Kabanata 57: Heart’s Pov
Malaki rin ang naging impak sa akin ng sinabi ni Mama sa sulat. Nasaktan ako, pero mas nakilala ko ang sarili ko. Mas tinanggap at pinahalagahan ko ang sarili ko.
Hindi na importante ‘yung mga nangyari noon.
Hindi lang naman sa pag-amin ng totoo ang nilalaman ng sulat ni Mama. Sinasabi niya rin doon kung gaano siya nagsisisi sa mga ginawa nila, hindi lang sa akin kundi sa pamilya namin. Pinatawad ko na siya, at kinalimutan ang sulat. Pero may mga salitang tumatak sa utak ko.
“Mahal na mahal kita, Heart. Hindi ko naiparamdam sa’yo dahil sa tuwing yayakapin kita…naaalala ko ang ginawang kahayupan sa akin noon ng tatay mo.”
Anak niya ako sa pagkakamali niya. Sa pagkakamali niyang sumama sa tatay ko naitanan siya, nang hindi niya lubos na kilala ang lalaki. Nabuo ako…sa hindi maayos na paggawa. Pinilit siya ng lalaki, katulong…ang dalawa nitong kaibigan.
Dapat kinakalimutan na ang masasamang ala-ala. At iyon ang gagawin ko, para sa mga taong mahal ko. Para sa pamilya ko.
Nagising ako sa pakiramdam na parang gusto kong magtayo ng bahay at gusali. Parang na-miss ko ang pakiramdam na gumuhit ng pagdedesinyo ng bahay. Gusto kong maging engineer bigla katulad ng pangarap ko.
“Huh?”
Napansin ko ang pagbabago ng kulay ng mga kurtina pati ang ilang gamit na dating kulay light brown.
Nagkibit balikat ako, baka pinagtripan na naman ng anak ko at pinalitan ng kulay pula na may puso-puso.
Lumabas ako ng kwarto na tanging maikling short na panipis at white long sleeve ang suot. Nami-miss ko na ang paggising ko na agad kikilos papuntang patahian. Nami-miss ko ng mag-gansilyo.
Ang dami ko namang nami-miss.
“Hi. Good morning, my lady.”
Ang nakangiting si Davil na nakaabang sa akin sa baba ng hakbang. Kakaiba rin ang ngiti niya ngayon.
“Si Kendrick? Pumasok na ba?”
“Hindi po siya pumasok,” sagot niya.
Inabot niya ang kamay ko nang makalapit na ako sa kaniya. Pinatakan niya ng halik ang likod ng palad ko.
“Ha? Bakit? May sakit ba siya? Masama ba ang pakiramdam niya?” nag-aalala ako agad.
May biglang sumalpok sa baywang ko at niyakap ng maikling braso. “Maayos na maayos po ako, Mama!”
“Bakit hindi ka pumasok? Ayaw mo ba sa school mo? May nambu-bully ba sa’yo?”
“Mama, relax lang po. Wala pong nambu-bully sa akin,” sabi niya habang hinahatak ako papuntang dining room.
Nilingon ko si Davil na hanggang ngayon ay hindi naaalis ang ngiti sa labi habang nakasunod sa amin. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan.
“Sa tingin mo, hindi ba nagsisinungaling ang anak natin?” mahinang tanong ko. “Baka may nambu-bully sa kaniya, ayaw niya lang sabihin?”
“Relax, baby. Stop stressing yourself, makakasama ‘yan sa baby sabi ni doc. Don’t worry about Kendrick. Pinamo-monitor ko naman siya.”
Nakahinga ako nang maluwag luwag doon.
“Nagkukulang na ba ako sa anak natin, Davil?” nangangambang tanong ko.
“Shh. Hindi ka nagkukulang. ‘Wag kang mag-isip ng mga ganiyan. Everything is going to be alright. Birthday na birthday mo oh–oh sh*t.”
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.