Kabanata 38: Heart’s Pov
“Rick? Kendrick?” tawag ko sa anak ko.
“Just a sec, Mama.”
“Natatanaw ko na ang tito Bruno mo,” sabi ko.
May pasok siya ngayon. Kapag pumapasok siya ay lagi niyang kasabay ang mga kalaro, isa na roon ang bunsong kapatid ng tito Bruno niya. Hinahatid madalas ni Bruno ang ang kapatid niya kapag wala siyang lakad, gamit ang motor na may sidecar.
Bihis na bihis na si Kendrick nang lumabas. Tumigil ako sa paghuhugas ng pinggan para lapitan ang anak.
“Heto ang baon mo.” Inabot ko sa kaniya ang bente pesos.
“Thank you, Mama. Byebye!”
“’Wag kalilimutan ang mga bilin palagi ni Mama, ha. I love you.”
“Yes, Ma. I love you too!”
Nakangiti kong pinagmasdan ang anak kong lumalapit sa tito Bruno niya.
“Bye, Heart!”
Tinanguan ko lang si Bruno. Nang makalayo na sila ay bumalik ako sa ginagawa. Pagkatapos kong maghugas ay pumunta na ako sa patahian ko.
Pinagpatuloy ko ang mga tinatahing hindi ko natapos kahapon. Maya-maya lang pagbalik ni Bruno ay ang mga nagawa kong crochet ang aasikasuhin namin. Iyon ang mga order sa akin na ipapadala namin sa sentro.
Gumagawa ako ng flower crochet, keychains, stop toys at kung ano-ano pa na na kaya kong gawin sa paraan ng paggagansilyo. Kapag walang pasok si Kendrick ay tumutulong siya. At dahil mahahaba ang daliri niya ay maayos siyang nakakabuo, at lalo dahil marunong na siya. Perfection pa nga siya, e, he always want his work to looks perfect.
“Madame Heart,” tawag sa akin ng isa sa mga trabahante ko na nakakasama ni Bruno kapag maghahatid ng order.
“Pedro, bakit?”
“Mukhang mamaya pa pong hapon tayo makakapagdileber.”
Nangunot ang noo ko at maayos na hinarap si Pedro. “Ano ang ibig mong sabihin? Bakit? May problema ba?”
“Eh, kasi, madame…iyong dalawa naming katulong ni Bruno sa paghahakot ng mga idedeliber ay sumama ho sa mga may bangka na pumuntang sentro kaninang umaga. Marami raw po kasing torista ang paparito simula mamayang hapon, gusto rin po nilang kumita roon kaya…” kakamot kamot sa batok ni Pedro.
Napabuntong-hininga ako. “Gano’n ba? Hindi man lang ba siya nagpasabi sa inyo?”
“Hindi po, madame, e.”
“Alam ba ito ni Pedro?” tanong ko.
“Hindi rin po, e. Sasabihin ko nga rin po sa kaniya pagdating.”
“Hindi p’wedeng hapon tayo magdileber. Kung mamayang hapon pa tayo ay madaling araw pa iyon makakarating. Hindi ‘yon maaari, malalagot tayo sa mga customers natin niyan…”
“’Yon na nga po, e.”
Iniwan ko na muna si Pedro na salansanin ang mga kahon na kinalalagyan ng idedeliber na mga produkto. Pumasok ako sa patahian ko at nag-isip isip.
Kailangan ay ngayong umaga iyon maideliber para mamayang hapon ay makarating na sa sentro. May mga mag-aabang din doon.
Hayst.
Nasa gano’n akong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Bruno mula sa labas. Lumabas ako ng patahian para puntahan ang dalawa na ngayon ay nag-uusap na.
“Mahihirapan tayo nitong makahanap ng katulong sa pagbuhat. Kahit isa lang sana.”
“Sinubukan ko, pero wala ang halos mga kalalakihan. Naroon sila at sinasalubong ang mga torista.”
“Bait kasi hindi nagpaalam ang dalawang iyon,” ani Bruno, problemado na rin.
“Akala siguro nila ay aabot sila sa pagdileber natin.”
Sumingit ako sa dalawa. “Ganito na lang, ako na lang ang mag-aasikaso sa mga idedeliber, kayong dalawa na ang magtulungan sa pagbubuhat.”
“Hassle pero sige, pagtyatyagaan namin,” ani Bruno.
“Pero paano po itong patahian, madame?”
“Isasara ko na lang muna,” nakangiting sabi ko.
Wala kaming choice, kailangan naming maideliber agad ang mga orders.
Binilinan ko si aling Rosas, ang lola ni Pedro, na kapag umuwi si Kendrick ay sabihing wala ako sa patahian.
“Kung gusto niya pong puntahan ako roon ay pakisabi na lang po. Salamat, ‘Nay Rosas,” sabi ko, tinutukoy ay ang tabing dagat…sa pantalan.
Pumunta kaming tatlo sa daongan, sakay ng L3, pati ang mga kahon na kahon na orders.
Pagdating namin sa pantalan ay may iilang torista na rin ang paparating, sakay ng mga bangka na pag-aari ng mga taga rito.
“Sige na, simulan niyo na. Ako na ang magche-check,” sabi ko.
Nasa tabi lang ako, habang si Bruno at Pedro ay bumabalik balik rito sa pwesto ko papunta sa bangka.
Tiningnan ko ang location na nasa isang kahon, kung alin ang susunod na bubuhatin ni Bruno. Nilagyan ko ng check iyon sa hawak-hawak ako na papel, saka iyon bahagyang tinulak sa unahan.
Sa pag-angat ko ng tingin ay sumakto iyon sa papdaong na bangka na may sakay na torista.
Napatigil ako at tila binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ko ang isa sa mga sakay niyon.
Labis na kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko na naipagpatuloy ang ginagawa dahil tila na-blangko ang isipan ko.
“Heart, okay na ba ito?” si Bruno.
Hindi ko nagawang balingan ang lalaki dahil tila napako ang tingin ko sa toristang sakay ng bangka.
It’s been…7 years.
“Heart? Are you okay?”
Doon ako natauhan matapos akong kalabitin ni Bruno. Papunta na sa bahagi ko ang tingin ng nakilalang torista. Bago pa magtama ang tingin namin ay tinalikuran ko na siya agad, para maharap si Bruno.
“H-ha? Oo! Pasensya na…oo, okay na ‘yan.”
“Wait, are you really okay? Kakayanin naman namin ni Pedro na gawin ito. Mgpahinga ka na kaya?” ani Bruno, bahid ang pag-aalala.
Ngayon ay nakaalalay na sa braso ko ang kamay niya. Na tila ba bigla akong naging marupok na bagay para alalayan niya upang hindi bumigay.
“No, I’m fine. Thank you…” saad ko.
“Sige. Isasakay ko na ito. Kung pagod ka na magpahinga ka na na muna.”
“Ayos lang ako–,”
“Mama!” sigaw ni Kendrick na nagpatigil sa akin.
Sa paglingon ko sa kaniya ay hindi lang siya ang nakita ko… Nahagip din ng paningin ko ang toristang kanina lang ay iniiwasan kong magtama ang tingin namin.
He's looking at me right now…coldly.
To be continued....
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.