Kabanata 58 (Warning)

5K 88 0
                                    

Kabanata 58: Heart’s Pov

Habang lumilipas ang buwan ay palala nang palala ang cravings ko. Hindi na ako nakukuntento. Ang hirap ko ng i-please at ang mood swing ko, malala na rin.

“Maagang matatapos ang meeting ko mamaya. Isasabay ko na si Kendrick pauwi.”

“Eh, ‘di ba dalawa ang important meetings mo today?”

“Mamayang gabi pa ‘yung isa. Papasok ako ulit.”

“Okay…” tumango ako at sumandal sa kaniya nang natapos ko ng ayusin ang necktie niya.

“Gusto mo bang lumabas?” malambing na tanong niya.

Umiling ako. Nakakainis! Ang aga-aga ay bagot na bagot akong kumilos. ‘Tapos inis na inis naman ako kapag tinatamad akong kumilos. Ang gusto na lang gawin ng katawan ko ay kumain nang kumain!

“What do you want to eat?”

Parang biglang nabuhay ang katawan ko sa tinanong na ‘yun ni Davil. Para akong isang bata ngayon na kumikislap ang mga mata sa pagkasabik.

“Gusto ko ng strawberries! Kulay pink!”

“Pink? Baby–,”

Napasimangot ako agad.

“Okay, okay, I’ll buy you pink strawberries. Hahanapan kita.”

Bumalik ang ngiti sa labi ko. “Tara na, baka ma-late ka pa sa meeting mo.”

Hinatak ko na siya palabas ng kwarto. Si Kendrick ay pumasok na, pinahatid ko na sa driver. Kung magsasabay pa kasi siya sa papa niya ay mali-late na siya.

“Davil…” ungot ko nang binuksan niya na ang pinto ng driver’s seat.

“What? Do you need anything?” malambing niyang tanong at hinawi pa ang buhok kong nililipad sa mukha ko.

“Sumama na lang kaya ako?”

“Sumama saan? Sa akin ba hmm? But I have works. Kailangan ko pong magtrabaho para sa magandang buhay niyo,” aniya.

“O-okay lang kung may trabaho ka. Behave lang ako. Promise!”

Pinagkatitigan pa niya ako ng ilang sandali, tila binabasa. Malalim siyang nagbuntong-hininga at wala ring nagawa, tumango.

“Yehey!” tuwang-tuwang sabi ko at agad tumakbo papuntang shotgun.

“H-hey! Baby, slow down...”

Hinaplos ko ang bukol ko ng tiyan. Humagikhik lang ako at pumasok na.

Simula ng naaksidente si Davil noon ay hindi na siya bumalik muna sa pagtuturo. Nag-focus siya sa pagpapatakbo ng kompanya ng pamilya niya, na dating ang Lola niya ang CEO. Wala ng ibang pagmamanahan, lalong hindi na rin kaya ng Lola niya na ipagpatuloy iyon dahil matanda na rin at gusto na lang i-enjoy ang buhay. Si Damon naman, mas gusto niya ang pagiging doktor na sinusuportahan naman ng Kuya at Lola niya. Kaya walang choice si Davil, siya talaga ang magpapatuloy. Lalo’t siya rin ang panganay na anak at apo.

“Wala ka na bang balak bumalik sa pagtuturo, Professor?” maya-maya ay natanong ko.

Matagal siyang hindi nakasagot.

He sighed. “Teaching is my dream, pero nang dumating kayo sa buhay ko… Ang gawan kayo ng maganda at masaganang future na ang pangarap ko. Makakabalik naman ako kung kailan ko gusto, love.”

He's a LET passer anyway. He’s a top-notch board passer.

“Uunahin ko muna kayo at ang kompanya.”

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now