Mature content/R-18
Kabanata 16: Heart’s Pov
“Joke lang! S’yempre I care! Kapatid ko ‘yan, e,” ani ate na malawak nang nakangiti ngayon.
“Have you eaten? Inuwi ko na lang ‘yong pina-deliver ko kanina,” ani Davil na hindi pinapansin ang ate ko.
Nakalapit na ngayon ang ate ko. Hindi ako gumawa ng kahit anong reaksyon nang yakapin niya ako.
“Kumusta ang pag-aaral, Heart? ‘Wag mong pini-pressure ang sarili mo ah. Alagaan mo rin ang sarili mo,” sabi ni ate.
Kinurot niya muna ang likuran ko bago bumitaw sa yakap. Pinanlakihan niya ako ng mata.
“S-salamat, ate,” pilit na ngiti ang ginawad ko sa kaniya.
Nginitian ko rin si Davil.
“Ahm…Davil? P’wede ko muna bang hiramin saglit ang kapatid ko?”
“Kung gusto niya,” sagot ni Davil na nasa akin pa rin ang tingin.
Gumapang sa likod ng baywang ko ang braso niya. Bahagya kong tinulak ang dibdib niya ipang matingala ko siya.
“Ah, Davil, ewan mo muna kami. Magbihis ka na muna. Ako na ang bahalang mag-prepare sa inuwi mong pagkain,” sabi ko.
He smiled at me. “Okay, if you say so.” Hinalikan pa niya ako sa pisngi bago umalis.
Nang mawala si Davil sa paningin namin hinarap ako nang maayos ni ate. Bakas sa hitsura niya ang pigil na galit at inggit.
“Sumosobra ka na ‘ata, aking kapatid,” aniya. “Nasa marangyang buhay ka na nga, may mayaman pang asawa, at malambing pa sa’yo. I think, hindi mo ito deserve. Mas deserve ko ang kung anong meron ka ngayon.”
Napaatras ako nangitulak ng hintuturo niya ang balikat ko. Medyo kumirot iyon dahil sa talas ng kuko niyang bagong polish.
“Bakit hindi tayo maging patas ngayon? Sa’yo ang karangyaan ng buhay ni Davil, pero dapat sa’kin siya at ang kayamanan niya. Ano sa tingin mo?”
Nagtiim ang bagang ko. Gusto kong manlaban pero ang bibig ko nananatiling nakatikom.
“Bakit ko pa nga ba hinihingi ang opinyon mo, kung gagawin mo naman lahat ng gusto kong gawin mo, ‘di ba?” bahagya pa siyang tumawa. “Pero hahayaan muna kita ngayon. Hahayaan kitang enjoy-in ang pagkabaliw niya sa’yo, dahil kapag dumating ang araw ko…ako ang papalit sa posisyon mo.”
“Lahat na lang ba, ate?” pigil na emosyong usal ko.
Tumaas ang isang kilay niya sa akin.
“Lahat na lang ba dapat sa’yo lang? Si Mama…na dapat sa’kin din, pero buong atensiyon niya ay nasa sa’yo lang. Hindi pa ba sapat sa’yo si Mama para pati buhay ko ngayon, papasukin mo?”
“Ang kapal ng mukha mong sabihin ‘yan,” galit na sabi niya.
Muli akong napaatras nang itulak na niya ang balikat ko. Hindi na niya dinuro-duro, tinulak na niya.
“Sumosobra ka na talaga. Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa amin ni Mama ay wala ka sa mansion na ito ngayon. Napaka-makasarili mo talaga!”
Ha? Ako pa talaga ang naging makasarili….
Napaatras akong muli ng muli niyang itulak.
“Tandaan mo ito, Heart. Na kung hindi dahil sa amin ni Mama, hindi bubuti ang buhay mo. Kaya magkaroon ka naman ng utang na loob sa amin! Ang kapal ng mukha mo!”
Hindi ko na napigilan ang paglabasan ng mga luha sa grabeng sakit ng mga salita niya. Tagos na tagos sa dibdib ko ang mga sinasabi niya.
Parang pati sarili ko, kinaayawan ko na rin. Ganito na ba ako kawalang kwenta?
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.