Mature content/R-18
Kabanata 34: Davil’s Pov
“Sir! Sir Davil!”
Nilingon ko ang babaeng tumatawag, si prof Ysabelle.
“Kapag pala ng asawa mo si Heart Salazar. Sorry, sir, ah, medyo napagalitan ko siya noong nadatnan ko siya sa office niyo,” aniya.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglakad.
“Ahm, sige sir Davil. Mauna na rin ako,” aniya.
Tinanguan ko lang siya at binalik na rin agad ang tingin sa dalang records.
I just clarified to anybody that I already have a wife. But they mistakenly thought that it was my wife’s sister. Hinayaan ko na lang din na ‘yon ang isipin nila kaysa mapahamak ang asawa ko. I know it will hurt her feelings, pero mas gusto ko siyang ilayo sa kapahamakan.
Naging worse ang mga pangyayari. Akala ko…tapos na, hindi na kami ulit mag-aaway. But I was wrong...
Tumigil ako sa paglalakad nang makatanggap ako ng text mula sa asawa ko. Sabi niya ay hindi siya makakauwi agad dahil pupuntahan niya ang kaibigan.
Nagtipa ako ng reply.
Me:
Okay, take care. Sabihan mo ako kapag pauwi ka na, susunduin kita. I love you.Pagka-send ko ng reply na iyon ay sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar na iyon papuntang school.
Pagdating ko sa school ay napansin kong madalas napapatingin sa akin ang mga estudyante, na sa pagkakataong ito ay may tila gusto silang sabihin ngunit hindi nila masabi sabi.
Lumapit ako sa isang kumpulan na grupo ng estudyante na mukhang ang pinag-uusapan ay tungkol sa kakaibang napapansin ko sa paligid.
“Is there something happened?” tanong ko.
Na-alerto sila. “A-ah, sir Davil…”
Hindi nila maituloy ang sasabihin. Nangunot ang noo ko sa cellphone na inaabot nila sa akin. May video na nagpi-play roon. Sa paglapat lang ng tingin ko sa screen ay alam ko na agad kung sino ang mga tauhan doon.
What the f*ck…
Binalik ko ang cellphone sa estudyante at nagmamadaling bumalik sa sasakyan. Sumakay ako at ni-u-turn ang sasakyan pabalik. Hindi ko kayang pumasok ngayon habang ang asawa ko ay pinararatangan ng mali.
I gritted my teeth. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Bakit hindi sinasabi sa akin ng asawa ko ang nangyaring iyon? Bakit kailangan niyang itago iyon sa akin kung maaari ko naman siyang tulungan.
“Hello, Lola?” saad ko nang sagutin ni Lola ang tawag ko.
“Hello, apo? Kumusta ka? Kailan kayo pupunta rito ni Heart? Miss na miss ko na kayo…”
“Busy pa po kami sa ngayon, Lola, but we will go to your place if we’re not.”
“Sure! I understand! Aasahan ko ‘yan,” natutuwa niyang sabi. “So what’s up, apo?”
“Can I get a favor? Please, Lola?”
“Oh, sure! You don’t have to beg, apo.”
“Lola, I want you to stop giving money to my wife’s family. Can you do it, Lola?”
“W-what? Apo, tama ba ako ng narinig? Gusto mong tigilan ko na ang pagbibigay ng pera sa mama at kapatid ni Heart?”
“Yes, Lola, please?”
“But why, apo? You know–,”
“I know, Lola. I will explain it to you. Bukas na bukas.”
“O-okay…where are you?” bahid sa boses ni Lola ngayon ang pagkalito.
“Driving.”
“Okay, drive safe.”
Pagkatapos ng tawag ay binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Her sister is crazy…what the hell.
Kinalma ko ang sarili. I have to cook for dinner. Kaya pagkapahinga ko ay nagsimula na ako sa paghahanda. I put my best to make the best dinner for my wife. Na sa kahit ganito lang ay mapagaan ko ang kalooban niya.
Natapos na ako’t lahat ay wala pa rin siya, magdidilim na. Gusto ko siyang tawagan, pero hindi ko matuloy dahil baka nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng kaibigan niya ay maabala ko sila.
Inayos ko na lamang ang pagkain habang hinihintay ang misis ko. Ginawa kong dinner date ang set up. Habang abala ako sa ginagawa ay tumunog ang cellphone ko. Nagmadali ako na basahin ang dumating na mensahe sa pag-aakalang ang asawa ko na iyon. Subalit hindi…kundi ang ate niya.
Like for real? Where did she get my number? Agh, baka kay Lola.
I opened the message.
Unknown number:
Hi, Davil, it’s Lovely. I just want to tell you na nakita ko ang kapatid ko, kayakap ang boyfriend niya sa school!Unknown number sent a photo.
Unknown number:
Hindi ko kilala ang lalaki, pero may napagtanungan ako, sabi nila ay boyfriend niya ‘yan.Unknown number:
I told you, hindi pa nagma-mature ang pag-iisip ng kapatid ko. Sana habang maaga pa ay makipaghiwalay ka na sa kaniya. She’s is not good for you.Unknown number:
I’m telling you this because I want you to wake up. Ang rason kung bakit umaakto ako na ako ang asawa mo ay dahil tini-test ko ang kapatid ko kung paano ka niya ipaglaban.Unknown number:
I’m sorry to tell you this, but Davil…she’s not worth it. You deserve someone else, ‘yong hindi makati katulad ng kapatid ko. You deserve me.Unknown number:
Sana magising ka na, na niloloko ka ng kapatid ko . The worst is…nagsusumbong siya sa boyfriend niya na minamaltrato mo siya. Nagmamakaawa siya na isama na siya ng boyfriend niya para makalayo na sa’yo. Narinig kong sinabi niya ‘yan, umiiyak…habang nakayakap sa lalaki.Halos madurog ang cellphone sa kamay ko dahil sa sobrang higpit ng hawak. I can’t get off my eyes at the picture. My wife…hugging someone else.
Am I…not enough?
What her sister told me can’t get off my mind. Ang tanging naiisip ko na lang na solusyon ay paalisin si Heart sa mansion. I don’t you to see her again. Kahit sobrang sakit, pero mas masakit kung mananatili pa siya rito. Mas masakit kung sa tuwing nakikita ko siya, maaalala ko ang panloloko niya.
She’s a cheater. I regret marrying her! Sana ang ate niya na lang ang pinakasalan ko.
“Ayaw ko ng marinig ang boses mo. Umalis ka na…” ang huling sinabi ko saka siya iniwan.
Her cries…sobs…were breaking me. Pero gusto ko siyang bigyan ng leksyon. I want her to suffer for what he did to me.
Kahit binibiyak ang puso ko sa mga hikbi niya…kailangan ko siyang bitiwan. Dahil mahal na mahal ko siya.
“Ah!”
Binato ko ang bote ng alak sa pader at binaliktad ang lamesa. Sumabog ang mga nabasag na bote sa sahig.
“Please, God…b-bring him back.”
Hinilamos ko ang mukha kong basang basa sa luha.
“Please…please…I want her back. Wala na akong pakialam kahit ilang beses niya akong lokohin. J-just please…bring her back to me!” I cried desperately.
Sobrang dinudurog ang puso ko habang pinanonood ko ang asawa kong ngayo ay naglalakad sa gitna ng ulan, palayo sa akin…
Gusto ko siyang takbuhin ngunit ang mga paa at binti ko ay tila nakadikit na sa sahig. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Dahil nasobrahan na naman sa alak, sobrang bigat ng katawan ko.
I promise…oras na gumaling ako sa sakit, pupuntahan ko siya kung saan man siya naroon at ibabalik ko siya sa mansion na ito.
I’ll bring her back here.
To be continued….
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.