Kabanata 39 (Warning)

5.6K 111 0
                                    

Kabanata 39: Heart’s Pov

“K-kendrick…”

“Hinatid po ako ni tatay Karding,” aniya sa lalaking lalaki na tinig.

“Tapos na ba ang klase niyo? K-kumusta naman?”

Hindi ko maiwasang hindi manginig ang boses. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tingin niya sa akin. Dapat ay ipakita ko sa kaniya ngayon kung gaano na ako kalayo sa babaeng pinagtabuyan niya noon. Pero kaya siguro ako ganito ngayon na tila natataranta sa harapan niya ay dahil…malalaman niya na may anak ako.

“Mama, are you okay?”

“O-oo naman–,”

“Hay naku, Rick. Mabuti pa ay pagpahingahin mo ang Mama mo.”

Umiling iling ako agad. “Hindi…okay lang ako, Bruno. Sige, pakibuhat na nito,” sabi ko na lang.

Pinagkatitigan pa ako ni Bruno na tila binabasa ako, bago kumilos at pinagpatuloy ang pagbubuhat. Pinagpatuloy ko na rin ang ginagawa.

“Ahm…anak, doon ka muna sa cottage. Tatapusin ko na rin ‘to para masamahan kita roon,” sabi ko.

“Are you sure, mama? Kaya ko naman na pong gawin ‘yan. Magchi-check lang naman po riyan, ‘di ba?”

“Opo, pero kaya na ‘to ni Mama,” sabi ko at nginitian siya.

“Okay, I’ll watch you na lang from there.”

Hindi ko maiwasang mapahagikhik. Lalaking lalaki kasi ang anak ko ngayon, parang hindi kumikimbot kimbot at nanlalambot.

Hinatid ko muna ng tingin si Kendrick patungo sa cottage na nasa tabi. Binalingan ko rin ang torista. Nakasunod din siya ng tingin sa anak ko, salubong ang kilay, nangungunot ang noo habang nakaigting ang panga…at basang basa sa itsura niyang iyon na labis siyang nagtataka, nalilito, at naguguluhan sa nasilaya.

“Sir, hali na po kayo. Ihatid na po namin kayo sa accommodation niyo,” narinig kong sinabi ng isang taga rito sa lugar, na sa tingin ko ay ang isa sa mga tourist guide rito.

Umiwas na ako ng tingin bago ko pa masalubong ang mga mata ni Davil na babaling sa akin.

“Let’s go, sir Davil,” dinig kong sabi naman ni ma’am Ysabelle.

So…magkasama sila huh?

May ilang mga torista rin naman silang kasama sa bangka kanina, pero hindi ko lang sure kung magkakasama talaga sila o baka sa bangka lang sila magkakasama na sumakay.

At ano namang pakialam ko?

Wala na akong narinig sa kanila. Nakikita ko rin sila sa tabi ng mata ko na papunta na sa tabi, kasama ang ibang torista.

Edi welcome sa kanila. Mag-enjoy sila sa isla na ito.

“Oh, kanina ay para kang nalipasan ng gutom sa panginginig, ngayon para ka namang bugnutin,” ani Bruno na kababalik lang.

Napaayos naman ako. Hindi ko namalayan na gano’n na pala ang hitsura ko.

“Wala…naalala ko lang ‘yong dahilan bakit ako ngayon nandito,” sabi ko.

Natawa siya ng mahina na ikinairap ko. “Heto na nga oh, dala-dalawa na ang binubuhat namin para Hindi tayo matagalan,”  aniya.

“Okay, no move,” sabi ko.

Pinagpatong niya ang dalawang kahon saka binuhat. “Medyo mabigat bigat ‘to, ah,” aniya.

“Iwan mo muna ‘yang Isa kung hindi mo kayang pagsabayin.”

“Sinong nagsabing hindi ko kayang pagsabayin?” aniya, nagyayabang.

Natawa ako nang ipakita niya sa akin ang bumubukol niyang biceps. Pinagyayabang niya iyon sa akin bago umalis. Naiiling iling naman akong pinagpatuloy ang ginagawa, natatawa.

“Are these already checked?” baritonong boses na nagmula sa lalaking biglang sumulpot sa tabi ko.

Bahagya pang nagtaasan ang balikat ko dahil sa gulat. Agad kong nilingon ang lalaki. Napataas ang isang kilay ko. At anong ginagawa niya rito? Hindi ba’t pupunta na sila sa accommodation nila ng mga kasama niya?

Nginitian ko ng magaan si Davil, ang torista.

“Hello, sir! Welcome to our Island. Mag-i-enjoy po kayo sa sandaling pananatili ninyo rito,” maligayang sabi ko.

Ganito naman talaga ang salubong namin sa mga torista, kahit hindi kami ‘yong mga tour guide rito.

Napatigil siya at napatitig sa akin. Tila naguluhan siya sa inasta ko.

Sa isip-isip ko: Bakit? Anong inaasahan niya na salubong ko sa kaniya? Galit na mukha at sasampalin siya? Excuse me, hindi na ako ang babaeng pinagtabuyan niya noon. At hinding hindi niya na ako makikita bilang gano’ng klase ng babae.

“Yes po, sir. At pagbalik ng dalawa kong tagabuhat ay bubuhatin na nila ‘yan,” maligayang sabi ko pa rin.

“May I?”

Agad akong umiling at pinigilan pa siya ng kamay na itinaas ko sa pagitan namin. “No, sir! Hindi na po ninyo kailangan. Mas mabuti pa po na samahan niyo ang mga kasama ninyo sa paglilibot sa islang ito para mas mag-enjoy po kayo.”

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi man niya aminin ay alam kong nalilito na siya sa inaasta ko.

“Para naman po masulit niyo ang pag-stay niyo rito sa kahit kunting panahon na pananatili niyo rito,” sabi ko.

“I will not leave this island without my wife and…” Bumaling siya sa cottage kung saan naroroon si Kendrick.

Umigting ang bagang ko. ‘Wag niya lang talagang idadamay ang anak ko.

Bumalik sa akin ang tingin niya. “I will not leave this island without my wife and son,” aniya.

Napangiti naman ako at ipinakita sa kaniya na masaya ako dahil sa pamilya niya. “Oh! Family bonding niyo pala. Naku! Siguradong ma-e-enjoy niyo ang lugar.”

Wala siyang sinabi at umigting lang ang panga niya. Ngayon ay hindi na nakaligtas sa mata ko ang lihim niyang pagka-asar.

Napangisi ako sa isipan. Kung ano man ang inaakala niya…nagkakamali siya.

Tinalikuran niya ako para harapin ang mga kahon na nachekan ko na. Nanlaki ang mata ko nang pagpatong patungin niya ang tatlong kahon at binuhat iyon. Bumukol ang biceps niya na kung ikokompara kaysa kay Bruno ay mas malaki itong kay Davil.

Natigilan ako. Mabibigat ang mga panghuling kahon. For sure, sobrang bigat niyon lalo’t tatlo!

Natigalgal ako sa kinatatayuan habang nakasunod ang tingin sa bakunawa. Masasalubong niya ang dalawa. Bakas man ang pagkalito sa itsura ni Bruno at Pedro, tumigil sila nang matapat kay Davil. May sinabi sila na parang gusto na nilang Kunin kay Davil ang iba, pero ang ginawa ng bakunawa ay nilampasan lang ang dalawa na parang hangin.

“Grabe naman ang toristang iyon,” ani Pedro nang makalapit.

“Iyon ‘yong napansin ko kanina na nakatingin sa’yo, Heart,” ani Pedro.

“Baka na-curious, o baka nakilala na si madame ang owner ng mga produktong best seller sa lugar nila,” ani Pedro.

“Siguro nga, Pedro…” sabi ko na lang.

Hindi na ako nagsalita pa. Pinagpatuloy ko na lang sila sa pagbubuhat.

Napabuga ako ng hangin. Bahagya kong sinundan ng tingin si Davil. Nasa bangka na siya at sinasakay ang mga binuhat niyang kahon.

Bakit siya narito? Bakit pa niya kailangang magpakita ulit sa akin? Sa pagkakataon pa na nabigyan siya ng hinala na anak niya si Kendrick.

No. Hindi ko siya hahayaang mapalapit sa anak ko. Baka…baka gawin niya rin sa anak ko ang ginawa niya sa akin noon. Baka ipagtabuyan niya rin.

To be continued...

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now