Kabanata 52: Heart’s Pov
“Luto na ang almusal. Kumain na tayo,” malakas kong sabi sa mag-ama para marinig nila.
Kanina pagkagising nila ay nagpaalam sila na maliligo ng dagat. Hindi naman malayo ang dagat sa bahay, tanaw na tanaw nga.
“Let’s go, princess. Pinaaahon na tayo ng reyna,” dinig kong sabi ni Davil.
Nakasakay sa balikat niya si Kendrick na tuwang-tuwa.
Hindi ko naiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanila. Parang kailangan lang…
Hinintay ko silang makalapit sa akin bago tinalikuran pauwi sa bahay.
“Mama, where are you going?”
“Uuwi na tayo, mag-aalmusal,” sabi ko.
“What?” Hindi ko sila nilingon at nagtuloy tuloy. “Daddy, go, go, get her.”
Nilingon ko ang dalawa dahil sa pagbubulong bulong ni Kendrick na mukhang may binabalak. Nanlaki na lang ang mata ko nang umangat ako sa ere.
“D-davil, put m down!”
Imbes na sundin ako ay tatawa tawa niya lang akong binaliwala at pumihit pabalik sa dagat. Umawang ang labi ko at lalong nanlaki ang mata. Alam ko na ang susunod na mangyayari.
Hindi nga ako nagkakamali. Kahit anong pagkawala ang ginawa ko para makaalis sa pagba-bride style niyang buhat sa akin ay nadala pa rin ako ng mag-ama sa dagat.
Malamig na ang pagkain sa lamesa nang madatnan namin. Pinagbanlaw ko muna ang dalawa para mainit ko ang almusal namin, pagkatapos ay ako na ang nagbanlaw.
“Mama, p’wede ba tayong sumama kay Daddy pag-uwi niya?”
Napatingin ako kay Davil.
Sa dami ng mga nangyari nitong nakaraan ay nakalimutan ko ng may kailangan pa palang balikan si Davil. Nawala sa isip ko ang tungkol sa lugar na babalikan niya at ng mga tao roon. Sobra na naman akong nakampante. Nasasanay na naman ako na nandito lang siya sa tabi ko.
“Ahm, hindi ko p’wedeng iwan ang tahian at bahay, anak, eh. ‘Tsaka…”
Hindi ko alam kung anong idadahilan. Tila nablangko ang isipan ko na halos wala akong makapkap na paliwanag.
“’Tsaka may pasok ka pa.”
“Eh sa bakasyon po?”
“Let’s see, anak. Wala namang problema kung hindi pa kayo free ngayon. Babalik pa naman ako rito,” sabi ni Davil.
“Tingnan natin sa bakasyon mo,” hindi pa rin siguradong sagot ko.
“Three months pa bago ang bakasyon namin. Matagal pa pala, Mama. I want to meet Lola and Papa’s brother.”
“Eh, anak, hindi kasi natin p’wedeng iwan itong bahay at patahian.”
Hindi na siya nagsalita pa. Dama ko ang sama ng loob na kinukubli niya sa loob. Wala na rin siyang gana sa pagkain.
“Wala ka bang nami-miss sa lugar ni Papa, Mama? Kinalimutan mo na po ba talaga ang mga iniwan mo roon?” saad niya maya-maya.
Ako ngayon ang hindi nakapagsalita.
“Drick, hindi ‘yan ang ibig sabihin ng Mama mo. Hintayin natin siya ang magdesisyon,” singit ni Davil.
“But, Papa. Sabi nga ni Mama, hindi namin p’wedeng iwan itong bahay at patahian. So kahit pala magbakasyon na, hindi ko pa rin mami-meet sila Lola…” bahid ng lungkot na sagot ni Kendrick.
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.