Kabanata 56: Davil’s Pov
Hinagod ko ang balikat ng asawa ko. Umalis na ang lahat ng nakipag-libing sa Nanay niya. Si Kendrick ay pinasabay ko na kina Lola sa pagbalik sa sasakyan.
Wala ng luhang lumalabas sa mata ng asawa ko, pero parang mas ramdam ko ang sakit. Mas masakit siyang makitang ganito kaysa kapag humahagulhol siya.
“M-may binigay na sulat sa akin si Damon, g-galing kay Mama,” saad niya.
I kissed her hair, making her feel that I’m here. Nandito lang ako palagi sa tabi niya.
“A-anak niya ako, sa pagkakamali…”
Napabuntong-hininga ako. Hinarap ko siya sa akin. Walang luhang umaagos sa pisngi niya, pero namumungay ang mga mata niya sa sobrang sakit ng pinagdadaanan niya.
Hinalikan ko ang mga mata niya. “Kung ano man ang sinasabi ng Mama mo sa sulat, hindi pa rin niyon mababawasan ang pagkatao mo. Lumaki ka ng may malaking puso, kaya ano man ang sabihin ng iba…maayos ka pa ring lumaki. Hindi na importante sa akin, kahit saan ka nanggaling. Basta mahal kita, luluhuran at luluhuran pa rin kita.”
Namasa ang mata niya habang nakatingin sa akin. Niyakap ko siya ng puno ng pagmamahal.
“K-kahit anak ako ng masamang tao? Mamahalin mo pa rin ako? Hindi ka m-matatakot sa akin o mandidiri? H-hindi ka mangangamba na b-baka saktan kita o g-gawan ng masama dahil nagmula rin ako sa masama?”
Umiling ako. “Mas matatakot ako kapag nawala ka sa’kin. Minahal kita dahil tanggap kita…ng buong-buo.”
Bahagya ko siyang nilayo sa akin. Yumuko ako upang mapantayan ang mga mata niya. Kumikinang ang mata niya dahil sa luha. Pinunas ko ang pisngi niyang basa sa luha.
“I’m always here for you, for my children, for our family. Gusto ko kayong makasama nang walang iniisip na pangamba, na baka iwan ko kayo o ipagpalit sa iba. Hinding hindi ko gagawin ‘yon, pangako…”
“You love me that much, huh?” Natawa pa siya.
I smiled brightly. Seeing her like this made me want to take her home and cook her favorite foods.
“Yes, I love you that much.”
Another tear fell from her eyes. Niyakap niya ako at siniksik ang mukha sa dibdib ko.
I swear, ito na ang huling iyak niya sa sakit. Sa mga susunod na araw, hindi lilipas ang araw sa kaniya nang hindi siya ngumingiti o tumatawa. Pagkatapos ng sunod-sunod na pag-iyak niyang ito…sunod-sunod na pagtawa at halakhak na ang mararamdaman niya.
Umalis kami sa puntod na ‘yon pabalik sa sasakyan. Sa bahay kaming lahat dumiretso at nagpahinga matapos kumain. Medyo nakakakain na ngayon si Heart hindi katulad nitong mga nagdaang araw.
“May mga kailangan ka pa ba?” tanong ko nang sumampa na sa kama namin.
Nakahiga na siya at nagbabasa-basa ng libro.
“Wala na!”
Inalis niya ang suot na salamin at pinatanong sa bedside table, kasama ang libro. Her arms went wide. Sa yakap niya ako dumiretso. Hindi ko naiwasang mapangiti. Ito ang pinakagusto kong posisyon kapag matutulog na kami. Siya ang nakayakap sa akin habang ako ang nakaunan sa kaniya. Nagmumukha akong sanggol. Gustong gusto ko rin naman ng bini-baby niya ako.
“Ang laki naman ng baby ko, tinalo pa ‘yung nasa tiyan ko.”
Natawa ako.
“At may ball-ball na, na malapit nang pumuti.”
“Hey, I shaved!” giit ko.
Ngumisi siya. Ah…she’s being like this again. Sa tuwing may pinagbubuntis talaga siya.
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.