Wakas

8.9K 240 49
                                    

Wakas

Davil’s Pov


Heart is my everything. Kung wala siya, wala na ring ako. She’s my strenght, also my weakness. Sa kaniya na nagmumula ang lahat ng lakas ko. Manghihina ako kapag tumigil siya sa pagmamahal sa akin.

Patitibokin ko ang puso niya katulad ng kung pa’no tumibok ang puso ko para sa kaniya.

Hindi ko makakayang mawala siya. Mas lalong hindi ko kakayanin na mawala ako sa kaniya. Ayaw ko na siyang makitang umiyak ulit nang umiyak dahil nawala na naman ang isang importanteng tao sa buhay kaniya.

“Sir, dumating na po ang pina-deliver niyong strawberry pink,” salubong sa akin ng p.a ko.

Katatapos lang ng dalawang meeting ko. 7:43 p.m na. Iilang project na lang naman ang pipirmahan ko kaya tatapusin ko na.

“Nakauwi ba ng maayos ang Asawa ko?” I asked seriously.

“Yes, sir.”

Pagpasok ko ng opisina ay naroon na ang pina-deliver ko. Naalala ko agad ang asawa sa strawberries na ‘to. Ang babaeng ‘yon, ang lakas ng tama. Alam ng buntis ay kumaldag kaldag pa. At sinong inaasahan niyang papasok doon? Malamang ang personal assistant ko.

“Hello?”

“Sir, this is Jason from Krystal’s Jewelry.”

Napaayos ako ng upo sa swivel chair ko. “Kumusta ang pinagagawa ko?”

“Tapos na po namin. Ipade-deliver na po namin today–,”

“Kailan ang dating niyan dito sa Pilipinas?”

Nagpagawa ako ng engagement ring sa isang sikat na jewelry store sa France. Isang filipino ang humahawak sa branch na pinagawan ko.

“Two days–,”

“I want to deliver that until tomorrow morning,” sabi ko.

“But, sir–,”

“Magpapadala ako ng kukuha. I need that engagement ring tomorrow morning.”

“Okay, sir, if that’s what you want.”

“I’ll give this call to my secretary.” Binigay ko sa secretary ko ang cellphone para silang dalawa na ang mag-usap. “Make sure na nasa akin na ang engagement ring na ‘yan bukas ng umaga.”
“Makakaasa kayo, Mr. Santillan.”

I was driving on my way home. Sinusulyap sulyapan ko ang strawberries at bulaklak na pasalubong ko sa asawa. Binilhan ko rin ng pasalubong ang mga anak ko. Nakakita ako ng cute na maliit na umbrella kanina, binili ko para paglabas ni baby ay hindi siya mababasa ng ulan.

Sa pag-angat ko ng tingin sa daan ay may mabilis na motorsiklo ang makakasalubong ko. Inikot ko agad pa-kanan ang sasakyan ko. Hindi ko napansin ang poste na gawa sa semento kaya sumalpok ako. But thank God, dahil wala namang masamang nangyari sa akin.

Nagising ako ng madaling araw. Nakita ko ang asawa kong nakahiga sa sofa. Nagising si Lola at agad akong kinumusta.

“Bukas ay susunduin niya si Kendrick sa school,” ani Lola.

Hindi ko na pinagising ang asawa ko dahil tulog na tulog.

“Okay na naman na po kayo. P’wede na po kayong makalabas bukas. ‘Wag niyo lang kakaligtaan na inumin ang gamot ninyo para mas mapabilis ang paggaling ng mga sugat niyo,” sabi ng doktor.

Pagkaalis ng doktor at ng nurse na nag-check sa akin ay siya namang pagpasok ng secretary ko, dala ang singsing.

“Help me prepare for my proposal tomorrow. I can’t do it alone with my situation right now.”

“No worries, apo. Tutulungan ka namin.”

Hindi ko inaasahan na magagawa ko ng maayos ang pag-acting ko na hindi siya naaalala.

The way she introduced herself. “Asawa mo ako…” my heart melted.

Yes, baby, you’re my wife. But I have to pretend. Nilabanan ko ang nararamdaman ko. Pigil na pigil ko ang sarili na patigilin na ang kalukuhang ito.

I hope God still forgive me for making my wife cry. I promise to Him, huli na ito.

“Tingin mo, magiging engineer pa kaya ako?”

“Of course.”

Sa pagiging top student pa lang niya noon sa subject ko, nakita ko na na may potential siya. Gano’n talaga kapag pinapangarap mong maabot ang isang bagay, kailangan mong paghirapan, at kailangan mong pag-aralan.

I can help her with anything she wants. I can provide her with everything she needs. I will support her always.

Kahit ako minsan ang nagpupuyat para sa baby namin, okay lang. Kahit pagod ako sa trabaho, ayos lang. Gusto ko rin na inaalagaan ang anak ko kahit may baby sitter siya. Kung minsan pa ay sinasama ko siya sa opisina.

Ayos lang sa akin lahat. I’m not selfish. Hindi lang ang mga pangarap ko ang gusto kong matupad, gusto ko ring matupad ng asawa ko ang mga pangarap niya. Hindi naman niya kami pinapabayaan kahit sobrang busy niya. Nasa tabi pa rin namin siya palagi, at malapit pa rin siya sa amin.

Nasaksihan ko ang hirap ng pagiging ina. I respect her more. I respect her as a woman, as a my wife, and as the mother of my children. I will love her until the end.

“Papa, I’m so excited.”

“Daddy, bakit pa nila pararangalan eh kayang kaya naman ng pera natin na pagawan siya ng gano’ng parangal?” inosenteng tanong ng bunso namin.

“Veil, hindi mo pa ‘yun maiintindihan ngayon,” sabi ng kuya niya.

Pinunasan ko ang nagkalat na sauce ng spaghetti sa tabi ng bibig anak ko.

“Edi ipaintindi niyo na sa akin ngayon, Kuya.”

“Baby, let’s talk about that later, okay? Ubusin na natin ‘tong pagkain bago pa tayo ma-late sa recognition ni Mommy niyo.”

Last week natapos ang kontrata ni Heart sa Australia. Isa siya sa mga kinuhang engineer sa pagpapatayo ng isa sa pinakamalaking mall sa mundo. At ngayong araw ay magiging speaker siya ng university, sa graduation ngayong araw.

Umupo kaming tatlo sa unahan. Gumuhit ang proud na ngiti sa labi ko nang tawagin ang pangalan ng asawa ko as speaker.

“Engr. Heart Salazar–Santillan!”

Hindi nagpahuli ang mga anak ko sa pagpalakpak.

Naging mahirap man ang mundo sa amin noon, nagawan pa rin namin ng daan para maging matatag kami at nakaabot sa ganitong buhay namin ngayon.

She didn’t failed to make me fall for her harder. Palagi niya akong pinapahanga sa mga ginagawa niya.

She’s Heart Salazar Santillan, my wife, the mother of my children. My lifesaver. And I am always proud of her.

I am proudly to let everyone know that the girl speaking motivational in front of everyone…is my wife, my engineer.

My wife is not just a good daughter, sister, friend, and engineer. She’s also the best wife, and mother to my children.

This is Professor Davil Josh Santillan, taking his eyeglasses off... I am now signing off.

The End.

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now