Kabanata 8 (Warning)

9.1K 140 1
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 8: Heart’s Pov

Magdidilim na ng makarating ako sa bagong bahay nila Mama. Sasamahan pa sana ako ni Ali, kasi malapit lang din ang bahay nila rito, pero hindi ko na pinayagan dahil gabi na rin.

Hindi itong bahay na ito ang kinalakihan ko. Bago ito, binili no’ng ikasal kami ni Davil. Pero ang akala ng lahat dito ay may kapatid lang si Mama na nag-abroad kaya nakagawa ng ganitong bahay at makapagbayad sa mga utang.

Walang ibang nakakaalam na kinasal ako sa mayaman kaya wala silang ideya.

Pagpasok ko sa bahay ay natigilan si Mama sa pag-akyat sa hagdan nang makita ako.

“Anong ginagawa mo rito? Ang asawa mo kasama mo ba?”

Binaliwala ko ang unang tanong ni Mama. “Ako lang mag-isa, Ma.”

Tumalim ang tingin niya sa akin at lalong nangunot ang noo. Bumaba siya para lapitan ako.

“Bakit ka narito? Kung wala kang mahalagang sadya rito, umuwi ka na.”

Binaliwala ko ang tila mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko.

“Bawal na ba akong pumunta rito?”

“Aba! Tinatanong mo pa ‘yan? Hindi ka pa ba nakontento sa malaking mansion mo ngayon? Ano, may balak ka pa bang pati ang bahay na ito ay mapunta sa’yo? Aboso ka naman!”

Wala pa man lang akong nasasabi ay iyon na agad ang paratang niya sa akin. Gano’n na ba ako talaga kasama sa paningin nila? Hindi ba talaga nila ako kayang matingnan bilang pamilya nila?

How cruel.

“Babalik din ako ako roon bukas–,”

“At bakit anong gagawin mo rito?” pinanlakihan pa niya ako ng mata. “Hindi ka na naman nag-iisip, Heart. Ang tanga-tanga mo! Hindi mo ba naisip na mapunta sa ibang babae ang atensyon ng asawa mo? At kapag nangyari iyon iitsapwera ka na niya! At anong mangyayari sa amin ng ate mo kapag nangyari iyon? Maghihirap na naman kami! Malulubog na naman kami sa utang!”

Pigil ang paghinga ko dahil sa mga masasakit na salitang binabato ni Mama sa akin. Para akong sinasaksak.

Hanggang ngayon, kapakanan lang nilang dalawa ng ate ko ang iniisip niya. Hindi pa rin ako kasama sa pamilya nila. Palaging si ate at siya lang ang iniisip niya.

Paano naman ako?

“Ano pang inaanga anga mo riyan? Umuwi ka na roon sa asawa mo.”

Humakbang pa si Mama palapit sa akin. Napayuko ako. Pero umangat din ang mukha kay Mama nang mariin niyang tinutok sa noo ko ang hintuturo niya at tinulak tulak ang noo ko na halos ikaatras ko na.

Pinigilan ko ang maiyak.

“Gawin mo ang lahat para hindi humanap ng iba ang lalaking iyon. Gawin mo ang lahat para hindi na siya lumingon pa sa iba. Kung kinakailangang magpabuntis ka, gawin mo para mas lumalim ang nararamdaman niya sa’yo.”

Hindi ako tumango o umiling. Nanatili akong nakatayo kahit tila sinasaksak na ng mga salita ni Mama.

“Tandaan mo, Heart. Kapag ang asawa mo nakuha ng iba at initsapwera ka…hindi ka namin titigilan ng ate mo. Wala na akong magagawa pa kundi ang ipagbenta ka.”

“Ma!” nasigaw ko sa labis na sakit at galit sa huling sinabi niya.

“Oh, bakit? Kung ayaw mong mangyari iyon, gawin mo nang maayos ang trabaho mo.”

Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng luha ko. Nakita iyon ni Mama ngunit hindi man lang siya nabahiran ng awa at pagsisisi sa sinabi.

“Hindi mo ako madadaan daan sa pag-iyak mo na ‘yan, Heart. Now leave. Hindi kita patutulugin dito kaya umuwi ka na. Bilis. Alis!”

Napaatras atras na ako nang itulak tulak na niya ako palabas. Hanggang sa nakalabas na kami ng bahay at malapit na sa gate. Sinusubukan ko namang pigilan si Mama pero gusto niya talaga akong paalisin.

“Diyan ka at hintayin ang driver mo sa sunduin ka. Batang ‘to parang hindi nagtatanda! Umalis ka rito at umuwi!”

Napapikit ako sa lakas ng pagsara ni Mama sa gate na ilang dangkal lang ang layo sa mukha ko. Sinubukan ko iyong buksan ngunit naka-lock na sa loob.

Hindi pa man ako nagtatagal na nakatayo sa harap ng gate ay bumuhos ang malakas na ulan. Umihip ang malamig na hangin kaya nayakap ko ang sarili.

Halos sarado na rin ang mga karatig bahay dahil gabi na kaya wala akong mapagsilongan.

Dahan-dahan akong napadausdos paupo sa tabi ng nakasaradong gate, humihikbi dahil sa sakit at bigat ng dibdib.

Kailan? Saan? Sino? Kailan ko mararanasan na magkaroon ng pamilya na may pakialam sa akin, saan ko matatagpuan? Kanino ko mararanasan ang pagmamahal ng isang pamilya?

Napahagulhol na lamang ako. Salamat sa ulan dahil sa pagkakataong ito, naramdaman kong may karamay ako sa sakit ng nararamdaman ko.

To be continued…..

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now