Kabanata 54 (Warning)

5.4K 107 13
                                    

Kabanata 54: Heart’s Pov

Wala ako sa sarili hanggang sa pagbaba ng tricycle.

“Good evening, ma’am.”

Tinanguan ko lang ang kasambahay matapos akong pagbuksan ng gate. Pag-angat ko ng tingin sa mansion ay nakita ko ang paglabas ni Davil. Parang nanghina ang tuhod ko.

Sinalubong niya ako ng yakap na para bang alam na alam niya kung anong nararamdaman ko ngayon.

“H-hindi na ako nahintay ni Ali…” I sobbed.

“Hush…let’s get inside.”

“Where’s Kendrick?”

“Pinagpahinga ko na sa kwarto niya,” aniya. “What happened?”

Inupo niya ako sa sofa at inabutan ng tubig. Uminom ako roon.

“May iba ng nakatira sa bahay nila. Nakausap ko si Manang, may pupuntahan ako bukas. Magkikita rin kami,” sabi ko.

Kanina nang maputol ang tawag ay binigay sa akin ni Manang ang address kung saan kami magkikita bukas.

“Do you want me to go with you?”

“Hindi na. Kaya ko naman pumunta mag-isa.”

“How about our son? Okay lang ba kung lumabas kami after ng meeting ko bukas?”

“Oo naman. Basta sabihin mo sa akin kung saan, para alam ko kung saan ako pupunta kapag nilayo mo ang anak ko sa’kin.”

Natawa siya. “I can’t do that to you.”

Pag-akyat namin sa master’s bedroom ay agad akong hinahatak ng higaan. May maagang meeting pa si Davil bukas kaya pagkatapos naming mag-half bath ay pareho na rin kaming natulog.

“Aerielle’s coffee bookshop,” usal ko sa coffee shop na nasa harap ngayon ng kinasasakyan ko.

“’Yan na po ‘yon, ma’am,” sambit ng taxi driver.

Bumaba ako pagkatapos magbayad. Gawa sa kahoy na kulay krema ang shop. Sa gitna niyon ay may katawan ng puno na kunti na lang ay aabot na sa kisame ang mga pekeng dahon.

Hinagilap ko ang pamilyar na pigura ni Manang. Namataan ko siya sa malapit sa bintana na may salamin na halo sa kahoy. Lumkad ako papasok. Hindi nga ako nagkakamali. Nang malapit na ako ay tama ako at si Manang iyon.

“Manang…”

Mabilis siyang napalingon sa akin. Tumayo siya at nilapitan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa upuang kaharap ko.

“Naku, hija, matagal tagal din kitang hinanap noon.”

“Masaya po ako at nakita ko kayo.”

Nasinghot ko ang mabangong amoy ng kape. Napalinga ako, ang ganda ng ambiance. Hindi masyadong crowded kaya ang gaan sa pakiramdam, hindi masikip tingnan. Sa bandang likuran namin ay ang mga bookshelves na naglalaman ng nakakaakit na libro sa mata. Ang aesthetic.

Habang hinihintay ang pagdating ng in-order namin ni Manang na kape at breads ay sinimulan ni Manang ang pagkuwento sa mga nangyari noon.

“Binalik sa hospital ang daddy niya makalipas lang ang isang linggo. Hindi na nagamot dahil lumala. Kawawa ang alaga kong si Ali sa mga panahon iyon, wala akong naitulong kundi ang manatili sa tabi niya, pero siya…hindi nanatili sa tabi ko.”

Malalim na huminga si Manang. Hinagod hagod ko ang likod niya.

“Sabihin niyo po sa akin. Anong nangyari kay Ali?”

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now