princess? Princess gumising ka!" Narinig kong sabi ni Lay. Hinimatay nga si Princess.

"Anong nangyari?" Boses naman ni Hiro, nagmamadali syang bumaba at tinulungan si Lay sa pag alalay kay Princess. Si Dricks nga pala wala pa, siguradong inenjoy nun yung party na dapat ay para sa akin.

Lumabas na ko sa kusina at naupo sa sala. Dala ko ang isang mainit na tasa ng kape. Ang sarap pa naman nito kapag ganitong malamig ang panahon. Napatingin ako kila Lay na nasa kalagitnaan na ng hagdan. Iaakyat na nila si Princess sa kwarto nya. Wala pa rin akong paki alam. Hinayaan ko lang sila. Dalawa naman sila don e. Isa pa, masyado nang matanda ang halimaw na yun. Hindi pa mamamatay yun.

Lay P.O.V

"Pano natin bibihisan yan?" Tanong ko kay Hiro. Naihiga na namin si Princess sa kama nya. Basa pa rin kasi yung damit nya at hindi pwedeng hayaan na lang namin sya ng ganito. Kahit natutulog sya ay nangingig ang katawan nya. Hinawakan ko ang noo nya, ang taas ng lagnat.

"Saan ba kasi yan galing at basang basa?" Ipinaliwanag ko naman lahat kay Hiro. Lahat lahat. Pati yung pagligtas nya sa isang bata kanina.

"Ano nang gagawin natin sa kanya?" Nag-aalalang tanong ko. "Naka uwi na ba si Dricks? Kung hindi pa, tawagan mo sya at sabihin mong bumili ng gamot." Utos ko kay Hiro.

"Sige."

"Malakas pa ba yung ulan? Dalin na kaya natin sya sa Hospital?"

"Kailangan muna natin syang mapalitan ng damit."

Napatingin ako kay Princess. Pano naman namin gagawin yun. Kahit na wala kaming intensyon ay pangit pa rin tingnan kapag hinubaran namin sya para bihisan.

"H-hindi ko alam. Tatawagan ko na si Auntie." Sagot naman ni Hiro at nagmamadaling lumabas.

---

"Salamat nga pala sa tulong mo Noi." Si Noi kasi yung pinatawagan sa amin ni Auntie nung tawagan sya ni Hiro kanina. Schoolmate din namin sya, nagkikita kami sa school pero hindi kami ganun ka-close sa kanya. Pero magkakakilala naman kami. Pero hindi namin lubos maisip na matalik pala silang magkaibigan ni Princess.

Pagkatapos maibigay ni Auntie kay Hiro yung number ni Noi ay agad namin syang tinawagan. Swerte naman at nag-punta sya agad kahit na medyo malakas pa rin ang ulan. Gulat na gulat pa nga si Eroz dahil sya ang nag bukas ng pinto. Nasigawan pa nga nya at inisip na isa lang sa mga humahabol sa kanya.

Inasikaso agad ni Noi si Princess. Pinalitan nya nang damit at ibinili ng mainit na soup para daw may makain agad si Princess kapag nagising.

Naka upo kami ngayon sa sala. Habang si Princess ay iniwan namin sa kwarto nya para hayaang magpahinga.

"Pano mo naging kaibigan ang halimaw na yun?" Tiningnan ko nang masama si Eroz dahil sa tanong nyang yun kay Noi. Napaka bastos talaga. "I-ibig kong sabihin-~~"

"Si Princess ba yung tinatawag mong halimaw?" Gulat na tanong ni Noi. Hindi yata makapaniwala.

"Ah.. Ehh. Pasensya ka na dyan kay Eroz, ganyan lang talagang magsalita yan." Singit ko na lang. Parang uminit kasi yung ulo nya.

"Mukha kasi syang halimaw." Diretsong sabi pa ni Eroz. "So, pano mo nga sya naging kaibigan?"

"Eroz.." Sabi naman ni Hiro. Banta ng pag awat nya.

"Hindi ko kasi akalaing may kaibigan pala sya.Hahahah!"

Nagulat kami ng bigla na lang tumayo si Noi at galit na tiningnan si Eroz.

"Bakit?"

"Alam mo Eroz, kilala kita. Nakikita kita sa school pero hindi ko akalain na ganyan ka pala kabastos!?" Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Noi.

"Ano?"

"Hindi mo ba alam? Hindi mo ba alam kung...kung pano rumespeto nang isang babae!?"

Ouch! Mukhang nakahanap na nang katapat ang kaibigan namin. Madalas silang mag-away ni Princess pero hindi pa sya napag salitaan ng tulad nito. Napangiti ako sa sarili ko. Kahanga-hangang babae.

"Noi.." Hinawakan ko sa braso si Noi, napatingin naman sya sa akin na para bang napakatulin kumalma. "Hayaan mo na si Eroz. Ganyan talaga yan e."

Tumayo naman si Eroz. "Ewan ko sayo Lay." Sabi nya sa akin. "Ewan ko sa inyo. Matutulog na lang ako." Sabi pa nya tsaka tinalikuran kami at naglakad papunta sa kwarto namin.

Ilang oras din ang lumipas. Nagkakwentuhan lang kami nila Noi at Hiro. Si Dricks kasi wala pa rin. Mukhang hindi uuwi.

Mabait naman pala si Noi. Masayahin sya. Disenteng babae at maganda. Kung alam ko lang ay dati ko pa sana sya nilapitan.

"E teka, kayo? Pano kayo naging ganito? I mean, tumira sa bahay ni Princess?" Tanong ni Noi.

"Kaibigan kasi ni Auntie yung mga magulang namin. Ayun, sinabi nya na dito muna kami habang bakasyon para samahan si Cess." Sagot ni Hiro.

"Yun lang? Siguradong may iba pang dahilan at alam kong alam niyo yun."

Napanganga ako kay Noi. Mukhang alam nya. "Inutusan kayo ni Auntie Ysabelle. Tama ba ako?"

Gulat na gulat kami ni Hiro. Masyado naman yatang malakas ang pakiramdam nya?

"Anong kapalit?"

"A-anong ano ang kapalit?" Tanong ko.

Ngumiti sa akin si Noi. Ang ganda nya! "Kung misyon niyo na gawing normal na babae si Princess, handa akong tumulong. Gusto ko rin gawin ang lahat para maibalik sa dati ang kaibigan ko. Kung ano man ang kapalit na mapupunta sa inyo kapag nagawa niyo yun, labas na ako dun. Basta, gagawin ko kung ano ang makakaya ko."

"Sigurado ka?" Namamanghang tanong ni Hiro.

"Oo naman."

Wala na kaming nagawa. Sinabi na namin ang totoo kay Noi. Na tumira kami dito dahil sa kagustuhan ni Auntie. Na kapag nagawa namin ang misyon naming gawing babae si Princess ay babayaran nya kami. At bukod don ay papayagan nya kaming tumira din sa bahay na ito nang libre. At kapag pumalpak kami bago dumating ang pasukan ay pagbabayarin nya kami nang doble pa.

Napaisip ako. Dalawang linggo na lang ay pasukan na ulit. Wala pa rin kaming nagagawa. Wala pa ring pagbabago kay Princess.

Noi... Sana...matulungan mo kami.

***

I'm LIVING with POPULARS (four handsome populars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon