Warning: SPG
Kabanata 51: Heart’s Pov
Inabot na ng halos isang buwan ang pananatili ni Davil. Dito na siya nakapag-christmas at new year. Ni hindi ko man lang siya nabakasan na kailangan niya ng bumalik sa lungga niya.
“Bakit nandito ka pa rin? Wala ka bang trabahong naiwan?” tanong ko nang muling dumating ang lalaki sa bahay.
Makuliglig na. Si Kendrick ay katutulog lang. Matutulog na rin sana ako pagkatapos kong isampay sa balkon ang mga nilabhan, nang sumulpot siya. Kaninang umaga kasi ay hindi siya napadalaw.
“Meron, but priorities first,” aniya.
“Kaya nga. So bakit iniiwan mo ang trabaho mo?”
“You and Kendrick are my priorities. At hindi ako aalis dito nang hindi kayo kasama.”
Umupo siya sa tabi kung saan ako nakatayo habang inaayos ang sinampay. His arm wrapped around my hips. Mukha siyang pagod na pagod ngayon.
“Kung may mga nakakapagod kang ginawa ngayong araw, hindi ka na sana nagpunta rito. Nagpahinga ka na sana sa tinutuluyan mo,” sabi ko. “Wala namang problema kay Kendrick kung Isang araw ka niyang hindi makikita, lalo alam niya namang may pinagkakaabalahan ka,” dagdag ko pa.
Kahapon ay nagpaalam naman siya sa bata. Naintindihan naman iyon ni Kendrick, pero dahil nasanay siyang araw-araw nakikita ang ama, kanina ay nabanggit niya.
Hindi ko na rin mapagtabuyan ang lalaki katulad no’ng mga araw na hindi kami maayos. Sa mga lumipas na linggo, tinutupad niya ang mga sinasabi niya.
“If it’s okay with him, well it’s not for me,” aniya. “’Tsaka nagpapahinga na ‘ko, oh.”
Sinandal niya ang ulo sa tiyan ko. Damang dama ko na tuloy ang bigat niya.
Akala ko ba ay wala na akong pakialam dapat sa kaniya at ayaw na siyang maging party ng buhay? Pero ano ‘tong ginagawa ko?
Para sa anak namin….
Pero…para ba talaga kay Kendrick? Sa ginagawa kong hayaan siya ay baka ay matulad naman kami nito sa dati? Eh, ayaw ko na nga siyang maging parte ulit ng buhay ko, ‘di ba?
“Ano bang ginawa mo at pagod na pagod ka?”
“Inasikaso ko ‘yong mga naiwan kong papeles na kailangang pirmahan. Pinadala ko here. I didn’t expect na gano’n na pala karami plus, may mga meeting akong ina-attend-an online.”
Kaya naman pala.
“Tungkol sa university ba ‘yan?”
“Business. Our business plus ‘yong kay Lola. I want to make my own, pero hindi p’wedeng mapunta sa iba kaya inasikaso ko na rin. Ayaw rin naman ni Damon sa business.”
Umangat ang tingin niya sa akin.
“Let’s go back, please? Let’s comeback hmm? I want to enroll our son to the best school with high quality of education. I mean, gusto ko na rin siyang itrain. He want to be a designer, right? Ipasok natin siya.”
“Hindi mo lang dapat sa akin sabihin ‘yan, sa kaniya rin dapat.”
“I know, pero gusto ko rin sabihin sa Nanay…”
Binaba ko ang ginamit na pangsampay sa tabi. Tinapik ko ang braso niya.
“Lumalalim na ang gabi, magpahinga ka na. Matulog ka na, baka may mga gagawin ka pa bukas,” sabi ko.
“Tinapos ko na kanina ang mga dapat bukas pa, kaya nandito ako bukas,” aniya. “Ahm…can I sleep here?”
“Gusto mo riyan? Malamig diyan.”
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.