Kabanata 45 (Warning)

5.8K 101 0
                                    

Kabanata 45: Heart’s Pov

“Hindi mo man sabihin, sa itsura pa lang ng dalawa halatang mag-ama sila,” ani Bruno.

Hindi ako umimik at napabuntong-hininga lang.

“Oo nga pala, Heart. Mamayang gabi na ang pasayaw ni Mayor. Ano, tara?”

“Pag-iisipan ko pa, Bruno.”

Tumango siya. “May iilang torists na naman ang naroon panigurado. Pati ang tatay ni Kendrick ay paniguradong nando’n din.”

“Edi hindi ko na pag-iisipan na pumunta. Hindi na lang pala ako pupunta,” sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawag niya. Pinagpag ko ang kamay ko matapos kong ipatong ang isang box sa shelf.

“Pero sayang naman kung hindi mo mahaharap sila, malay natin ‘di ba? May magbigay ng donation katulad last year. ‘Tsaka hindi naman ang lalaking iyon ang ipupunta mo roon, ‘di ba?”

“Oo na, pupunta na.”

Tama. Bakit ko gagawing dahilan ang lalaking iyon sa mga ikikilos ko. Sayang din kasi ‘yong opportunities na makukuha ko roon, malay natin. Malaking tulong na iyon sa akin.

Iiwan ko muna si Kendrick kay Aling Rosas. Hindi naman ako magtatagal pa sa plaza. Kailangan ko lang makihalubilo.

“Ano? Tara na?”

Tinanguan ko si Bruno. Hinalikan ko muna sa noo at pisngi ang anak ko bago umalis.

Bumaba kami sa labas ng plaza sakay ng motor ni Bruno. May ilan agad akong nakilala. Dumiretso ako sa loob, si Bruno ay nakasunod.

Nagkaroon muna ng sandaling program, pasasalamat ng mayor dahil sa maayos na pagdaraos ng kafiestahan ng isla.

Uminom ako ng kunting alak na nilagay sa wine glass namin. Mapait kaya hindi ko na inubos. Nagsimulang magsayawan ang iba sa gitna habang ako ay nakikipagkwentuhan sa toristang nasa tabi.

“Ah, isa kang influencer.”

“Oo, miss Heart. Napadaan nga ako sa patahian mo at kinunan iyon. Icheck niyo po sa channel ko. Pa-subscribe na rin.”

Napatango tango naman ako, kahit ang totoo ay hindi na ako gumagamit ng social media. Phone calls at messages lang ang ginagawa ko sa cellphone ko.

Biglang bumago ang tugtog kaya ang halos lahat na sumasayaw sa gitna ay nagsitabihan. Naiwan ang iilang couple na sumasayaw sa marahang kanta. At dahil nagkaroon ng malaking space sa gitna, kitangkita ko ang mga taong nasa kabila.

Madilim man, at tanging disco lights ang maliwanag…nakikilala ko ang lalaking nakaupo sa isang table. Nakatingin din siya sa akin, na tila ba kanina pa ako tinitingnan.

Nangunot ang noo ko.

Tsk! As if naman narito siya para makita ako. Hmp…sinusulit niya lang ang pananatili rito.

Naputol ang paninitig ko kay Davil nang humarang si Bruno, tumayo sa harapan ko.

“Can I have this dance?” nakangiti niyang saad.

Naghiyawan ang mga kasama namin sa table. “Hindi ko alam kung anong meron sa inyo, pero matagal na rin ang six years niyong magkakilala ah,” komento ng isa.

“Magkaibigan lang kami,” saad ko.

“Alam naman namin…pero what if.”

Dinaan nila sa pagngiti ang hindi tinuloy na sasabihin. Napailing na lang ako at muling hinarap si Bruno.

“Sure…”

Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. Lumawak ang ngiti niya sa ginawa kong iyon.

Dinala ako ni Bruno sa gitna. This is my first time doing it. Nakakakaba pala.

Pinatong ko na lang ang kamay ko sa balikat niya. Napaigtad pa ako nang hinawakan niya ako sa baywang.

“Hindi ka ba komportable?”

Nag-aalangan man ay umiling ako. Nakakahiya naman kung magpapabebe ako.

“’Wag mong isipin ang sinabi nila,” aniya at marahan na akong sinasayaw.

I don’t feel anything. Mas focus pa ang isipan ko sa maaaring ginagawa ngayon no Davil sa kabilang tabi. Hindi ko man siya nakikita, ramdam na ramdam ko naman ang panonood niya sa amin ni Bruno.

“Nakita ko ang tatay ni Kendrick na narito…gusto ko lang siyang pagselosin,” aniya na ikinatigil ko.

Napatakip ako sa bibig dahil sa pagtawa. What the?

“Baliw!”

Pareho kaming natawa, pero hindi nagtagal ay napatigil kami at napatingin sa kabilang tabi. Bigla kasing may komusyon na nangyari sa bandang iyon…sa banda ni Davil.

“Sir, sir, ayos lang po ba kayo? Ang init niyo, sir,” dinig kong saad ng isang tanod.

Bumangon ang labis na pag-aalala sa akin nang makitang nakahandusay si Davil, at tila hinang hina. Ang paa ko ay tila nangangati na takbuhin ang lalaki.

“Mukhang hindi siya sanay sa alak, Heart,” saad ni Bruno.

Hindi kaya ng sikmura ko. Parang sinusuntok ang dibdib ko habang nakikita ang sitwasyon ni Davil.

“B-bruno, tara tulungan natin siya,” sabi ko.

Hindi ko na nahintay si Bruno at agad tinakbo ang banda ni Davil.

“Sir, dadalhin ka po namin sa malapit na hospital. Kumapit po kayo,” sabi ng isa habang inaalalayan si Davil na makaupo.

“M-my wife…I want my w-wife.”

“Excuse me po, kaibigan po namin siya. Kami na po ang bahala,” agad na sabi ko nang makalapit.

Lumuhod si Bruno sa tabi ni Davil upang alalayan itong makatayo.

“Ako na bahala sa kaniya, Heart, tumawag kana ng tricycle,” ani Bruno.

Agad akong tumalima. Tinawag ko agad ang nakitang papadaan na tricycle.

“Sure ba kayo na okay lang ang kaibigan niyo?” tanong ng mga tanod.

“Okay lang po ‘yan. Mahina po talaga ‘yan sa alak, at nagkakasakit kapag nasosobrahan,” sabi ko.

Sinakay ni Bruno si Davil sa tricycle.

“Rich kid po siya, e,” saad ko pa bago sumakay sa tricycle.

Naiwan si Bruno, na siyang kumausap sa mga tanod.

Hinaplos ko ang leeg at mukha ni Davil, init na init siya. Grabe naman ang tama ng lalaking ito sa alak.

Ilalayo ko na ang palad sa mukha niya nang hawakan niya iyon.

“P-please…come back to me. Tell me what do you want me to do.”

“I-I want you to get well soon. Magpagaling ka…para magawa mo ang sinasabi mong mga rason kung bakit ka nandito,” saad ko.

“I will. I love you…”

Hindi na ako nagsalita at napatitig na lang sa maamo niyang mukha. Maamo dahil nakapikit ang mga mata niyang parang agila na nanlilisik.

Nahigit ko ang hininga nang dumasig pa siya palapit sa akin hanggang sa magsumiksik siya sa leeg ko.

I swallowed. Gosh, nararamdaman ko na naman ang pakiramdam noong una.

This. Is. Wrong.

To be continued….

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now