Kabanata 60 (Warning)

6.4K 122 7
                                    

Kabanata 60: Heart’s Pov

Para akong isang bata na inapi sa isang gilid. Tulala at hindi makaharap sa iba. Narito ako sa waiting shed, hinihintay ang paglabas ng anak. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina bago ako pumunta rito para sunduin si Kendrick.

Tiningnan ko sila Lola. Malungkot akong nginitian ni Lola, si Damon ay iiling iling na umiwas ng tingin. Pagbaling ko ulit kay Davil ay gano’n pa rin ang itsura niya.

“A-ako si Heart…asawa mo,” lakas loob na sabi ko.

Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang nangyayari, pero kahit na…gusto ko pa ring sabihin sa kaniya kung sino ako sa buhay niya.

“I don’t remember you,” aniya.

Nasaktan ako sa sinabi niyang ‘yon pero pinanatili kong matatag ang tuhod ko.

“Dahil ba ito sa aksidente kaya hindi mo ako maalala? A-ako lang ba ang hindi mo naaalala?”

Muli kong binalingan sila Lola. Umiling sila. Bumagsak ang balikat ko. Kung gano’n pati sila ay hindi maalala ni Davil? Ang sabi ng Doktor ay walang naapektuhan sa kalooban looban niya? Bakit…ano ‘to? Bakit hindi niya kami maalala?

“K-kaya kong ipaalala sa’yo ang lahat, Davil…”

Napaayos siya. Unti-unti ay humiga siya at nagtalukbong ng kumot. “I don’t know who your are. I want to be alone,” aniya.

Kinisap kisap ko ang mata para pigilan sa pagluha. Napayuko ako at walang nagawa nang talikuran niya ako. Gano’n pa man ay hindi ako mapapagod na ipaalala sa kaniya ang lahat. Kahit ganitohin pa niya ako.

“M-may anak tayo, si Kendrick. At m-magkakaanak ulit,” sabi ko.

Nagtalukbong lang siya ng kumot. Napabuntong-hininga ako at hinayaan na muna siya. Baka katulad ko ay kailangan pa niya ng pahinga.

Nagpaalam ako kila Lola na susunduin ko muna si Kendrick. Sabay pa kaming umalis ni Manang sa hospital, magluluto na rin kasi siya ng lunch namin sa hospital.

“Mama!”

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses ng anak. Tumayo ako at malapad na ngiting sinalubong ang anak.

“Kumusta ang school?”

“Maayos naman po. I miss you, Mama.”

Napahagikhik ako at ginantihan ang yakap niya. “I miss you too, anak. Let’s go? Gutom ka na ba?”

“Sakto lang po!”

Sumakay kami sa sasakyan pabalik sa hospital. Habang nasa byahe ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Manang, nasa hospital na raw siya. Ang sunod na mensahe ni Manang ay naghatid ng labis na pangamba sa dibdib ko.

Manang Demi:
Ma’am, si sir po…

Iyon lang ang laman ng mensahe ni Manang, pero labis na ang epekto sa akin. Puno ng what ifs ang isipan ko. Ginawa ko ang lahat para hindi ipahalata sa anak ang pangamba ko.

“Ahm…manong, p’wede po bang bilis bilisan natin ng kunti?”

“Sige po, ma’am.”

“Mama? Ano pong nangyayari?”

“W-wala naman, anak…ahm, naroon na raw kasi si manang dala ang pananghalian natin. H-hindi na ‘yon masarap kapag malamig na,” dahilan ko.

Hindi sumagot si Kendrick. Nanatili siyang nakatanaw sa labas ng kalsada. Ilang beses kong kontak-in si Manang dahil hindi na sumasagot sa mga mensahe ko, pero hindi siya sumasagot. Labis na ang pagkabog ng dibdib ko.

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now