Kabanata 49: Heart’s Pov
Pagkarating ko sa Isla, akala ko ay magiging maayos na ang lahat ngunit hindi. Mas naging mahirap. Dahil wala akong malapitan at naging parang isang bata na naligaw sa isang lugar. Hindi alam kung anong gagawin, hindi alam kung paano ulit magsimula. Lalo pa’t may bata akong bubuhayin sa sinapupunan ko.
Dahil sa patong patong na problema, naghahalo halong emosyon…napunta ako sa mental hospital. Malaki ang pasasalamat ko sa taong tumulong sa akin para madala roon at mapagamot. Pero nang gumaling na ako at maayos kong nailabas ang anak ko, hindi ko na siya nahagilap.
Hindi ko man lang siya napasalamatan. Hindi ko man lang siya naharap nang maayos, nang hindi na sa kung ano ako noong matagpuan niya sa tabing dagat…na wala sa sarili at muntik nang magpakamatay.
Dahil sa pagkawala ko sa sarili, ang naiisip ko na lang ay lumangoy langoy sa ilalim ng dagat.
“Saktan mo ako…hanggang sa mawala ang sakit na binigay ko sa’yo.”
Pinunasan ko ang basang basa na mukha saka tiningnan siyang nananatiling nakaluhod sa harap ko.
“K-kung gagawin ko iyon, para saan pa? At nangako ako sa sarili ko noon, na ano man ang mangyari…hindi ko kayo paghihigantehan dahil magiging maayos din ako at makakalimutan ko kayo. Kaya please, tama na?”
Sinubukan kong tanggalin ang mga braso niya sa baywang ko ngunit mas lalo iyong humigpit.
“Davil, please…tigilan niyo na ako. ‘Wag niyo na ulit akong saktan, ha?”
Umiling iling siya habang nananatiling nakasubsob ang mukha sa tiyan ko. Basang basa na iyon dahil sa luha niya.
“Ayoko, please…gagawin ko lahat ng gusto mo. ‘Wag lang kayong lumayo.”
“Anong gusto mo, pumili ka. Ikaw ang lalayo…o kami?”
“No! No…please, no. Ayokong lumayo kayo, mas lalong ayaw kong lumayo ako sa inyo. Please, give me another chance please? Baby, please…”
“Bakit? Wala ka bang pamilya? Imposibleng wala ka pa rin!”
“Wala akong ibang pamilya, kayo lang ng anak ko. Hindi rin ako bubuo ng ibang pamilya kung hindi ikaw.”
‘Wag niya nga akong lokohin! Paano si ate? Hindi ba’t kailangan naming magkahiwalay noon para silang dalawa ang magkatuluyan?
“I told you already, na-coma ako.”
“At kung hindi ka na-comatose–,”
“Nahanap na sana kita. Nahanap ko na sana kayo ng anak natin, at may panibago na naman sana tayong anak.”
Nilalandi niya ba ako?
Sinubukan ko ulit na tanggalin ang nakapulupot niyang braso ngunit ayaw niya talagang bumitaw.
“Okay, I’ll give you a chance,” sabi ko.
Kaagad na umangat ang ulo niya sa akin.
“Pero sabihin mo muna sa’kin kung bakit hinayaan mo lang ako noong may mga pagkakataon na kayang kaya mo pa akong sundan at pigilan sa pag-alis.”
Napaayos siya sa pagluhod. Narinig ko ang pagtunog ng tuhod niya. Bahagya akong napangiwi, parang naramdaman ko rin ang sakit.
“I was drunk. I didn't have the chance to chase you right away even though I wanted to, because I got sick and was weak.”
Naalala ko, nagkakasakit nga pala siya kapag umiinom.
“Nagpagaling ako at hinanap ka, pero hindi na kita mahagilap. Ilang beses din akong nagmakaawa sa kaibigan mo na sabihin niya sa akin kung saan ka nagpunta, pero ayaw niyang sabihin.”
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.