Kabanata 47: Heart’s Pov
Umalis si Davil sa patahian bago mananghalian. Ginugol ko na lang ang atensiyon ko sa pagdedesinyo.
“Mama, look! It’s cute, isn’t it?” ani Kendrick pagkatapos sa ginagawa.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Pinakita niya ang itsura ng tinahi niyang kasuotan para sa mga manok niya.
“That’s cute. Pero bakit mo naman ginawan ng kasuotan ang mga manok mo,” natatawang saad ko.
“I want them to look perfect,” aniya at bumalik ulit sa paggagawa.
Alas dose na pagtingin ko sa orasan. Hininto ko muna ang ginagawa at tumayo pagkakuha ng wallet.
“Maiwan ko muna ikaw rito, anak, ah. Bibili lang ako ng tanghalian natin sa kanto,” sabi ko.
Dahil nga maaga kaming pumupunta rito sa patahian ay sa karenderya sa kanto na lang kami bumibili ng pananghalian. Hindi naman palagi, dahil minsan kapag nagsasawa na kami sa pagkaing naroon ay nagluluto na lang ako.
“Okay, Mama.”
Dahil sikat na sikat ang araw ngayon ay kinuha ko ang payong. Palabas na ako ng patahian nang masalubong si Davil na papasok. Pareho kaming natigilan.
Inalis niya ang suot na sunglasses. “Where you going? Masakit sa balat ang sikat ng araw,” aniya.
“May dala naman akong payong,” sabi ko.
Lalampasan ko na siya ngunit hinarang niya ako. “Saan ka nga pupunta?”
Pati ba naman pagpunta ko sa kung saan kailangan sabihin ko rin sa kaniya?
“Sa kanto, bibili ng lunch sa karenderya,” sabi ko.
Lalampasan ko na naman siya ngunit mabilis niya akong pinigilan. Tinaas niya ang dala-dalang paper bag.
“Nagluto na ako ng lunch for us.”
Napatingin ako sa paper bag niya. “Busog na pala ako,” sabi ko at tinalikuran siya pabalik sa loob.
“Oh, Mama. Nasaan na po ang binili ninyo?” tanong ng anak ko na abala sa pagtatahi.
“Hindi na ako bumili. May nagdala na.”
Saktong sumulpot si Davil.
“Girls, hinanda ko na ang lunch. Let’s eat.”
“Girls! Oh my! I’m the prettiest!” Agad na napatayo si Kendrick at umalis. “Wow! May fruits pa! Come, Mama, let’s go eat!” sigaw niya pa.
Natigil si Davil sa paghahagikhik dahil sa anak nang pagbaling niya sa akin ay nasalubong ang seryoso kong mukha.
He cleared his throat. Para siya ngayong maamong pusa na nakatingin sa akin ngayon, na para bang napagalitan ko dahil sa kung anong kakulitan ang ginawa.
“L-let’s go eat. Gutom na ang anak natin. Alam kong ikaw rin.”
“Hindi ko hahayaan na makuha mo siya sa akin,” saad ko.
Nangunot ang noo niya. “Stop, hindi ko ‘to ginagawa para kunin siya sa’yo.”
Humakbang siya palapit sa akin. Ang nakakrus kong mga braso sa dibdib ay marahan niyang hinawakan. Hindi ako lumayo o kumilos man lang.
“Ginagawa ko ‘to para ibalik ang tiwala mo sa akin. Ginagawa ko ‘to…para mahalin mo ulit.”
Mahalin ulit? Kahit ilang beses kong sinabi na hindi ko na siya mahal…iba pa rin ang sinasabi ng puso ko.
Umayos ako sa pagkakatayo at inalis ang pagkaka-krus ng braso. “Gutom ka na ‘ata, kumain na tayo.”
Naabutan ko si Kendrick na nakaupo na, hinihintay kami. Tama nga siya, hindi lang ulam at kanin ang nasa lamesa. May mga panghimagas pa.
“Magaling din pala magluto ang tatay ko, Ma. Plus, he’s so handsome pa,” ani Kendrick.
Inirapan ko siya. “Like you?”
“No! I’m pretty, prettier than you.”
Inagaw ko sa kamay niya ang piraso ng apple na isusubo na niya sana.
“Eh, kung hindi kita patikimin nito,” pananakot ko.
“Hey, what’s the problem,” ang kasusunod lang na si Davil.
“Si Mama, pinagdadamutan ako ng pagkain…” tila biglang nalungkot na sinabi ng anak ko.
Napaawang ang bibig ko sa pag-arte. God, ‘wag naman sana siyang gumaga sa ate ko.
“Ganiyan ‘yan si Mama mo kunwari ayaw sa’kin, pero hinahanap hanap ako.”
Nanlaki ang mata ko at agad binalingan ang lalaki. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Kaysa naman sa’yo?” Inirapan ko pa siya bago binalik ang tingin sa pagkain at nagsimula ng sumandok.
“So totoo, Mama?”
Grr! They are getting on my nerves! Tss. Magsama sila ng tatay niya. Magkampihan pa sila!
Hayst!
“Yiee si Mama ko pala ay isang strong woman sa akin, pero pabebe pagdating kay Papa–,”
Agad kong binusalan ng lettuce ang bibig ng anak ko. “Akala ko ay gutom ka na, anak, ayan sinusubuan na kita,” malambing na sabi ko.
Nakabusangot ang mukha niya na tinanggal ang lettuce sa bibig at nakatikwas ang mga daliri na nilagay iyon sa walang laman na platito at inabot ang tissue.
“Mama, sinisira mo ang pinkish lips ko.”
“You got your lips from me,” saad ni Davil.
Parang biglang nag-init ang ulo sa sinabi niyang iyon.
“Oo na sa’yo na halos nagmana! Okay na? Ako ang nagdala ng siyam na buwan at ako ang nagpalaki ng halos pitong taon, pero ikaw ang kamukha. Ayos, ‘di ba?” dirediretsong sabi ko.
Pareho silang laglag ang panga habang nakatingin sa akin.
Hinilot ko ang sintido ko at malalim na napabuntong-hininga, kinakalma ang sarili.
“Oh gosh… Papa, hindi niyo pa naman nasisimulang buohin ang kapatid ko, right?”
“Hindi pa…”
Matalim kong binalingan si Davil na may maliit na ngisi ang nakaukit sa labi niya. As if naman!
“Pero para ng buntis si Mama…ang bilis uminit ng ulo.”
Napairap ako sa hangin dahil sa pag-uusap ng dalawa na parang wala ako sa harapan nila, pero pinaririnig sa’kin ang mga sinasabi nila!
Sunod-sunod ko na lang na sinubo ang nasa plato para hindi na makapagsalita. Kunwari na lang din na wala sila.
“Ngayon tumatakaw na. Gosh, Papa…baka naman ginapang ka na niya nang ‘di mo namamalayan,” saad pa ni Kendrick.
Hindi ko napigilan na hindi siya angatan ng tingin. Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin.
Titinulahin ko ang mga manok mo!
To be continued....
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.