Mature content/R-18
Kabanata 25: Heart’s Pov
“I said, I want divorce,” ulit ko.
Walang imik lang si Davil na nakatitig sa akin. Hindi ko siya mabakasan ng kahit anong emosyon. At ang sakit niyon dahil pakiramdam ko ay wala na talaga siyang pakialam sa akin.
Magsasalita pa sana ako ngunit tumayo si Davil kaya parang nalunok ko ang sasabihin sana.
Ngayon ay nakatingala na ako sa kaniya dahil sa tangkad niya kaysa sa akin.
“Give me the reason why,” malamig niyang sinabi.
“Kailangan ko pa bang isa-isahin? Para ano? Para mas lalo akong masaktan? Para mas lalo kong maramdaman ang sobrang sakit ng ginawa mo?”
“Bakit biglang pumasok sa isip mong makipaghiwalay,” aniya, parang hindi pinansin ang mga sinabi ko.
“Kasi hindi naman talaga ako dapat ang asawa mo?” nasasaktan akong natawa. “Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Pagpasok ko sa eskwelahan, sinasampal ako ng katotohanang hindi ako para sa’yo. Pag-uwi ko naman dito…p-parang pinagsisigawan sa’kin ng mansion na ito na hindi na dapat ako naririto.”
Pinunasan ko ang kumawalang luha.
“Ang kapatid ko ang kinikilala nilang asawa mo, at pakiramdam ko sa harapharapan ko pa ako binabastos. Harapharapan, Davil? Katulad ng pagkakawalang respeto niyo sa akin ng ate ko kahapon. Kaya gusto kong maghiwalay na lang tayo!”
Iyon. Iyon talaga ang pinagsisigawan ng sakit na nararamdaman ko ngayon…ang makipaghiwalay sa kaniya. Baka tumigil na rin itong sakit na nararamdaman ko sa paghihiwalay namin…kahit sobrang sakit.
“Go to our room and rest. We’ll talk about it once you calm down,” aniya.
“I don’t want to go there anymore. Hindi ko maaatim na pumasok pa sa kwartong iyon kung saan niyo ako ininsulto. Ayaw ko ng patagalin ‘to, Davil…maghiwalay na lang tayo.”
Ang pagiging kalmado niya kanina, ngayon ay nabahiran na ng inis at halo halong emosyon.
“Walang maghihiwalay. Magpahinga ka na muna, mamaya natin ‘to pag-usapan.”
Hindi ako makapaniwalang naiiling. Malapit siya sa akin, pero tila ang layo-layo niya, na parang hindi ko na siya maabot pa.
Mahal ko siya…mahal na mahal, pero pakiramdam ko…dahil sa pagmamahal kong ito sa kaniya…sinasaktan ko lang ang sarili ko.
Pinigilan ko na ang magsalita pa. Malamig ko lang na nilabanan ang titig ni Davil. At habang ginagawa ko iyon ay mas lalo akong nasasaktan, kaya bago pa manghina ang tuhod ko ay tinalikuran ko na siya.
Hanggang ngayon ay ang sama-sama pa rin ng loob ko. Lalo na sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kahapon, kung gaano nila ako pagtulungan.
“Kailangan ko bang wakasan na ngayon ang pagiging asawa ko sa kaniya?” saad ko sa kawalan.
Malalim akong napabuntong-hininga.
“Dahil sa ginawa nila kahapon…pakiramdam ko pati sarili ko nawawalan na rin ng respeto sa sarili ko.”
Bumaba ang tingin ko sa hair clip na hawak-hawak. Kulay puting daisy ang disenyo nito. Ito ang binigay ni Davil sa akin na sa tuwing nakikita ko ay nararamdaman ko kung gaano niya ako kamahal, at nararamdaman ko siya sa tabi ko.
Kumalam ang sikmura ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas diyes na ng gabi. Pagpasok ko rito kanina ay hindi pa ako lumalabas kaya simula kanina ay hindi pa ako kumakain.
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.