Kabanata 37: Heart’s Pov
“Oh, Heart, may sikat na singer daw ang nasa plaza, ah. Hindi ka ba manonood?” tanong ni Bruno.
Siya ang mangingisdang tumulong sa akin na ma-familiarize ang lugar noong unang dating ko rito.
It’s been…7 years.
Pitong taon na ang lumipas. At sa pitong taon na iyon, nakabangon ako. Naibangon ko ang sinimulan kong bagong buhay…kasama ang nag-iisa kong anak.
“Tatanungin ko pa ang anak ko,” sabi ko.
Napatango tango siya. “Ang anak mo pala nando’n, nagcha-chinese garter kila tiyang Maureen, kasama mga kalaro niya,” aniya.
“Ano bang magagawa ko? Basta kung saan siya nag-e-enjoy, doon ako,” sabi ko.
“Oh, pa’no, mauna na ako.”
Tumigil ako sa pagsasalansan ng mga naka-roll na tela at hinarap ang lalaki. Kade-deliver niya lang ng mga ito.
“Sige, Bruno. Salamat.”
“Sige, Heart,” nakangiti niyang tango at tumalikod na.
Bumalik ako sa pag-aayos ng mga sinasalansan na tela.
Sa ilang taong nagdaanan, nakapag-ipon ako sa pamamagitan ng paggagansilyo. Habang pinagbubuntis ang anak ko ay iyon ang ginawa kong libangan…hanggang sa tinangkilik ng mga tao sa islang ito. Hanggang sa nakapatayo ako ng sariling patahian.
Isa sa mga underrated island ang islang ito. Dinudumog ng mga toristang mula sa ibang lugar, lalo na sa tuwing ka-fiestahan na saktong summer.
Bilang opening sa paparating na fiesta, unti-unti ng dinarayo ang isla kabilang na ang isang sikat na singer ngayon na siyang inaabangan sa plaza.
“Kendrick, gusto mo bang manood sa plaza mamaya?” tanong ko sa anak nang makauwi na kami.
Tumigil siya sa pagsipsip ng milk tea niya. “No, Mama. I know you’re already tired.”
Natawa ako. “Kumusta naman ang chinese garter?”
“Hindi ako sumali.”
“Eh, ‘yon ang sabi ni kuya Bruno mo.”
“Hay naku, si kuya Bruno talaga.”
Natawa ako. Lalaki si Kendrick…
“So you don’t want to go to the plaza?” tanong ko ulit. “Balita ko pogi raw ‘yong sikat na singer,” biro ko pa.
“Ma!” Bumusangot siya at malambot ang katawan na umupo sa sofa. “Lalaki ako, but I don’t like girls, boys either,” aniya.
Napatango ako. Umupo ako sa tabi niya ay hinaplos siya sa buhok.
“I know…you’re so handsome.” Like your Dad…crap!
Napabuntong-hininga ako at agad pinalis ang lalaki sa isipan.
“Pero hindi kita pipigilan kung gusto mo rin ng lalaki–,”
“Ma.”
Natawa ako. Tumigil na ako sa pang-aasar dahil parang nakikita ko lang sa kaniya ang lalaking kinalimutan ko na.
Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Binalot kami ng katahimikan. Naramdaman ko ang paghikab niya.
“Ma, can I ask something?” antok niyang tanong.
“Sure, my prince.”
“Do I have the right to hate my father?” tanong niya na hindi ko agad nasagot.
“Ahm...”
“Kasi I hate him, Ma. At ayaw ko na siyang makilala.”
Hinaplos haplos ko ang ulo niya. Hindi ako makaimik. Alam kong kinalimutan ko na ang tatay niya, pero sa tuwing siya ang napag-uusapan…tila bumabalik ang mga ala-ala.
“I knew it, Ma. May malaki siyang pagkakamaling nagawa sa inyo kaya wala siya sa tabi natin ngayon. And if he really love you…bakit hindi ka niya hinahanap? Sinabi mo po sa akin noon na hindi niya alam na may anak kayo, right?”
Tumango ako. “Oo, ana…” ang katotohanang hindi ko kayang itago sa anak ko.
“I’m sorry, Mama, but whatever he did to you…I will hate him.”
Pinaayos ko ng upo ang anak ko at hinarap sa akin. Ayaw ko siyang lumaki na may dinadalang galit.
“Anak, ayaw ni Mama na may kinikimkim kang galit kahit kanino. Gusto ko, lumaki ka ng mapayapa ang isipan. ‘Wag kang mag-alala, maayos na si Mama…at hindi niya na hahayaan na bumalik pa siya sa atin para guluhin tayo. Okay?”
Niyakap ko siya pabalik nang niyakap ako. “I love you, Mama. If my father don’t love us…then I will love us, forever. Nandito lang ako sa tabi mo, Mama. Aalagaan kita…”
Hinalikan ko siya sa ulo. “Mahal na mahal ka rin ni Mama, at gagawin ko ang lahat para sa atin.”
Mahigpit siyang bumalik sa pagkakayakap sa baywang ko. Maya-maya lang ay namalayan ko na lang na tulog na siya.
Napangiti ako.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pagiging malambing niya. Pero sa tuwing gano’n siya ay ang tatay niya ang agad na pumapasok sa isipan ko.
I still remember kung paano niya ako lambingin…pero mas natatandaan ko rin kung paano niya ako sinaktan.
I just pray to God…na sana…hindi na magtagpo pa ang landas namin. Masaya na ako kahit kami lang ng anak ko…
To be continued.....
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
عاطفيةSecret Marriage #1: complete Heart.