Kabanata 33 (Warning)

5.5K 96 4
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 33: Heart’s Pov

Nagising ako ng may marahang dumadampi dampi sa noo ko.

“A-ali…”

Ang lalamunan ko ay natutuyo.

“Kumusta ang pakiramdam mo?”

Napabangon ako. Napalinga linga ako. Narito ako ngayon sa kwarto niya.

Bumalik ang mga ala-ala ko bago nawalan ng malay kanina. Nanubig ang mga mata ko pero iniwasan ko ang maiyak.

“Ali…b-buntis ako.”

Umawang ang labi niya.

“At gusto ko sanang itago. Wala na sanang ibang makaalam…” may pangungusap na saad ko.

Pinahid ko ang luhang umalpas sa mata niya.

“H-hindi na ako safe sa kanila. Sa pamilya ko…k-kaya Davil.”

Mahigpit na hinawakan ni Ali ang kamay ko. “Ano ang gusto mong gawin ko?”

“Gusto kong itago mo ang tungkol sa pagbubuntis ko.” Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. “Ipangako mo, Ali…k-kahit anong mangyari hinding hindi mo sasabihin kahit kanino. Lalong lalo na kay Davil…”

Nginitian ko si Ali nang tumango tango siya. Bahid man ang pag-aalangan sa hitsura niya ay tumango siya. At kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.

“Pangako…”

Niyakap ko siya. “Salamat, Ali.”

Bumihis ako ng bagong damit na galing kay Ali pagkatapos kong maligo. Halos inabot pa ako ng ilang oras sa pagpaligo dahil sa muli ko na namang pag-iyak.

Ang sakit…sobrang sakit.

Kung sino pa ‘yong taong nagsisilbing sandalan ko…siya pa itong nagiging dahilan ng sakit na pinagdadaanan ko.

Bakit…bakit kailangan niyang umalis sa tabi ko…para maging sandalan ng iba?

Kailangan ko bang sisihin ang sarili ko sa mga nangyayaring ito sa akin? Ako lang palagi ang may mali?

“Dito ka na magtulog, ako na lang ang sa guest room.”

“Ah hindi na. Ako na lang matutulog sa guest room, ikaw na rito sa kwarto mo,” agad na sabi ko.

“No, mas comfortable kayo rito ni baby. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka ha. Maiwan na kita para makapagpahinga ka na.”

Wala na akong nagawa nang dumiretso na siya sa paglabas. Malalim na napabuntong-hininga na lang ako at umayos na sa pagkakahiga. Hindi agad ako nakatulog, nananatiling dilat ang mga mata ko at gising ang diwa.

Pilit ko mang kalimutan at iwasang isipin ang mga nangyari ay hindi ko nagawa. Kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bag para magpaantok.

Binuksan ko ang social media. Nawala sa isip ko ang tungkol sa picture na sinabi kanina ni Ali kaya nang buksan ko ang picture ko ay pumutok ang notification ko gano’n din ang messenger ko. Hindi ko naiwasan ang mga hateful words.

Lalong bumigat ang dibdib ko.

Halos paulit ulit lang ang mga pinupunto nila.

Ako ang kabit…ako ang malandi…ako ang higad…ako ang makati…ako ang walang kwentang kapatid.

Pinantay ko agad ang cellphone ko at binalik sa bag. Hinilamos ko ang mukha. Tuloy ay hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak.

“M-masaya ka na ba ngayon, ate? W-wala na…n-nasira mo na kami,” humihikbing saad ko, binabawasan ang labis na sama ng loob na nararamdaman.

Kinapa ko ang tiyan ko at hinaplos.

“Hindi na ako makapapayag na pati ang anak ko ay mawala dahil sa inyo.”

Napapikit ako at malalim na bumuntong-hininga, pinakakalma ang sarili.

“Pangako, anak…hangga’t sa makakaya ko…ilalayo kita sa kanila. Ilalayo kita sa gulo.”

Sa mga pagkakataong ito, kailangan kong isantabi ang puso ko. Kailangan kong isantabi ang nararamdaman ko.

Masakit man…pero kailangan ko ng bumitaw. Mas lalo lang akong masasaktan kung patuloy ko pang panghahawakan ang mga taong naging mahalaga sa akin na walang idinulot sa akin kundi sakit…at paghihirap.

Kinaumagahan. Pumasok si Ali, bihis na bihis na ako.

“Ali, maraming salamat sa lahat. Hinding hindi kita makakalimutan. Ikaw agad ang hahanapin ko oras na makabalik ako nang kaya ko ng tumayo sa mga sarili kong paa.”

Binalot ng labis na pagkalito ang hitsura ni Ali. Agad pa niya akong nilapitan, puno ng pag-aalala.

“A-ano ang ibig mong sabihin, Heart.”

Nginitian ko ng matamis ang kaibigan. Malalim akong bumuntong-hininga at tinuyo ang namasa kong mata.

“Ali…magpapakalayo layo na kami ni baby.”

“Heart…” Nag-alpasan ang mga luha niya.

Niyakap niya ako agad, humahagulhol na at iling nang iling.

“Kailangan ko ‘tong gawin, Ali…kailangan kong gamutin ang malalalim na sugat.”

“P-pero…walang kahit sino ang nasa tabi mo.”

“’Yon nga, Ali…k-kailangan ko ng tumayo ng mag-isa. ‘Wag kag mag-alala, matututunan ko rin. Kakayanin ko para sa amin ni baby.”

Hindi na siya nagsalita at umiyak na lang nang umiyak. Hinigpitan niya pa ang yakap na parang ayaw akong pakawalan.

Ito siguro ang itinadhana sa akin, at wala akong choice kundi harapin ito. Hindi ko kailangang sumuko para matapos ang sakit at hirap ng pinagdadaanan. Ang kailangan ko ay lumaban…naniniwala akong malalampasan ko rin ito.

Gagaling din ako.

Binigyan ko pa ng huling sulyap ang buong lugar bago sumakay sa barko. Sa paglisan sa lugar ay siya ring pag-iwan ko ng masasakit na ala-ala. At ang tanging baon ay ang pinakamahalagang nangyari sa buhay ko…ang anak ko.

Hindi ko man siya mabibigyan ng buong pamilya…titiyakin ko namang mabibigyan ko siya ng magandang buhay.

This is Heart Salazar…magsisimula ulit, at nangangakong gagawing aral ang mga sakit at hirap na pinagdaanan.

To be continued….

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now