Warning: Mature content/R-18
Kabanata 5: Heart’s Pov
“Aw…” mahinang bulong ko nang kumirot ang nasa pagitan ko matapos kong mapaupo.
Sa katunayan ay kanina ko pa ito iniinda, pagkalabas ko pa lang ng opisina ng bakunawa na iyon!
Ang tanga ko naman. Bumigay ako agad. Ni hindi ko alam kung totoo ba ang mga matatamis na salita na sinasabi ng bakunawa na iyon sa akin! Pero kahit na, totoo man iyon o hindi…hindi pa rin dapat ako bumigay agad!
Hirap sa’yo Heart, kunting landi lang ng bakunawa na iyon ay nanghihina ka na tila hinihipnotismo niya!
Asik ko sa sarili. Tsk! Hindi na ako ulit bibigay. Matigang siya!
Hiniga ko ang katawan sa kama. Kailangan ko talaga ng pahinga. Kailangan ng katawan ko ng pahinga.
Sa pagpikit ko ay biglang nag-play sa utak ko ang nangyari kanina sa opis. Agad akong napadilat. Tsk!
Ang sakit na nga ng pagitan ng hita ko dahil sa pagiging marahas ng bakunawa na iyon ay matagal pa akong nakaupo kanina dahil sa klase. Kaya ngayon ay sobrang sakit talaga. Mahapdi.
Wala na sa loob ko ang ahas ng bakunawa pero pakiramdam ko ay naroon pa rin dahil sa pananakit. Hindi talaga biro ang unang experience.
Uminit ang buong mukha ko dahil sa mga naiisip. Umiling iling ako.
Nagising ang diwa ko sa marahang pagdampi ng hininga sa pisngi ko, gano’n din ang magaan na pagpatak ng malambot na akong ano sa labi ko.
Mabilis akong napadilat. Bumungad sa akin ang mukha ni Davil. Halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. At ang bakunawa, wala yatang balak na ilayo ang mukha sa akin.
Tinulak ko siya. Kumirot ang pempem ko sa biglang pag-upo. Tinaliman ko ng tingin si Davil na ngayon ay parang baliw na nakangiti sa akin.
“Manyak!” akusa ko. “Pinagbabalakan mo ‘ko kahit tulog ako, ‘no!”
Tumaas lang ang isang kilay niya sa akin at pinagmamasdan ako.
“Kahit hindi mo pa aminin, alam ko na naman na,” sabi ko pa.
“Baby, after we’ve done at my office, iniisip mo pa talaga na pagsamantalahan ka nang ‘di ka nagmamalay?”
Sinamaan ko siya ng tingin.
He chuckled. “I know naman na bibigay ka kahit gising na gising ka. Kunting haplos ko pa lang nga ay kulang na lang na ipagsigawan mo na angkinin kita,” aniya.
Huh! Apaka taas ng tingin niya sa sarili niya!
“Hindi na ‘yon mauulit,” sabi ko.
Ngumisi lang siya. Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko. Hindi ko man makita ang mukha ko ay alam ko ng namumula ito ngayon.
“Anong bang ginagawa mo rito?” pag-iiba ko sa usapan.
“Hello? Anong ginagawa ko rito? Malamang, kwarto natin itong pareho,” sabi ko.
Oo nga pala…
Bumaba siya ng kama at lumapit sa tabi ko inabot niya ang kamay sa akin. Tiningnan ko lang iyon.
“Dumating na ‘yong pina-deliver ko. We have to eat first before we go to sleep. Hindi tayo p’wedeng matulog ng gutom.”
“B-busog pa ako,” sabi ko at umiwas ng tingin.
Please Lord…kahit ngayon lang po huhu ayaw kong makasabay ang lalaki sa pagkain. Kapag kaharap ko siya ay naaalala ko ang nangyari sa opisina niya. Pinamumulahan ako ng mukha kapag naalala iyon. Baka isipin pa ng diyablo na ito ay in love ako sa kaniya.
No way!
“Tsk, pakipot pa,” mahina pa siyang natawa.
“Kung nagugutom ka, kumain ka na lang doon. Ako, hindi pa ako gutom,” sabi ko.
“No. Gusto kong sabay tayo kumain. Baby, don’t lie to me. I know you are hungry.”
Hindi ko siya kinibo at pinanatili ang tingin sa labas ng balkonahe. Sa totoo niyan ay gusto kong manatili rito sa malambot na kama. Tila nililisan kasi nito ang sakit na nararamdaman ko sa pagkababae ko hanggang ngayon.
“May sumasakit ba sa’yo?” mapaglarong saad niya.
Agh! Kunti pa Mr. Santillan at ihihiwalay ko sa talong mo ‘yang dalawa mong eklog!
Kainis! Ang lakas mang-asar.
“Come on. Kailangan mong kumain bago bumalik sa pagtulog.”
“Busog pa nga ako,” sabi ko.
Naramdaman ko ang pagyuko ng lalaki sa tabi ko. Ang kamay niya ay tinuon niya sa kabila kong tabi at ang isa ay nasa kabila, tila kinukulong ako. Halos mabali na ang leeg ko sa pananatili kong tingin sa balkonahe. Sigurado kasing kapag nilingon ko ang lalaki ay magkakauntogan kami.
Lumapit kasi ang bakunawa!
Naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko. Argh! Ang landi talaga!
“Kakain ka o bubusugin kita ng siyam na buwan? Paniguradong lalaki ang tiyan mong iyon sa pagkabusog.”
Mariin akong napapikit. Pigil ang inis na binalingan ko siya. Sinamaan ko siya agad ng tingin.
“Ano?” paghahamon niya. “Gatas lang iyon, pero mabubusog ka ng siyam na buwan. Gusto mo ‘yon?”
Natutop ko ang labi. Habang ang lalaki ay pigil na pigil na humalakhak. Ayan, panalo na naman siya sa pang-aasar.
“Ano? Busog ka pa ba? Hindi kana kakain?”
“K-kakain na…”
Malawak siyang napangisi. Akala ko ay lalayo na siya, pero napahiyaw na lang ako nang bigla niya akong binuhat paalis sa kama.
“Alam kong masakit pa rin ang gitna mo kaya hindi na kita palalakarin,” aniya.
Namula ang buong mukha ko dahil tama naman siya. Iniwas ko na lang ang tingin sa lalaki at hinayaan siyang buhatin ko. Para naman akong bata na lihim na natutuwa dahil buhat-buhat ako.
“I’m sorry, my queen, if my swords hurt you. Kauusapin ko ang sandata ko na hindi ka na saktan sa susunod.”
Sa pag-iinit ng mukha ay nasapak ko ang dibdib ng lalaki.
Oo na nga! Talo na ako, panalo na siya. Siya na ang hari ng pang-aasar!
“S-subukan mo lang na ulitin iyon ulit,” saad ko.
“Mauulit talaga iyon ulit, kasi hindi pa naman tapos ang digmaan,” sabi niya at nginisihan ako. “Magsungit ka pa sa’kin at sisiguraduhin kong mauulit ulit ang madugong digmaan.”
Oh my digmaan. ‘Wag niya lang talagang hintayin na magkroon ako ng semento at siguradong sesementohin ko sandata niya!
To be continued…..
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.