Mature content/R-18
Kabanata 35: Lovely Pov
I’m the best! Always in all ways.
Hindi maalis alis ang malawak na ngiti ko sa labi.
“Hay…kunti na lang, Lovely. Success ka na,” sabi ko sa sarili habang sinusuklayan ang buhok sa harap ng salamin.
Akala siguro ng inggitera kong kapatid titigilan ko na siya. Hindi niya alam na hindi ako titigil hangga’t hindi napapasakin si Davil. Nasaktan man ako no’ng madatnan ko sila sa bahay nila na sobrang sweet sa isa’t isa, dahil nagkabati…gagawin ko pa rin ang lahat hanggang sa magkahiwalay sila.
Mahal ko na talaga si Davil. At ang sabi nga, kapag mahal mo ipaglaban mo…kaya iyon ang ginagawa ko. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko.
“Hello, kilala mo ba si Heart Salazar?” nakangiting tanong ko sa isang estudyante.
Nanlaki ang mata ng babae nang makita ako. “Oh my…bakit po?”
Tinamisan ko ang ngiti lalo na’t nabakasan ko ng paghanga ang reaksyon niya.
“Ako ang ate niya, asawa ni sir Davil niyo.”
“A-alam ko po! I mean…alam ng lahat na ikaw po ang asawa ni sir Davil. Si Heart Salazar po ay hindi ko po kaklase pero kilala ko,” sabi niya.
Hindi ko inaalis ang ngiti sa labi. Mas lumawak pa nga nang sinabi niyang alam ng lahat na ako ang asawa ni Davil. Sa totoo kasi ay pinagkalat ko iyon. Gumawa ako ng dummy account at nag-add sa mga nakilala kong may lihim na pagtingin kay Davil. Prinivate message ko sila hanggang sa ayon…ang galing ko talaga.
“Ahm…can I have a favor?”
“Sure! Sure po!” Sobrang lawak na rin ng ngiti niya.
Inabot ko ang iphone 15 pro max fully paid ko sa kaniya.
“P’wede mo bang kunan kami ng video ng kapatid ko? Gusto ko lang ng ebidensya. Eh kasi…nilalandi ni Heart ang asawa ko. Mahal na mahal ko si Davil, actually ikakasal pa lang kami…kaya ayaw ko sanang magka-problema, ayaw kong tuluyang masira ng kapatid ko ang kasal namin.”
Tinuyo ko kunwari ang namasa kong mata. Natubuan ng awa ang babae.
“Can you help me, please? Estudyante ka rin ba ni Davil? Ako ang bahala sa grades mo. Kung gusto mo sabihin ko kay Davil na gawin kang Summa Cum Laude?”
“Talaga po?!” hindi makapaniwala niyang sabi, bahid ang galak.
“Oo! Ako ang bahala sa’yo!”
And that’s it. Kinunan niya ng video ang buong pangyayari. Pero nicut ko ‘yon at pinost sa dummy account ko. I pretend na isa ako sa mga fans ni Davil, at ako ang nakatuklas kunwari.
Pero sa tingin ko ay kulang pa. Nagawa ko ng paniwalain ang mga schoolmates ng kapatid ko. Pero may isa pa…si Davil na lang talaga. Siya na lang ang kailangan kong mapaniwala. Dahil sa kaniya magmumula ang desisyong hiwalayan.
“Aha…may lalaki pala ang kapatid ko, ah. Sino sa atin ngayon ang makati,” sambit ko nang makita ang kapatid kong nakayakap sa lalaki.
Kinunan ko ng picture ang moment nilang iyon sa magandang anggulo. Sa anggulong magmumukha talaga silang mag-nobyo.
Hiningi ko kay Mama ang cellphone number ni Mamita para hingin ang number ni Davil.
“Salamat, Mamita! You are the best po talaga!”
“You are always welcome, my Lovely apo.”
“See you soon, Mamita!”
Sigurado ‘yan, dahil for sure…isa sa mga darating na araw ay makakapunta ako sa bahay ni Mamita para hingin ang kamay ng panganay niyang apo.
Kung hindi hihingin ni Davil ang kamay ko kay Mama, edi ako ang hihingi ng kamay niya kay Mamita! At kapag nangyari iyon…bubuo kami ng masayang pamilya!
“Mama, may good news ako sa’yo,” sabi ko kay Mama nang lumabas ako ng kwarto.
“What is it? Mukhang masaya ka ngayon, ah.”
“Syempre po! Kasi…hindi magtatagal baka ikasal na kami ni Davil.”
“Eh paano si Heart?”
“Hmm…edi gagawin ko nalang maid namin ni Davil sa mansion. Para naman may silbi siya,” sabi ko.
“Good idea, Lovely. Kaya mahal na mahal kita, e. Mas malawak Ang pag-iisip mo kay sa kapatid mo.”
“Mahal din kita, Ma. You are the best!”
Ngayon, Heart…magdusa ka. Kung binigay mo na lang kasi sana sa’kin agad si Davil, edi sana hindi mo na nararanasan ang mga paghihirap mo ngayon? Hahaha.
Pagbabayarin ko siya sa pagkalaban sa akin. Humanda ka, Heart.
To be continued....
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.