Kabanata 32 (Warning)

5.6K 94 3
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 32: Heart’s Pov

Umaambon na ng maisipan kong tumayo mula sa duyan na kinauupuan ko.

Wala sa ayos ang takbo ng utak ko ngayon dahil sa nalaman. Tinaguan ko si Harvin at dito tumungo sa park. Sa dami ng mga nangyari ngayong araw…hindi ko alam kung alin ang unang susolusyonan ko.

Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ambon. Binilisan ko ang paglakad para hindi abutan ng malakas na ulan.

“Manong, sa labas lang po ng Santillans’ Village,” sabi ko sa driver ng tricycle na pinara ko.

Sumakay na ako sa loob. Habang nasa byahe ay lumilipad pa rin ang isipan ko.

Hinaplos ko ang tiyan kong may maliit ng bukol. “I’m sorry, baby…masyadong naging padalos dalos ang mga kilos ko nitong mga nagdaang araw. Salamat at kumakapit ka.”

Kung maaga ko bang nalaman ito ay aabot pa kaya kami sa sitwasyong ito?

Nasa gano’n akong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko iyon sa loob ng bag at sinagot ang incoming call ni Ali.

“A-ali? Kumusta ka?”

“Girl, I’m alright! Ikaw ang kumusta? Nakita ko si Harvin, nagkita raw kayo at bigla kang nawala,” aniya.

“Pauwi na ako, Ali…”

“Okay, okay, I’ll tell him. So ano? Kumusta ka? Nalaman ko iyong nangyari sa school kanina! Pinanood ko ‘yon video, kung sa mata ng lahat ikaw ang masama roon–pwes para sa akin ikaw ang mabuti.”

Huminga ako nang malalim. “’Wag kang mag-alala ayos lang ako. At Ali…may sasabihin ulit ako sa’yong importante kapag nagkita tayo,” sabi ko.

“Gusto mo ngayon?”

“Ah hindi. Magpahinga ka muna,” sabi ko.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. “Ikaw ang bahala. Basta tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong ha. Nandito lang ako.”

“Salamat, Ali…”

“Sige na. Magpahinga ka pagkauwi mo. ‘Wag mo ng masyadong isipin ang video na ‘yon, ako na ang bahala roon.”

Napasandal ako sa sandalan nang patayin ang tawag.

“Ma’am, nandito na po tayo,” sabi ni manong.

Napabangon ako. Inabot ko ang bayad sa kaniya at bumaba na. Ang ambot ay hindi pa rin tumigil, hindi pa naman malakas. Pero tingin ko ay maya-maya lang ay bubuhos na ang malakas na ulan, wala na kasing makitang bituin at pati buwan ay natabunan na.

Binilisan ko ang paglakad bago pa abutin ng ulan.

“Phew! Mabuti na lang nakarating na ako…” usal ko.

Malakas na bumuhos ang ulan nang makaapak na ako sa mansion. Ngunit natigilan ako nang makita ang mga gamit kong nakakalat sa sahig.

Nangunot ang noo ko. Napalinga ako at hinanap ng tingin si Davil. Nakaupo siya sa couch…nakayuko sa mga palad niya habang nakatukod ang siko sa tuhod niya.

“Davil?” saad ko.

Umangat ang tingin niya sa akin. Lalong nangunot ang noo ko nang mapansing namumula ang mga mata niya. Napahakbang ako paatras nang marahas siyang tumayo at mabibilis ang hakbang palapit sa akin.

“Anong oras na. Saan ka galing?” he said dangerously.

Parang hindi ang kilala kong Davil ang nasa harap ko ngayon. Galit na galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Umiigting ang bagang na para bang dudurugin ako.

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now