Kabanata 41 (Warning)

5.9K 98 1
                                    

Kabanata 41: Heart’s Pov

Nakahinga ako ng maluwag nang lisanin namin ang lugar. Medyo malayo layo ang mga kabahayan ng isla sa tourist spot na iyon. Para maiwasan din ang perwisyo sa mga magagandang tourist spot ng isla.

“Mama, we’re here,” ani Kendrick sa tabi ko.

Tila ako naalimpungatan. “L-let’s go.”

Bumaba ako sa tricycle bago si Kendrick. Si Pedro at Bruno ang nagmaneho sa L3, pabalik sa pinag-arkilahan namin.

“Hindi na po ba tayo pupunta sa patahian, Mama?”

“Gusto mo ba?”

“Mas gusto ko pong magpahinga tayo today. For sure bukas, magiging busy tayo,” aniya.

Bukas na kasi ang fiesta. Siguradong maraming tao, maraming customer at maraming gagawin. May ibang torista pa naman na mahilig dumayo sa patahian ko para mamili ng iba sa mga gawa ko. Minsan ay nagre-request pa sila kaya agad akong gumagansilyo.

Magkasama kami ni Kendrick sa bahay pero pansin ko ang pananahimik niya.

“Oh ano? Nalaman mo lang na may pamilya na ang crush mo ay nagkaganiyan ka na,” biro ko sa anak ko.

Nilapag ko ang isang mangkok ng sinigang na hipon sa mesa. Maghahapunan na kami.

“Hindi po, Mama,” tipid niya lang na sagot.

“Eh ano? Bakit bigla kang tumamlay?”

“Bigla ko lang pong naisip ang tatay ko,” saad niya.

Napabuntong-hininga ako.

Pagkalapag ko ng bandihadong kanin ay umupo na rin ako sa upuan, kaharap niya.

“Pakiramdam ko, Mama…nasa malapit lang siya. Ayaw ko siyang makilala o makita man lang...pero bakit po pakiramdam ko…makakasama ko na siya?”

Hindi niya alam na nakita niya na ang tatay niya. Wala siyang kaalam alam na iyong lalaking pinapantasya niya kanina ay ang tatay niya na. At siguro, kaya niya nararamdaman iyon ay dahil…sa kalooban niya, hinahanap hanap niya na ang ama.

“Hindi kaya…hinahanap hanap mo na ang presensya ng tatay mo? Kahit hindi man natin aminin, alam natin kung bakit ka nakakaramdam ng ganiyan, ng pagkukulang.”

“Mama, ayaw ko talaga siyang makilala. Kahit makita na lang, Mama…pero ang kilalanin siyang ama? Hindi ko magagawa, Mama.”

“Anak, hindi ba’t ilang beses ko ng sinasabi sa’yo na ‘wag tayong magtatago ng galit sa isang tao? ‘Wag tayong kikimkim dahil mabigat sa dibdib…”

Lumubo ang pisngi niya matapos punuin ng hangin, at napaisip.

“P’wede niyo bang sabihin sa akin, Mama, kung ano ang dahilan ng pagkakalayo natin sa tatay ko?” he asked, curiously.

“It’s…misunderstanding.”

“Just because of misunderstanding? Anong ginawa niya, Ma?”

“P-pinagtabuyan…”

Wala ng panahon para hindi ko pa sabihin sa kaniya ang katotohanan. Wala na dapat akong itago sa kaniya.

Sa harap ng hapag na iyon, nalaman niya ang lahat ng pinagmulan…kung bakit kaming dalawa lang ang magkasama ngayon, sa malayong lugar na ito. Nalaman niya lahat kung bakit kaming dalawa lang ang magkasama ngayon, na kahit isang kapamilya ay wala.

Nakatulog si Kendrick sa pag-iiyak. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko dahil sa nangyari.

“Kendrick anak, tanghali na. Kailangan na nating makarating sa patahian,” malambing na saad ko.

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now