Kabanata 19 (Warning)

7K 84 5
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 19: Lovely Pov

Argh! Nakakainis! Bakit kailangang palaging si Heart ang biyayaan ng gwapo at mayamang lalaki?!

At hindi lang basta mayaman at gwapo, super husband materials pa!

Humigpit ang hawak ko sa tinidor. Sinulyapan ko ang kapatid ko si Heart na nasa kabilang side ni Mama. Dapat ako ang nasa pwesto niya, e, edi sana malapit kong maakit si Davil.

At isa rin naman ang Davil na ito. Mas desente at mas maganda naman ako kaysa kay Heart, pero ewan ko ba bakit sa babae pa na iyon siya nahulog!

Sexy ako at mas may kurba ang katawan. Malaki rin ang hinaharap ko, at ang pang upo ko ay may laman!

Kaya bakit si Heart pa? For sure, na mas magaling ako sa kama kaysa sa kaniya! Kagigil talaga! Bakit kailangang siya lahat.

Nilunok ko ang ngunuya ko at umayos sa pagkakaupo. Kailangan kong maging malinis at maayos sa paningin ni Mamita. Isa rin ang matandang ito, ang hirap utuin. Pero sisiguraduhin ko, hindi magtatagal ay ako ang ituturing niyang grand daughter-in-law kaysa sa kapatid ko.

“How about you, Lovely?” oh ‘di ba?

Hinawi ko ang buhok ko dahilan para ma-expose ang collarbone ko nang mapatingin sila sa akin, lalo na si Damon. Kung hindi ang Kuya, edi ang bunso. Tsk! Si Davil kasi ay kay Heart lang ang tingin palagi!

“Ano po ‘yon, Mamita? Sorry po, naiisip ko po kasi kung ano ang maaring business na sisimulan ko. Hindi ko po nasundan ang pinag-uusapan niyo,” matamis akong ngumiti, pero kunwaring nahihiya.

“That’s good! I’m rooting for your business,” aniya. “Tinatanong ko kung ikaw, kumusta ang love life?”

“Ah…naku, Mamita. Nawala na po sa isip ko ‘yan, eh,” sabi ko at kunwaring naiilang na ngumiti.

I have to make them feel sad about my lies. Gusto kong makita sa kanila na nalulungkot sila sa akin, dahil sa gano’n ay makukuha ko ang loob nila!

I have to look pity in their eyes to make them love me.

“Why? Sayang ang lahi.”

Natawa si Mama. “Ewan ko nga po sa panganay kong ito. Hindi ko Naman pinagbabawalan.”

Nakikita ko sa tabi ng kapatid ko ang paninitig niya sa akin, habang ang asawa niya ay sinusubuan siya.

Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi niya deserve ang lalaking meron siya ngayon. Ako, mas deserve ko si Davil!

“Kasi po, Mamita…a-ahm I have a big crush on Davil. Pero kailangan kong isantabi ang nararamdaman ko para sa kapatid ko. I want her to win…always. I want her to live her best life. At nakikita ko naman po na magaling si Davil magmahal…k-kaya alam ko na hindi niya pababayaan ang kapatid ko.”

“Aw…you’re so sweet. Sobrang swerte naman sa’yo ni Heart,” ani Mamita.

“Of course po,” marahang sagot ng kapatid ko.

“And to you Alita,” aniya kay Mama. “Sobrang swerte mo sa dalawa mong anak. Maganda na, sobrang laki pa ng puso. Alam nila kung paano mahalin ang isa’t isa.”

“Hindi po kayo diyan nagkakamali. Kaya kahit mahirap po ang buhay namin noon, ginagawa ko ang lahat para ibigay sa kanila ang mga bagay-bagay na gusto nila.”

Pinahid ko ang tabi ng mata ko nang bahagyang mamasa. Ang kamay ni Mama na nasa ibabaw ng lamesa ay hinaplos ko.

“Thank, Mama. You’re the best mother ever…” binalikan ko ng tingin ang matanda. “At ikaw rin po, Mamita. Sobrang swerte rin sa inyo ng mga apo niyo.”

Malawak akong nginitian ng matanda at marahang tumango sa akin.

‘Yan ganiyan nga. Mahulog pa sana sa akin ang loob mong matanda ka. Para kung sweswertehin man…hindi lang si Davil ang makukuha ko, kundi pati na rin ang yaman mo.

Napangisi ako sa isip ko.

Kunting panahon pa…magagawa ko na ang lahat ng gusto ko. Mapapasa akin na ang lahat ng gusto ko.

Lalong lalo na si Davil. Kukunin ko siya mula sa kapatid ko.

At ang kapatid ko…Hindi na ako makapaghintay na magmukha siyang kaawa awa sa harap ko.

Sumosobra na kasi siya, eh. Kung sinusunod niya sana ako ngayon…hindi ko siya pag-iisipan ng masama ngayon. Kung sana ipaubaya niya na lang sa akin si Davil…edi sana masaya kaming pare-pareho ngayon?

Relax, Lovely…darating din ang araw mo.

To be continued…..

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now