Mature content/R-18
Kabanata 9: Heart’s Pov
Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Nandito pa rin ako sa sinilungan ko kagabi, sa tabi ng gate nang tuyo na ang damit.
Ang ilong ko ay bahagyang barado sa sipon. Tumayo ako kahit medyo mabigat ang katawan. Sarado pa rin ang gate nang muli kong icheck.
Napabuntong-hininga ako.
“Heart? Ang aga mo naman,” boses ni Ali.
Nilingon ko agad ang kaibigan at umaktong maayos lang ako. “Oh, Ali, ang aga mo rin.”
“Bakit ang aga mong umalis?” Bahagya pang nakakunot ang noo niya.
“A-ah…baka kasi ma-late ako sa date namin ni Harvin. Nakakahiya kung paghihintayin ko siya ng matagal,” dahilan ko.
Nanlaki ang mata niya at parang batang excited. “Oo nga pala! Pero sobrang maaga pa ang 8:00 am.”
Napakamot na lang ako ng ulo.
“Tara! Sumama ka sa’kin sa bahay, pahihiramin kita ng isusuot,” pagdadadaldal niya.
Sumunod na lang ako sa kaibigan. Hanggang makarating kami sa bahay nila ay hindi siya tumitigil. Inis na inis siya sa mama at ate ko. Tama raw ang hinala niya na hindi ako pahihiramin ng isusuot ng dalawa.
Isang kulay cream thin dress ang sinukat niya sa akin, na bumagay naman sa kulay ng balat ko. Cocktail dress iyon. Si Ali na rin ang naglagay ng make up ko. Light make up lang.
“Ayan! Ewan na lang kung hindi malaglag ang panga ng Harvin na ‘yon!”
Natawa ako. “Grabe naman.”
“Hmp! Sisiguraduhin kong malalaglag ang panga niya pagkakita niya sa’yo!” saad pa niya ay dinagdagan ng pagkapula ang labi ko.
Alas onse na halos kami natapos sa pag-aayos. Hindi na ako bumalik pa sa bahay. Hinatid na lang ako ni Ali sa mall na pagkikitaan namin ni Harvin. May lakad din si Ali mamaya kasama ang Tita niya kaya hindi na rin siya tumagal.
“Heart?”
Nilingon ko ang tabi matapos marinig ang boses ni Harvin. “Oh, nandito ka na pala,” sabi ko.
“Kanina ka pa? Sorry ha, naghintay ka pa. Maaga akong umalis kasi sabi ko nakakahiya naman kung ikaw ang mauuna. Pero ngayon…”
Hindi ko napigilang matawa. “Ano ka ba, okay lang. Sumabay na rin kasi ako kay Ali, may pinuntahan siya rito,” dahilan ko.
“Oh…okay. So ano? Tara na?”
Tumango ako. “Tara!”
Excited din ako. Maliban sa unang beses kong mararanasan ang date na ganito, ngayon ay pakiramdam ko rin na malaya ako.
Lumabas kami ng mall pagkatapos kumain sa isang fastfood. Pupunta raw kami sa carnival kaya sumakay kami sa bus.
“Wow!” parang bata na tuwang-tuwa na nasabi ko nang bumungad sa akin ang iba’t ibang klase ng rides na sa tv ko lang nakikita.
Narinig ko ang pagtawa ni Harvin sa tabi ko. “Masaya ako na nakikita kitang nag-e-enjoy, Heart…”
Nilingon ko ang lalaki. Hindi ko napigilang mapangiti. Sa kabila ng pagdidilim ng paligid dahil maggagabi na, nakikita ko kung paano mamula ang mukha niya.
“Salamat ngayong araw, Harvin. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito,” saad ko.
Sa ng-uumapaw na tuwa at emosyon ay humakbang ako palapit sa lalaki. Niyakap ko si Harvin. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. Hinayaan ko iyon.
Hindi ko maintindihan ang halo-halong nararamdaman ko ngayon. Basta, nag-uumapaw ang saya ko.
“G-gusto kita, Heart…at alam kong alam mo na iyon. Pero ayos lang sa akin kung wala akong pag-asa sa’yo. Basta, tatandaan mo na kahit anong mangyari…buong buo ang nararamdaman ko sa’yo,” usal ni Harvin.
Unti-unti kaming bumitaw sa yakap. Nagkatitigan kami ni Harvin. Kitangkita ko sa mga mata niya kung paano siya ka sinsero.
“Kung wala lang akong malaking problema…b-baka masabi ko na ngayon na may pag-asa ka,” saad ko. “Pero pasensya na, Harvin…”
“Shh…it’s okay, Heart. Hindi kita mamadaliin. H-hindi na lang din ako aasa…”
Nginitian ko ang lalaki. Bumaba muli ang tingin niya sa labi ko. Nakaramdam ako ng pagkailang, pero hindi ko maintindihan kung bakit tila gusto ko ring mahalikan.
Natigilan na lang ako nang unti-unting lumapit ang mukha ni Harvin sa akin. Sa sobrang lapit ay iniwas ko ang tingin ko para hindi ako maduling.
At sa paglipad ng mata ko sa likuran ni Harvin ay nasalubong ko ang sobrang dilim na mga mata ni Davil.
Si Davil…
Nahigit ko ang hininga at mas lalong nanigas sa kinatatayuan nang maramdaman ang labi ni Harvin sa tabi ng labi ko.
Nanlaki ang mata ko. At bago pa ako makalayo kay Harvin ay tumalikod na si Davil at naglakad palayo. Hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano umigting ang panga at kamao ni Davil.
“T-tara, mag-rides na tayo,” mahinang usal ko, nanginginig pa dahil sa takot sa maaaring gawin ni Davil.
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Hindi kaya may ibang babae rin siyang dini-date?!
Nag-init ang ulo ko at tila kumulo ang dugo dahil sa isiping iyon.
To be continued…..
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.