Kabanata 50 (Warning)

5.6K 97 0
                                    

Kabanata 50: Heart’s Pov

Kinabit ko ang card letter sa ribbon ng kahong pinaglagyan ko ng order na semi gown. Pagkatapos ay maingat ko iyong binuhat papunta sa ibabaw ng table ko.

Inabot ko ang cellphone para itext si Bruno.

Ako:
Nakahanda na ang order ni Mrs. Alonzo. P’wede na itong ideliver ngayon.

Pagkatapos kong isend iyon ay napasulyap ako sa dalawa na may pinagkakaabalahan sa bamboo seat.

“I think I did something wrong,” ani Davil.

“Let me see.”

Kinuha ni Kendrick ang ginagansilyo ng tatay niya ‘tsaka sinuri. Dalawang araw na rin nang sinimulang turuan ni Kendrick ang tatay niya, pagkauwi galing school.

“May mali nga,” sabi ng anak ko.

May inayos siya roon saka binalik sa tatay ang ginagansilyo nito. Sa tingin ko ay isang turtle keychain iyon.

“Sundan mo na lang po ulit ang gagawin ko.”

“O-okay, I’m sorry, nagkakamali pa rin ako kahit dalawang araw mo na akong tinuturuan.”

Nakita ko ang lihim na pagngiti ni Kendrick bago inangatan ng tingin ang tatay.

“Eh, kasi naman po, ‘yong full attention niyo is nasa kay Mama ko pa rin. Well, she’s quite pretty so…”

Umiwas na ako agad ng tingin sa kanila bago pa nila mapansin na nakikinig ako sa kanila. Sakto at nakita ko na rin si Bruno na palapit na kaya nilampasan ko ang dalawa.

“Hindi na ba niya mainit masyado,” tanong ko.

“Sakto lang ang panahon. Nasaan na ba? Nakausap ko na ‘yong kukuha, nakaabang na.”

“Sige. Sandali lang, kukuhanin ko,” sabi ko at tinalikuran na siya.

Sa pagdaan ko sa dalawa ay napasulyap ako sa kanila. Nasalubong ko ang tinginan ni Davil. Bahagyang nakakunot ang noo, ang kilay ay bahagyang nakakunot habang nakanguso.

Sa muli ko namang pagdaan sa kanila, dala-dala na ang kahon, ay kay Bruno na siya nakatingin.

Nakangiti kong inabot kay Bruno ang kahon. Hindi pa man iyon tuluyang nakukuha ni Bruno ay may presensya na agad akong naramdaman sa tabi ko. Nasinghot ko ang amoy ni Davil.

“Sige, Heart. Ide-deliver ko na ‘to,” ani Bruno nang kunin sa akin ang kahon.

Bahid man ang pagkailang ay ngumiti pa siya bago ako tinalikuran at umalis.

Hinarap ko si Davil. Napaatras ako agad dahil sa sobrang lapit pala namin.

“Kailangan talagang lumapit? Ano bang kailangan mo?” sabi ko at nilampasan siya.

“I have something to tell you…if you let me,” aniya.

“Nasa akin ba ang bibig mo para magpaalam pa sa akin kapag may gusto kang sabihin?”

Tumigil ako sa tabi ng lamesa at inumpisahang linisin ang mga sobra-sobra kong ginamit na ribbon na nagkalat. Habang nililigpit ko ang mga iyon ay naramdaman ko na naman ang presensya ng lalaki.

“Kung may sasabihin ka, sabihin mo na,” sabi ko nang hindi siya binabalingan.

“Magagalit ka e…”

Napataas ang isang kilay ko. Doon ko siya binalingan. “Ano ba ‘yon?”

“About…your mother.”

Nanatili ang paninitig ko sa kaniya. Hindi na ako interesado sa kanila, pero may parte pa rin talaga sa kalooban ko na naghahanap ng balita tungkol sa kanila.

Pumihit ako paharap sa kaniya. “Hindi ba’t sabi mo hindi ka tatanggap ng kahit anong tawag? Kung gano’n, anong ibig mong sabihin?”

He promised.

“May pinadala si Lola na tauhan, then he told me.”

Hindi ako umimik.

Humakbang pa siya palapit sa akin at inabot ang mga kamay ko. “Gusto mong mabuhay nang mapayapa at hindi nagugulo, ‘di ba? Hindi ka matatahimik…kung hindi mo haharapin ang Nanay mo.”

Binawi ko ang kamay ko. “Anong akala mo, gano’n lang ‘yon kadali? Para sa’yo siguro, oo.”

“No. That’s not what I mean.”

Hindi ako nakawala nang ikulong niya ako sa lamesang nasa likuran ko. Nakaharang sa magkabilang gilid ko ang braso niya.

“Okay, hindi kita pipilitin. Pero kung, sabihin ko rin naman sa’yo at kung wala ka na talagang pakialam sa kanila…hindi ka magagalit, e.”

Bahagya kong tinulak ang dibdib niya dahil sa lapit niya. At para bang wala lang sa kaniya ang lapit namin.

“Ayaw ko ng makarinig ng kahit ano sa kanila, kaya please…”

“I understand you. But please, ‘wag mo sanang sisisihin ang sarili mo sa kung ano man ang mangyari, okay?”

Nangunot ang noo ko. “You’re confusing me. Ano ba ang ibig mong sabihin?”

“Eh, magagalit ka nga kapag sinabi ko, ‘di ba?”

“Tungkol ba saan? Anong kinalaman ng sasabihin mo sa…kaniya?”

“She’s sick.”

Natigilan ako. Para bang hirap na hirap ako sa pagproseso sa sinabi niya.

“May sakit ang Nanay mo kaya gusto ka niyang makita.”

“Para ano? Para sa kahit gano’ng sitwasyon niya…kaya niya pa rin akong saktan?”

“Baby, no…” he hushed me. “She’s looking for you.”

“Para ano nga? Ayoko, Davil! Hinding hindi na ako magpapakita pa sa kanila–,”

“Baby, your mother is sick. I understand how you feel. Pero, Heart…she needs you. Gusto ka niyang makita, hindi para saktan ka…kundi para humingi ng tawad.”

Natawa ako. Pinahid ko ang luhang umalpas sa mata ko.

“Humingi ng tawad? Bakit, huli na ba? Heto ako, oh, ginagamot pa rin ang trauma na binigay nila.”

Tinanaw ko ang malayong syudad mula sa bintana.

“Ikagagaling niya ba kapag pinatawad ko siya? B-bakit…bakit kung kailan siya nagkasakit saka lang niya ako hinahanap?” nasasaktang saad ko.

Hindi naman ako gano’n kasama para paghigantehan sila. Hindi naman ako gano’n kawalang puso para hayaan siya…pero, paano naman iyong ginawa nila sa akin? Gano’n gano’n na lang ba iyon?

“That’s why I asked you first. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo…”

Hindi sa ayaw ko…gusto ko lang na hindi na sila makita.

“Ang sakit ng Nanay mo, ay hindi na magagamot…”

May tila matinding kirot ang naramdaman ko sa dibdib.

Binalik ko ang tingin sa lalaki. “H-hindi na magagamot?” he nodded. “B-bakit? Anong sakit niya? B-bakit hindi na magagamot? Gano’n ba kalala? H-hindi…hindi na rin ba…”

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan na ang sarili sa mga sasabihin. Para ko lang sinasaktan ang sarili ko.

“I’m sorry to tell you this, pero…hindi na magtatagal ang nanay mo.”

Tila may piraso sa puso ko ang nalaglag.

Heto na naman...para sa kanila, babalik ako. Pero sa pagkakataong ito, para rin sa akin. Para sa ikakapayapa ko, magpapatawad ako.

To be continued…..

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now