Mature content/R-18
Kabanata 24: Heart’s Pov
Tinuyo ko ng malinis na towel ang baba ko matapos kong humilamos. Nagising na naman ako na nasusuka. Kaya dumiretso ako agad sa banyo para isuka iyon. Tsk.
Maaga ang pasok ko ngayon kaya pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng nakabihis pang pasok na. Didiretso na sana ako sa master’s bedroom para tingnan si Davil ngunit lumabas na siya roon.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” agad na tanong ko.
Halos takbuhin ko pa siya para malapit agad. Kinapa ko ang noo at leeg niya. Bahagya pa siyang umiwas sa kamay ko kaya nangunot ang noo ko.
“S-salamat naman at gumaling ka na agad,” saad ko.
“Thanks to Lovely,” malamig niyang sabi at nilampasan ako.
Sumikip ang dibdib ko dahil doon. Kay aga-aga ay ganito na agad ang pinararamdam niya sa akin. Hindi ko mawari kung dahil pa rin ba sa nangyari kahapon bakit siya ganito, o may iba pang dahilan.
Sinundan ko agad siya. “’Wag ka na munang pumasok ha. Magpagaling ka muna. Uuwi ako agad pagkatapos ng klase. May gusto ka bang ipabili?” sabi ko habang humakbang pababa para mapantayan siya.
“Nothing,” matipid niya lang na sagot.
Hindi ko kaya na ganito kami. Hindi ko gusto na mananatili kaming ganito. Hindi dapat kami ganito pag-uwi ko mamaya kaya kailangang maayos namin ang kung anong problema namin.
Halos tinakbo ko ang harapan niya para harangan siya. Tumigil siya nang tumayo ako sa harapan niya.
“Ano bang problema? Sabihin mo naman. Hindi ako manghuhula para hulaan kung anong nangyari ba’t tayo naging ganito. Mas lalong hindi ako manhid para hindi masaktan sa pangbabaliwala mo sa’kin.”
“Pumasok ka na, mali-late ka na,” aniya at nilampasan na naman ako.
“Davil?!” galit nang tawag ko.
“What the f*ck?” sigaw niya rin pabalik sa akin.
Napatalon pa ako dahil sa gulat. Pero labis ang sakit na naramdaman ko. Nasisigawan niya na ako. Sinigawan niya ako…
Natutop ko na ang bibig ko. Ang talim ng tingin niya nang sigawan ako ay lumambot nang makita ang naging epekto ng pagsigaw niya sa akin.
Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
“O-okay na? Gagaling k-ka na ba ngayon niyan?” saad ko habang pilit nilalabanan ang sakit. “A-ang galing galing mo, Davil… bakit mo ‘ko kailangang ganituhin? Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para ayusin ang gusot…”
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at malalim na bumuntong-hininga.
“Hindi kita pipigilan sa kung anong gusto mong mangyari sa ating dalawa…” saad ko. “Mas lalong hindi kita pipigilan kung kanino mo gustong sumaya,” dagdag ko pa saka na siya tinalikuran.
“Heart…”
Narinig ko pang tawag niya sa akin sa mahinang boses. Pero mas nanghihina ang mga tuhod ko kaya mas pinili kong makalayo sa kaniya.
Sana lumipas din kung ano itong problema naming dalawa. Sana maging maayos na kami mamaya pag-uwi ko.
Pagbaba ko pa lang sa labas ng campus ay nakita ko na agad si Ali na wari’y may hinihintay. Nang makita ako ay halos takbuhin na ako.
“Heart!”
“Oh, bakit?” nagtatakang tanong ko.
Napalinga linga muna siya sa tabi namin bago lumapit sa akin para may ibulong.
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.