Kabanata 13 (Warning)

8.1K 128 13
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 13: Heart’s Pov

Sinalubong ako ni Ali nang makita akong pumasok sa room.

“Heart, tabi tayo! Nag-review ako pero feeling ko mame-mental block ako!” aniya.

“Hindi ako nakapag-review!” sabi ko. “Pareho tayong bumagsak.”

“Hello? Mathematics ang exam natin ngayon. Imposible.” Inirapan niya pa ako.

Natatawa akong sumunod sa kaibigan papunta sa upuan na pipwestuhan namin.

Finals na namin ngayon para sa 1st semester. Katatapos lang namin mag-exam kahapon sa ibang subject. At itong subject na i-exam namin ngayon ang huling subject. Grabe ang bilis naman kasi ng araw!

Phew!

Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko ito p’wedeng ibagsak.

“Hala! Ang bilis naman ‘di pa nga ako nakakapag-review nang maayos e!” mahinang reklamo ng kaklase sa tabi ko nang pumasok na si Mr. Santillan.

Binaba ko ang tingin sa table. Si Ali ay sa likuran ko umupo para raw mabilis siyang makakuha ng sagot sa akin. Hindi naman ako maramot sa kaibigan ko.

“Okay everyone get one and pass,” malalim na boses na saad ni Davil.

Lahat kami ay napaayos ng upo. Good luck na lang sa aming lahat!

Halos umikot ang mata ko nang makita ang mga sasagutan sa test paper. Ang utak ko ay halos bumaliktad. Nakikita ko pa lang ang nagrarambulan na numero ay parang gusto ko na lang maglaho bigla.

“Fifty items lang ‘yan,” ani professor.

“Fifty…lang? Jusko,” bulong-bulong ng kaklase ko sa unahan. “Eh five items pa lang nga hirap na hirap na’ko.”

“Ang mag-ingay, zero agad.”

Pigil na singhapan ang narinig ko sa mga kaklase. Tch! Apaka talaga ng lalaking ito!

“If you have a question, raise your hand.”

Napatingin kami sa kaklaseng tumaas ang kamay. Si Belo, ang bading namin na kaklase na magaling din sa mathematics.

“Yes, Mr. Gregoryo?”

“Sir, may points po ba itong nasa last?”

Pati ako napatingin sa last page ng test paper.

“Yes. That will be your bonus, but you have to answer it,” sagot ni Davil.

Ang tanong sa last part ay hindi problem solving o essay…kundi drawing. Idrawing daw doon ang bagay na unang papasok sa isip namin after masagutan ang mga problem solving.

Nakagat ko ang labi ng biglang pumasok sa akin ang junior ni Davil. Pinigilan ko agad ang sarili na matawa dahil baka ako ma-zero.

“Meron na lang kayong 1 hour and 30 minutes para sagutan ang test paper niyo. Now start answering your exam and be quiet.”

Nagsimula na akong isulat ang pangalan ko sa itaas ng test paper. Biglang pumasok sa isip ko ang kalulukohang naiisip kaya napahagikhik ako. Tinakpan ko agad ang bibig ko at napaangat ng tingin kay prof. Nakatingin na siya sa akin ngayon.

Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtatanong kung bakit ako humagikhik. Umiling ako sa kaniya at binalik na ang tingin sa test paper.

Nagsimula ako sa pagsagot.

Hinayaan kong naka-expose ang sagot ko para makita ni Ali sa likuran.

“Thank you, Heart. Sige na baliktarin mo na,” mahinang usal niya.

Nasagotan ko naman ang mga problem solving, pero hindi ko nga lang alam kung tama silang lahat.

“Okay, ten minutes more,” ani prof maya-maya.

Mahinang nagdaingan ang mga kaklase at nagmadali sa pagsasagot. Ako ay binilisan ko na rin. Sa wakas ay nasa last na ako.

Gumuhit ako ng oblong at nilagyan ng kunwari’y ugat-ugat. Halos uminit ang buong mukha ko sa ginagawa, pero pinagpatuloy ko ay tinapos. Pagkatapos kong i-drawing ang hotdog ni Davil ay nilagyan ko pa kunwari ng buhok-buhok.

Wahahahahah.

“Finish or not finish, pass your paper.”

“Amin na ‘yang papel mo, Heart. Ako na ang magpapasa,” ani Ali na binigay ko naman sa kaniya agad.

Mabuti na lamang ay hindi naisipan ng kaibigan ko na tingnan ang drawing ko. Pinasa niya iyon kay Davil kasabay ng mga kaklase namin.

“Yes! Save na tayo!” masayang saad ni Ali pagbalik.

“Hay makakahinga na rin nang maluwag,” sabi ko.

“So ano? Saan tayo magla-lunch? Deserve natin ng masarap na tanghalian!”

“Kahit sa–,”

“Miss Salazar,” natigil ako sa sasabihin kong iyon nang tawagin ako ni prof.

“S-sir?” nauutal na usal ko.

“What is this?” saad niya nang nakatingin sa test paper ko.

Napaawang ang bibig ko.

Agad na tinabunan ni prof ang test paper ko bago pa tuluyang masilip ng kaklase kong lalaki na nakikitingin habang nagpapasa.

“Luh ano ‘yon? Martilyo na may buhok?” saad nito.

“Go back to your seat, Mr. Dela Cruz,” ani prof.

“Yes, sir! Sorry po,” anito.

“Ang dark naman ng nasa isip mo, Heart. Martilyo na may buhok, para kang may mu-murder-in,” ani pa ng isa kong kaklase na kasama ni Dela Cruz sa pagpasa.

“Para rin kasi tayong sumabak sa madugong digmaan kaya iyon ang naisip ni Heart,” ani Ali.

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. Parang bigla akong natauhan. Tinubuan ako ng hiya at parang gusto kong bawiin ang test paper para baguhin ang drawing doon!

“Are you listening, Miss Salazar? Go to my office…now,” utos ni Davil saka tumayo at lumabas.

“Baka ikaw ang nakakuha ng highest score sa exam, Heart. Baka sa’yo ipa-check ni sir,” ani Ali.

“Oh pa’no?”

“Sayang naman! Next time na lang tayo lumabas. Sige na, sumunod ka na agad kay sir.”

Halos ipagtulakan niya pa ako.

“Sabihin mo sa’kin score ko pagkatapos ah!”

Sigaw pa niya na ikinatawa ko na lang habang mabibilis ang lakad na sumunod kay prof.

Haist. Ano kayang problema sa drawing ko?

“Martilyo na may buhok…” nasaad ko saka natawa.

Natigil din naman ang pagtawa ko nang mapansing nakapantay na pala ako sa paglalakad ni Davil.

Tinaliman niya ako ng tingin. Nginisihan pa pagkatapos makita ang reaksyon ko.

“Humanda ka sa’kin pagdating natin sa office,” aniya saka nakangising nagpatiuna.

Kinabahan ako.

To be continued….

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now