Kabanata 48: Heart’s Pov
Umalis na rin si Davil pagkatapos. Pagsapit ng hapon ay bumalik na rin siya, may dalang meryenda. May kailangan naman akong tapusin na tahiin ngayong araw din kaya hinayaan ko muna ang dalawa na maglibas sa sarili nila.
Ginupit ko ang mga tastas na sinulid. Napasulyap ako sa dalawa na kanina pa abala sa paggagawa ng crochet shoes ng mga manok ni Kendrick.
“Hawakan mo ng maayos, Papa, ah.”
“No worries, anak.” Malapad ang ngiti sa labi ni Davil habang puno ng pagmamahal ang matang pinagmamasdan ang anak.
“Kenny my dear, stop moving,” suway pa ni Kendrick sa manok na pinahahawak nito sa ama.
Pati mga manok ay pinangalanan pa.
Napailing iling na lang ako na pinagpatuloy ang ginagawa.
Alas sais na nang tumigil na ako sa pagtatahi, natapos ko na ‘yong kailangang tapusin ngayon at nasimulan na ang isa. Naghahanda na ako sa pag-uwi naming mag-ina.
“Saan ka ba umuuwi, Papa? Bakit hindi na lang tumira sa bahay namin ni Mama?”
Napaangat ng tingin sa akin si Davil. Pinad-lock ko ang pinto ng patahian at agad pinara ang papadaan na tricycle.
“Sa hotel lang na binobook ko,” sagot niya sa anak.
“Bakit hindi na lang sa bahay namin? Ayaw mo po ba kaming makasama ni Mama sa iisang bahay?”
“No, it’s not like that…I want to be with you two, all day. Pero hindi ako maaring manirahan sa bahay ninyo nang hindi sinasabi ng Mama mo. She’s my boss.”
“Okay po. Kunting lambing pa, Dad. Lalambot din ‘yan si Mama!” ani Kendrick na sinulyapan pa ako, nagpaparinig.
“Tsk. Sumakay ka na nga, nagsisimula ka na naman,” suway ko ay pinapasok siya sa tricycle.
Pumasok na rin ako, nang si Davil ay nakarang ang kamay sa bubong ng tricycle na maaring mauntog ako.
“Are you two comfortable there?” tanong niya pa nang silipin kami.
“Yes. S-sumakay ka na rin.”
Tumango siya at umikot na papunta sa likod ng tricycle driver.
Inasikaso ko agad ang paghahanda ng lulutuing hapunan habang si Keandrick ay inaasikaso ang mga manok niya.
“Ako na niyan, magpahinga ka na,” si Davil na sumulpot sa tabi ko.
Dinala ko ang tinadtad na bawang sa lamesa dahil nang pagtalikod ko sa kaniya. “Ako na. Hindi ka pa ba uuwi?”
“Can I sleep outside?”
“Bakit ka magtitiis sa labas kung may hotel kang inuuwian?” Baliw ba siya?
“Gusto ko kayong bantayan…” he said, softly.
“Sorry, I don’t need security guard.”
“Eh husband?”
Wala na...
Inirapan ko siya at muling tinalikuran para ilagay ang bagio petchay sa kumukulo ng karneng baka.
“Ah, may asawa ka na pala,” saad ni Davil, kausap sarili niya. “Ayon oh.”
Napalingon ako sa tinuro niya. Paglingon ko ay nakita ko siya sa repleksyon ng salamin-salamin ni Kendrick.
“Pogi ng asawa mo,” saad pa niya.
“Matagal ko ng pinatay ang asawa ko,” sabi.ko.
“Hindi naman ako multo. Buhay na buhay pa ‘ko, oh.”
Argh! Bakit ba hindi na lang siya umalis.
Hindi ko na lang pinansin ang lalaki. Nagluto na lang ako. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagluluto kaysa bigyan ng pansin ang lalaki. Mas lalo kasing kumukulit.
Hanggang sa matapos ang pagkain ng hapunan ay nanatili pa rin si Davil.
“Seryoso ka ba talagang diyan ka matutulog?” seryosong sabi ko, hinihinaan ang boses upang hindi na marinig ni Kendrick, natutulog na kasi.
Nilabas ko pa si Davil sa balkon dahil hindi pa rin siya umaalis. Talagang mananatili siya.
“I’m serious,” aniya.
“Sige, bahala kang papakin ng lamok diyan,” inis ng sabi ko.
Hindi siya umimik kaya mas lalo lang akong nainis. Pinagsarhan ko siya ng pinto. Naiinis ako na ewan! Gusto ko na siyang umalis, pero may parte sa akin na gusto siyang manatili. Na okay lang kahit nandyan lang siya, basta hindi siya aalis.
Binuksan ko ulit ang pinto. Nanatili siyang nakaupo, napaangat ang tingin dahil sa pagbukas ko.
“Ano? Hindi ka talaga babalik sa hotel mo?”
Umiling siya. “Sa’yo lang ako babalik,” aniya.
Nilabas ko siya. Hinablot ko ang kamay niya at buong lakas na hinila siya. “Gabi na. Kung gusto mong makita ang anak mo, bumalik ka na lang ulit bukas.”
“Gusto rin kitang makita.”
Hayst!
“Alam mo, gustong gusto na kitang itapon pabalik sa mansion mo. Akala mo siguro okay na tayo porke pinapansin kita,” inis na inis na sabi ko habang hinihila siya palayo.
Napatigil ako nang tumigil siya. Dahil mas mapwersa siya sa akin, nagawa niya akong pahintuin sa panghihila sa kaniya.
“Let’s talk…” marahan niyang saad.
“We are talking already.”
“No, I mean–,”
“Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan?” galit na sabi ko nang harapin siya. “Ginagawa ko lang ‘to para kay Kendrick. Ayaw kong isipin niya na bitter pa rin ako! At ikaw, ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin matapos ng ginawa mo?”
Unti-unting bumangon ang galit at sakit sa dibdib ko.
“Hinayaan mo lang ako…” pumiyok ang boses ko. “Hindi mo ako pinakinggan. Sabi mo m-mahal mo ako, pero mas pinaniwalaan mo ang sinabi ang iba?”
Hindi siya makagalaw. He’s just looking at me, feeling sorry.
“Ilang beses mong sinabi sa’kin na mahal mo ‘ko…pero wala ka palang tiwala sa’kin?”
Hindi siya nagbitaw ng kahit isang salita. Mula sa liwanag ng buwan at ng ilaw sa poste na katabi namin, nakita ko kung paano gumapang ang umalpas na luha mula sa mata niya…habang nakatitig sa akin.
“Hindi ako naging sapat sa’yo p-para paniwalaan mo ang iba, Davil…”
Pinahid ko ng likod ng palad ang mga umalpas na luha sa mata ko.
“I-ilang taon kong pinag-aralan na kalimutan ang sakit na binigay mo…pero sa tuwing umuulan, naaalala ko ang lahat. B-bumabalik ang sakit. Nararamdaman ko na naman ‘y-yong kung paano mo ako p-pagtabuyan…nadadama ko ‘yong s-sakit.”
“Baby…”
“Sa t-tuwing umuulan…n-natatagpuan ko na lang ang sarili kong nakaluhod…habang nagmamakaawa na pakinggan mo.”
Dahan-dahan ay lumuluhod siya sa harapan ko.
“H-hindi mo alam, b-bago ko isilang ang anak natin…i-ilang buwan muna akong nanatili sa mental hospital.”
Ngayon, hindi lang ang hikbi ko ang tanging naririnig kundi pati na rin ang paghagulhol ni Davil, nakayakap sa baywang ko habang nakaluhod.
“S-saktan mo ‘ko. Saktan mo rin ako, kahit ikamatay ko pa…” he sobbed.
To be continued…..
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.