Kabanata 26 (Warning)

5.8K 95 0
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 26: Davil’s Pov

Today is our first month as a husband and wife. I want to celebrate it with her.

Maaga akong nagising para ipagluto ang asawa ko. Maaga ang pasok niya ngayong araw, samantalang ako ay walang klase ngayon dahil sa importanteng meeting na kailangan kong attend-an.

Pinatakan ko ng magagaang halik sa buong mukha ang maganda kong asawa.

“Good morning, beautiful. I love you…”

Mahina akong natawa nang umungol lang siya habang tulog na tulog.

Bumangon ako at pinulot ang damit sa sahig. Last night, we did made love with so many times. Hehe.

Nagluto ako ng paborito niyang breakfast, beef steak at fried rice. Nagtimpla rin ako ng gatas niya. I couldn’t help but smile while making her breakfast. Isa na yata ito sa mga pinakagusto kong gawin para sa kaniya, araw-araw.

“Hi, good morning…”

Niyakap pa niya ako na ikinangiti ko. Pumihit ako para maharap siya. Mukhang antok na antok pa rin siya.

“Good morning, how’s your sleep hmm?”

“Maayos naman. How about you?”

“Masarap sa pakiramdam. Katabi kita e,” I said.

Pinaghila ko siya ng upuan niya. Nilapit ko sa kaniya ang gatas niyang tinimpla ko.

“Wife,” tawag ko sa kaniya nang umupo ako sa tabi niya.

Tapos ko ng ipaghanda ang pagkain niya. Kumakain na siya ngayon.

“Hmm?”

I bit my lower lip. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin ngayon. Pero hinihintay ko muna na batiin niya ako.

“Ahm…may ibang lakad ka ba after class?” tanong ko.

I’m planning to take her out on a date.

“Wala naman. Bakit?”

Umiling ako. Phew! Bakit mukhang wala siyang ideya kung anong meron ngayon?

“Nothing. Ahm anyway, wala ka bang importanteng gagawin today?”

“Wala naman. Wala namang importanteng ganap ngayon para pagkaabalahan ko,” sabi niya.

Parang nanlumo ako. What the hell! Bakit ganito siya. Did she…forgot about it? Why? Hindi ba ‘yon importante sa kaniya? Hindi ba importante sa kaniya ang wedding monthsary namin para kalimutan niya?

Walang buhay na nakabagsak ang balikat ko habang nakatanaw sa umalis na kinasasakyan ng asawa ko.

Dahil sa pagdibdib ko sa pagkalimot niya sa wedding monthsary namin…natagpuan ko ang sarili kong napapakalasing.

“May iba na ba siyang lalaki? P*tang ina, anong nagawa ko para kalimutan niya ang monthsary namin? Ugh! Sh*t, sh*t, sh*t!”

Frustrated kong sabi. Ginulo ko pa ang buhok ko.

I’m not mad at her. Pero naiinis ako…pero hindi sa kaniya. Argh! I want to punish her. Gusto ko siyang parusahan sa pagkalimot niya sa monthsary namin.

I have the freedom to express my feelings right now kaya ilalabas ko itong frustration ko.

“Why did you forget our wedding monthsary? Do you still love me?” nasasaktang saad ko habang nakatingin sa maganda kong asawa sa wedding picture namin.

She’s so f*cking pretty. But why did she…argh!

Sa labis na paglalasing ay dinapuan ako ng sakit. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako umiinom dahil kapag nasosobrahan ay nagkakasakit ako.

“Davil? Oh my gosh!” I heard her older sister’s voice, coming.

“Get off me,” I said dangerously.

Hinawi ko ang kamay niyang kumapit sa akin. Magkahawig sila ng asawa ko, pero ang asawa ko ang maganda, at mas maganda.

“May lagnat ka. Anong nangyari sa’yo? Nasaan si Heart?”

Pilit akong tumayo sa couch. Umiikot man ang paningin at labis ang pagkirot ng sakit ng ulo ay humakbang ako patungo sa hagdan paakyat.

“F*ck! I said get off me!” I said angrily when she tried to touch me again.

“O-okay, sorry. I’m just trying to help you. Sandali, kukuha ako ng maligamgam na tubig at towel,” sabi niya at umalis.

I don’t f*cking care. This time, I want my wife to take care of me. Magpapa-baby ako sa kaniya pagdating para alagaan niya ako.

But it turns out wrong. Nakatulog ako sa sobrang bigat ng katawan, at nagising ang diwa ko sa ingay ng kalabog ng pintuan.

“’Wag kang mag-alala gagaling ka na,” ang matandang kapatid pa rin ng asawa ko.

I stopped her from touching me. Kinuha ko ang towel sa kamay niya at nilagay iyon sa noo ko. Natigilan siya but I don’t mind.

Hindi ko maidilat ng maayos ang mata ko sa sama ng pakiramdam, pero gising na gising ang diwa ko.

“Who’s knocking?” tanong ko.

“A-ahm, sandali…baka ang kapatid ko na–,”

I cut her out. “Get her in…”

“Oo, pero, Davil…nakita ko ang kapatid ko na may kasamang lalaki kanina. Nalaman ko agad na hindi ikaw iyon dahil nakasuot siya ng uniform.”

Lalong nagising ang diwa ko sa sinabi ng babae. What the f*ck?

“Hindi ko ito sinasabi sa’yo para siraan o ano ang kapatid ko sa’yo. Hinding hindi ko magagawa iyon sa kaniya. Sinasabi ko ito para ikaw mismo ang kumausap sa kaniya. Wala pa sa tamang edad si Heart para sa pagma-mature ng isip kaya, Davil…pagpasensyahan mo siya.”

I gritted my lips. Hindi dahil sa sinasabi ng babae, kundi sa sama ng loob ko sa asawa ko.

Kaya ba niya nakalimutan ang wedding monthsary namin dahil may ibang lalaki siyang kikitain ngayon?

Dahil sa sama ng loob ko, iniwasan ko siyang kausapin. Which is very wrong. Sobrang mali dahil nasaktan ko siya, lalo na sa paggamit ko sa ate niya.

Sana mapatawad niya ako.

“Where’s the annulment paper? Maghiwalay na tayo,” she said, crying.

My heart soften. Ginawa ko ang lahat para hindi ipakita sa kaniya kung gaano ako nasaktan sa gusto niyang mangyari.

It's my fault…gusto ko lang naman na alalahin niya ang wedding monthsary namin. Gusto ko lang naman magpalambing sa kaniya…ngunit sa ginawa kong iyon, umabot kami sa ganito.

And I don’t f*cking let that happen. Walang maghihiwalay.

Oh God…please tulungan niyo akong maayos kami ng asawa ko. Hindi ko siya kayang mawala sa akin…

To be continued….

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now