Warning: Mature content/R-18
Kabanata 3: Davil’s Pov
“What’s up, bro?” ang bunso kong kaparid na si Damon.
He’s a Doctor.
“Where’s Lola?” tanong ko.
“She’s upstairs, nagpapahinga. Galing na naman kasi sa garden niya at pinagod na naman ang sarili,” nailing iling na sabi niya.
Nagpapaalam ako sa kaniya para puntahan si Lola sa taas. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro, which is libangan niya.
“Oh my apo!” natutuwang niyang saad.
Napangiti ako nilapitan siya para yakapin. Si Lola na ang nagtatayong magulang sa amin ni Damon simula nang pumanaw ang magulang namin sa sakit.
“How are you, Lola? Pasensya na po at ngayon lang ako nakadalaw,” paumanhin ko.
Kinuha ko sa caregiver niya ang wheelchair at ako ang nagtulak, palapit sa couch.
“I understand. Pero hinihintay talaga kitang maparito, eh. May nais sana akong hilingin.”
“Whatever it is, Lola, gagawin ko para sa inyo.”
Nginitian niya ako at hinaplos ang pisngi. “You’ve grown enough, Davil. Handsome, strong, and independent. You’re 29 years old already. Ahm…p’wede na ba akong humingi ng granddaughter-in-law?”
Nakangiti lang ako habang nakikinig. Wala na sa isip ko ang mag-asawa o kahit ang lumandi. Gusto kong alangan na lang si Lola, wala rin naman akong oras para sa mga babae.
“Gusto ko ng magka-apo galing sa inyo ni Damon. Nakausap ko na rin ang kapatid mo at pumayag siya.”
Napabuntong hininga ako.
“Lola knows the best,” aniya. “Kaya maaari bang ang pakasalan mo ay iyong anak ng babaeng nagdala sa akin dito noong nawala ako sa mall noon?”
Napag-isip isip ako. Inalala ko ang babae. Nang maalala ito ay napatango ako kay Lola.
What my Lola wants, what my Lola gets.
“Sure, Lola. Susubukan ko.”
Masayang napatango si Lola at napapalakpak pa. “Pina-monitor ko ang anak na tinutukoy niya at nasigurado ko namang mabait siya, kahit na medyo masungit.”
Masungit? Interesting.
Sa araw din na iyon ay pinatawag ni Lola ang babaeng tumulong sa kaniya noon. Ako na lang ang humarap sa babae dahil pinagpahinga ko na rin si Lola. Gabi na rin kasi.
“Napakalaki ng puso niyo. Ang swerte ng Lola niyo sa inyo,” ani ng babae.
Walang emosyon lang akong nakatingin sa kaniya. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Thank God dahil nasa kwarto na si Lola, baka isipin pa niya na pinahihirapan ko ang babae kaya lumuluhod sa harapan ko.
“Parang awa niyo na, sir…pakasalan niyo ang anak ko.”
“Stand up.” Sumundo naman siya.
“Sir, parang awa niyo na…”
I heaved a sigh. “Bumalik ka rito kapag tinawagan kita.”
Nagliwanag ang mata niya at tila malaking relief sa kaniya ang sinabi ko. Kailangan kong pumayag, dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi na namin kasama ngayon si Lola.
“Maraming salamat, sir!”
Pinahatid ko pa ang babae sa driver dahil iyon ang binilin ni Lola. Umalis na rin ako para bumalik sa mansion.
Habang nasa daan pauwi, hindi ko maiwasang isipin ang napag-usapan. Hindi ko maintindihan…I feel excited.
My students are engineering. I’m their Calculus professor. And I love that profession. I love my work, my grandma, my parents. Kaya wala akong oras sa pagbuo ng pamilya, pero kailangan kong gawin ang gusto ni Lola. Hindi rin naman niya iyon hihilingin sa amin kung hindi magdudulot ng mabuti sa amin.
Pinatawag ko ulit ang babae pagbisita ko ulit kay Lola. Pero kinausap ko siya ng tulog na ulit si Lola para magpahinga.
“I will give you money. Enrolled your daughter in my university. ‘Yong ipakakasal sa’kin,” sabi ko at inabot ang envelope.
Mabilis na tinanggap ng babae ang envelope. “Oo, sir! Marami salamat!”
“Just take care of her. Ayaw kong makasal sa babaeng mukhang basura,” saad ko at tinalikuran na ang babae.
To be continued…..
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.