Mature content/R-18
Kabanata 36: Davil’s Pov
“Heart…”
Palayo nang palayo sa akin ang asawa ko. Kahit anong pilit ko na abutin siya ay hindi ko na siya maabot.
“Baby…”
I ran, and ran, and ran…but still…lumalayo siya.
“Come back to me…”
Kahit huling lingon ay hindi niya ako pinagbigyan. Ang ngiting gustong gusto ko palaging nakikita sa labi niya…ipinagkait niya na sa akin.
“Baby…I love you so much. Please come back to me.”
Nagising ako na naman akong lumuluha. Ilang gabi, makalipas ang nagawa kong pagkakamali…palagi na siyang nasa panaginip ko.
I love her so much. Pinanalangin ko palagi na sana ay makita ko siya ulit…but God don’t let me, the destiny don’t grant my wish. Sa panaginip ko lang nila ako pinagbigyan na makita kong muli ang asawa ko.
Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para maibalik ang asawa ko…pero hindi talaga ako pinapaboran ng panahon.
“Where’s my wife? Tell me where she is…please.”
Pero walang pagbabago ang reaksyon ng kaibigan ng asawa ko. Malamig lang siyang nakatingin sa akin habang ang mata ay puno ng galit.
“Pagkatapos ng ginawa mo?”
“Please…”
“Kahit anong pakiusap mo, wala kang sagot na makukuha sa akin. At salamat nga at hindi ko alam kung saan nagpunta ang kaibigan ko.”
“Alam kong alam mo, please tell me…”
“Sorry, sir Davil. Pero wala kang mapapala sa akin pagkatapos ng ginawa mo sa kaibigan ko. Sana inintindi mo siya o pinakinggan man lang. Mas naniwala ka pa sa babaeng nanira sa buhay ni Heart.”
Her eyes started to get wet.
“What do you mean?” I asked, confused.
“Hindi mo pinakinggan ang kaibigan ko, pero ang babaeng nanira sa inyo pinaniwalaan mo?” she laughed sarcastically.
“Let’s get to the point,” saad ko.
“Si Heart, simula mga bata pa kami…palagi na siyang minamaltrato ng ate at Nanay niya. Si Heart, kahit hirap na hirap na at nasasaktan…ginawa niya pa rin ang lahat para mahalin siya ng mama at ate niya. Pero anong ginawa nila bilang kapalit kay Heart? Wala! Puro paghihirap! Pagkatapos ikaw…ikaw na nag-iisang naging sandalan niya…pinagtabuyan siya? Anong klase kang asawa!”
That’s hit me.
Anong klase akong asawa. I’ve been asking myself that, too. Anong klase akong asawa…para hindi pakinggan ang paliwanag ng asawa ko? Anong klase akong asawa…para ipagtabuyan ang asawa ko, ang babaeng mahal na mahal ko?
“F*ck!”
“Kahit magsisisi ka, Davil…hinding hindi mo na mapapawi ang sakit na pinaramdam mo sa kaibigan ko. Sobrang bait niya, mapagmahal…mapagbigay. Deserve niya lahat ng best sa mundo! Pero anong ginawa ninyo sa kaniya? Sinaktan niyo lang siya!”
Parang unti-unting nanghina ang tuhod ko. I just found myself kneeling on the ground…nagsisisi.
“Nangako ako sa kaniya na wala akong pagsasabihan nito…pero, Davil.”
My vision got blurry because of the unshed tears.
“Sa pagkakataong ito, hindi lang siya ang sinaktan at pinahirapan niyo…kundi pati na rin ang batang dinadala niya sa sinapupunan niya.”
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.