Kabanata 20 (Warning)

9.3K 142 10
                                    

Warning: Rated SPG

Kabanata 20: Heart’s Pov

Naabutan ko si Davil na nakaupo sa tabi ng kama sa master’s bedroom. May maliit na journal siyang hawak at ballpen, na tila may nilalagay roon.

“What are you doing?” tanong ko.

Lumapit ako sa bedside table at umupo sa upuan.

“May sinusulat lang na importante.”

“Ano?”

“Sinusulat ko na mamayang gabi, sasalubongin ko ang bagong taon ng kasama ka. Unang bagong taon, na may ikaw.”

Para akong baliw na napangiti. Gano’n ba ‘yon ka-importante sa kaniya para ilagay niya sa journal niya?

Binuhay ko ang blower. Katatapos ko lang maligo, maya-maya kasi ay lalabas kami para bumili ng pang new year namin mamaya.

Nakita ko sa reflection ang pagtayo niya para lapitan ako.

“Let me do it for you,” sabi niya at kinuha sa akin ang blower.

Kinuha niya rin sa akin ang suklay. He did blow dry my hair. At habang ginagawa niya iyon ay nakatitig lang ako sa kaniya sa salamin. Para akong hinehele.

“’Yan na ba ang suot mo?” tanong ko para maiwasan ang antok.

Nakasuot lang siya ng khaki short at plain white t-shirt. Gano’n lang ang ayos niya pero ang lakas pa rin ng dating niya.

“Yup. Ayaw mo bang ganito lang ang suot ko?”

Umiling ako. “Hindi naman. Ang guwapo mo pa rin kahit ganiyan lang ang ayos mo,” saad ko.

Natigilan siya. Pinatay niya ang blower at tumigil sa pagsusuklay sa buhok ko. He put the blower and the hair brush back at the table.

Hinawakan niya ang mukha ko at tiningala sa kaniya. Pinatakan niya ng halik ang noo ko, tatlong sunod-sunod.

“I love you very much.”

“Mahal din kita.”

Hinalikan pa niya ako sa pisngi bago pinagpatuloy ang pagtutuyo sa buhok ko.

Nakabihis lang din ako ng simpleng sleeveless top at denim short. Umalis kami ng bahay sa gano’ng ayos.

Sa supermarket kami diretsong pumunta. Bumili kami ng prutas. Nag-crave ako sa sampalok kaya kumuha ako. Nag-aalinlangan pa ako na ilagay sa cart namin ang nagugustuhan kong pagkain, pero inuunahan na ako ni Davil na ilagay iyon sa cart.

“Put to the cart whatever you want. Bibilhin natin lahat,” aniya.

Kaya naman, nahihiya man ay nilagay ko sa cart na tulaktulak niya ang pagkain na naki-crave ko.

Pagkatapos naming bilhin ang mga kailangan para mamayang gabi ay umuwi na rin kami. Umuulan ulan din kasi. Nag-take out na lang kami ng pizza.

“Cook for me, please?” parang asong paglalambing niya nang matapos kami sa paglalagay sa refrigerator ng mga pinamili namin.

“Sabi mo kanina busog ka?”

Pumwesto siya sa likuran ko at niyakap ako. “Luto mo ang gusto ko…”

“Okay.”

Humakbang ako palapit sa kitchen cabinet para kumuha ng kasirula, pero hindi ako maayos na nmakagalaw dahil sa lalaking parang ahas na nakalingkis sa akin.

“Bitaw. Paano kita maipagpuluto niyan?” asik ko.

Hindi siya bumitaw, niluwagan niya lang ang pagkakayakap sa akin. Napailing na lang ako at kumilos.

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now