Kabanata 44: Davil’s Pov
Nagising ako sa sobrang tahimik na silid. Iginala ko ang paningin sa paligid subalit wala akong makita na kasama ko.
Pinindot ko ang red button na nasa tabi ng kama ko. Hindi nagtagal ay may pumasok na nurse, napatigil pa siya ngunit agad napangiti.
“Sandali lang po, ah, tawagin ko lang po si doc,” aniya.
Sa muling pagbabalik niya ay kasama niya na nga ang doctor at isa pang nurse. Habang sinasabi nila ang mga kailangan ko ay inisip ko naman kung bakit ako narito.
“Doc, what happened? Bakit ako nandito?” tanong ko.
“You had an accident, at ngayon ka lang nagkamalay…after almost six years.”
Six…what?
“Six years?!” gulat at bigong sabi ko.
Tumango tango siya. “Ngayong nagkamalay ka na, pagkatapos lang ng tatlong araw ay maaari ka ng umuwi.”
Nakaalis na ang Doctor ay naiwan pa rin akong nakatulala…pinoproseso ang mga sinabi ng manggagamot.
What the f*ck! That’s too much to waste! Bakit ako hinayaang makatulog ng gano’ng katagal? Sana…kasama ko na ngayon ang pamilya ko. Edi sana…nakakapiling ko na ngayon ang mag-ina ko.
May tatlong araw pa raw akong pananatili rito for recovery. Pero pakiramdam ko ay okay na ako, wala ng masakit, malakas na ako.
Sa pagdating lang din nila Lola ay inaya ko na rin silang umuwi. Hindi ako pinapayagan ng doctor, pero nang abutan ko ng pera ay saka pumayag.
“Apo, magpagaling ka muna. ‘Wag kilos nang kilos,” saway sa akin ni Lola matapos akong madatnan sa kwarto ko na nagiimpake.
“Maayos na po ako, Lola. Kaya ko na po.”
“Pero, apo, baka ka naman mapasama niyan.”
Umiling lang ako. “La, don’t worry about me. Kailangan kong matagpuan ang mag-ina ko.”
“I know naman apo, kahit ako hindi na makapaghintay. But I tried to look for them, pero hindi ko rin sila matagpuan.”
“At hindi ibig sabihin niyan, Lola, na hindi ko na rin sila matatagpuan,” sabi ko.
No. Hindi maaari. Hindi ako titigil sa paghahanap sa kanila.
“Anyway, Lola…about her mother and sister.”
“Sinabi sa akin lahat ng assistant mo ang tungkol sa kanila. Simula noong gawin ko ang gusto mo, nawalan na ako ng balita tungkol sa kanila.”
Umigting ang bagang ko. Hinding hindi ko pa rin makakalimutan ang mga ginawa nila sa asawa ko at sa pangloloko sa pamilya ko.
“Hindi niyo man lang ba inalam kung saan sila pupulutin ngayon?”
“Apo, I understand your anger. Pero…hayaan na natin sila. Basta, ang huling balita ko two years ago…pinaalis sila ng kinauutangan nila sa bahay na binigay natin sa kanila, bilang pambayad. At magmula noon, wala na akong balita.”
Napatango tango ako. Magandang balita na rin iyon.
“Alis na ‘ko, La. Take care here, hindi ko po alam kung kailan ako makakabalik.”
Sobrang laki ng pagkakamaling ginawa ko. Hindi ako mabubuhay nang hindi napapatawad ng babaeng mahal ko. Kung matagpuan ko man sila at ayaw na talaga akong tanggapin, tatanggapin ko…pero kahit man lang sana matanaw ko sila sa malayo, okay na ako. Gusto ko lang na makita silang maayos.
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.