Kabanata 42: Heart’s Pov
“So ungentle man,” dinig kong usal ni Kendrick.
Nilingon ko siya, na nasa likuran ko. “Wow, poging pogi, ah.”
“Mama, I’m not pogi. I’m pretty!”
Natatawa akong bumalik sa ginagawa. “Pretty nga nakakunot naman ang noo. Ano na naman kayang biglang naisip ng dalaga ko.”
“That guy…again. Nakita ko ang lahat ng pangyayari, Mama, tanaw na tanaw ko. Kung abot ko lang sana ang mukha ng lalaki ay sinuntok ko na siya mukha. He kissed you!”
“Likod ng palad lang naman, grabe ka naman,” pabirong sabi ko.
Pumunta sa harapan ko si Kendrick, nakabusangot. Ako ay abala sa paggugupit ng tela sa tamang size na sinukat ko.
“Who is he?” seryoso niyang tanong.
Seryoso na siya ngayon, lalaking lalaki na.
“Ahm–,”
“Be honest to me, Mama…”
Parang ang tatay niya ngayon ang kaharap ko na bumata at lumiit lang. Hays, bakit kasi sa tatay niya pa siya nagmana…pati ang mukha.
“H-he’s…he’s your father,” halos pabulong na wika ko.
Natigilan siya. Hindi siya agad nakaimik kaya nilapitan ko siya at niyakap.
“I’m sorry for not telling you about it right away…I’m sorry, anak.”
“Why, M-mama?”
Pumiyok ang boses niya na tila may bumara sa lalamunan niya. Nasaktan ako roon, tila ba sinasaktan ko. He’s my weakness. Nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.
“Bakit pa siya nagpakita sa atin? For what? Umaasa ba siya na kapag nagkita kayo ulit ay maibabalik niya na ang kung anong meron kayo noon? Base sa kwento mo, Mama, kagabi…alam ko p-po…alam ko na mahal na mahal ka niya…pero kinulang siya sa pagtitiwala sa inyo. He didn’t trust you the way you trust him.”
“K-kendrick…”
“I hate him, Mama. I don’t want to see his face again.”
“Hush…Mama can handle the pain. ‘Wag kang mag-alangan kapag nagustuhan mong kilalanin siya, ah. ‘Wag mo akong isipin.”
“I don’t want to see him again, Mama. I d-don’t want to see him…”
Hinaplos haplos ko ang likod niya upang mapatahan na siya sa pag-iyak.
“Okay…si Mama ang bahala.”
Kinahapunan ay napadaan si Bruno sa patahian ko. Mabuti naman at umalis na si Davil. Dahil nga sa hindi ko binigay sa kaniya ang lahat ng paninda ko ay nananatili ang mga ito sa booth.
I knew it…he’s not serious for buying all my works.
“Ang cute naman ng mga ito,” dinig kong sinabi ng babaeng bagong dating.
“Heart, may customer ka ‘ata. Ako na rito, labasin mo na sila,” ani Bruno.
Iniwan ko muna kay Bruno ang ginagawa kong pagro-roll ng makapal na tela.
“Hello, sir, ma’am!” maligayang bati ko sa dalawa.
Tila naman naestatwa ako nang makilala ang babae. Napatikhim ako at hindi pinahalata ang naging reaksyon.
“Magkakaroon po kayo ng isang pirasong libre kung bibili po kayo,” nakangiting sabi ko.
“Kahit isa lang ba ang bilhin namin, makukuha pa rin namin ang isang libre?” tanong ng lalaki.
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.