Kabanata 40 (Warning)

5.7K 98 0
                                    

Kabanata 40: Heart’s Pov

Pagkatapos buhatin ng tatlo ang mga nahuling kahon at lumakad na ako patungo sa tabi kung nasaan ang anak ko.

“Drick, gutom ka na ba?” tanong ko sa kaniya.

Mula sa tatlong lalaki na may buhat na kahon sa bangka ay lumipat sa akin ang tingin niya.

“No, mama. I’m super duper full!”

Ngayon ay sobrang lambot na naman niya at wari mo ba’y kilig na kilig sa kung saan.

“Ma… I think attracted ako sa boys, at prefer ko ‘yong medyo…matanda sa akin. Age doesn’t matter naman for me, Mama,” aniya.

Natawa ako, pero sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para mag-isip siya ng mga ganiyan. At alam kong may tamang oras para roon. Support naman ako sa kaniya kung anong gusto niya maging, pero ito…sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon.

Hinaplos ko ang ulo niya. “Anak, gusto ko mag-enjoy ka muna sa kung anong ika-e-enjoy sa edad mo.”

“Yes, Mama. Crush lang naman po, e.”

Napangiti ako. Kung gano’n ay ayos lang. He’s still young pa naman para magseryoso sa mga gano’ng bagay.

“Basta crush lang,” sabi ko.

“Yes po, mama!”

“So sino naman? Anong pangalan niya?”

Tila nag-daydream ang anak ko na ngayon ay nakatanaw na sa malayo.

“Hindi ko po alam ang pangalan niya, Mama, e. Kakikita ko pa lang sa kaniya kanina, at sa sandaling lumapat ang mga mata ko sa kaniya…may kakaiba akong naramdaman sa kalooban ko, Ma. Parang…there’s something na…kami ay parang iisa.”

Napansin kong mula sa malayo, lumipat sa kaninang tinitingnan niya ang tingin niya.

“I don’t know his name…pero sigurado ako, Ma…pakiramdam ko ay iisa kami,” aniya.

Nilingon ko ang tinitingnan niya. At doon ko nakita si Davil na mag-isang naglalakad sa pantalan, patabi. Pati ako ay napatitig sa lalaki. Naka-simpleng pang-summer outfit lang siya…pero nagmumukha siyang torista na mula sa ibang bansa. Para siyang model na naglalakad sa runway.

Iwinaksi ko agad ang naiisip at agad hinarap ang anak. Nakatanaw pa rin siya kay Davil habang may ngiti sa labi na tila isang fan na puno ng adorasyon sa idol nilya.

“Kendrick anak…hindi kayo p’wede ng crush mo,” diretsong sabi ko.

Nalipat ang tingin niya sa akin. “Ma? What do you mean po? At paano niyo nalaman na hindi po kami p’wede ng crush ko e hindi niyo pa po siya nakikita?”

Natawa ako. “Magaling ako, e.”

Napanguso siya.

“Basta, kilala ko na. S’yempre ako ang Nanay mo, mararamdaman ko kung sino,” sabi ko. “At hindi talaga kayo p’wede dahil may pamilya na siya…”

Kahit ako ay nakaramdam ng kunting kirot sa sinabing iyon. May katutuhanan man iyon o wala. Imposibleng hindi iyon totoo na may pamilya na siya. Pitong taon ang nagdaan, imposible.

“Ouch, Mama.” Napahawak pa siya sa dibdib.

Malungkot kong nginitian ang anak. Mukhang nakakaramdam din siya ng kirot. S’yempre tatay niya iyon.

Niyakap ko si Kendrick nang mahigpit. “Promise to Mama na lalaki kang malakas at matapang, ah…”

“Promise, Mama.”

“Promo to Mama na haharapin mo ang mga hamon sa buhay at hindi susuko.”

“Promise, Mama.”

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Dama ko na naman ang sakit na ilang taon kong pinag-aralan na kalabanin. Ramdam ko na naman ang sakit ng kahapon…na inabot ng ilang taon na pilit kong nilabanan. Ang sugat na ilang taon kong pinagaling...at nakita ko lang ang naging dahilan…ngayon ay bumalik na ang lalim.

“A-and promise to Mama… magiging matapang ka at magiging palaban katulad ni Mama.”

“Yes, Mama–,”

“Promise that to your father too…” saad ng lalaking nasa tabi na pala namin.

Sa boses pa lang niya…kilalang kilala ko na siya. Hindi pa rin matatanggal sa isipan ko ang kung paano niya ako sinigawan noon.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa anak ko para balingan si Davil. This time, hindi ko na siya magawang ngitian katulad ng kanina.

Tumayo ako at hinawakan sa kamay ang anak ko at bahagyang dinala sa likuran ko.

“He will,” walang emosyong sabi ko. “Ipapangako niya rin ‘yon sa papa niya.”

Bahagya kong hinila si Kendrick at nilingon. He’s now looking at his father…innocently.

“Let’s go, anak. Nakauwi na ‘yon si Papa mo from work. For sure hinahanap na niya tayo,” sabi ko at umalis sa harapan ni Davil.

Tuloy-tuloy kami ng anak ko sa paglalakad palayo…hindi na binigyan pa ng kahit isang lingon ang lalaki.

Don’t expect me na pagtutuonan ko pa siya ng atensyon, pagkatapos ng ginawa niya? Huh. Mabulok pa siya sa islang ito, wala akong pakialam.

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now