Kabanata 55 (Warning)

5.6K 102 2
                                    

Kabanata 55: Heart’s Pov

“Davil…”

“Hmm?”

Tumigil siya sa pagpapatak ng halik sa balikat ko. Katatapos lang namin mag-make love. Kaninang umaga ay nanggaling kami sa ob ko. Buntis nga talaga ako, ilang weeks na. Tinanong pa ni Davil kung p’wede pa rin kami mag-ano. Ang sagot ng doctors ay oo naman daw. Sira ulo ba naman ang Asawa ko.

Asawa ko, dahil walang annulment paper ang napirmahan noon. Kaya lumipas man ang ilan pang taon na hindi kami magkasama, mag-asawa pa rin kami.

“G-gusto kong makita si ate,” usal ko.

“Are you sure?” may pag-aalangan na anas niya.

Tumango ako. Maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ko. “Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa hormones ko, pero gusto ko talaga silang makita…at makaharap.”

Malalim na bumuntong-hininga si Davil. “Fine. Sasamahan kita.”

Tumango na lang ako. Hindi ko rin naman hahayaan na may mangyari sa batang nasa tiyan ko. Kaya mabuti rin na isama ko siya, para kung sakaling may kailangan ako ay nariyan siya.

“Inaasikaso ko na ang credentials ni Kendrick. He’ll transfer here,” aniya.

Tumango ako. “Ikaw ang bahala muna, ah. Tapusin ko lang ‘tong akin,” sabi ko.

Hinalikan niya ako sa sintido. “No worries, my baby wife. Ako po ang bahala. At pagkatapos ng lahat…magpapakasal tayo ulit.”

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga sa dibdib niya, para tingnan siya.

“M-magpapakasal…ulit?”

“Uh-huh. I want to marry you in front of many people. Hindi lang anim ang makasasaksi, kundi marami.”

Parang kiniliti ang puso ko. Hinagilap ng kamay niya ang kamay ko at pinahsiklop ang kamay namin.

“Will marry me, Mrs. Santillan, again?” he asked gently then snaked his arm around my hip, possessively, pulling me closer to him.

“I will marry you…again.”

Maaga kaming nagising kinaumagahan, pero mas maaga nagising sa amin si Kendrick.

“I’m so excited, po!”

Nakahanda na rin ang bag na pinaglalagyan ng gamit niya.

Pupunta siya ngayong araw sa bahay ni Lola. Sobrang natuwa si Lola kay Kendrick, lalo na nang makita nila ang tinatago nitong kasarian. Masaya ako, kasi walang kahit sino man ang naging hadlang sa katauhan ni Kendrick, kung saan siya mas Masaya. Masaya ako dahil hindi lang sa kaniya pinararamdam ng mga taong mahal niya na tanggap siya, kundi pati na rin sa akin ay pinararamdam nila. Na walang may mali sa anak ko.

“Doon kami didiretso mamaya. Enjoy your day with your Lola dahil bukas ay pupuntahan natin ‘yung school mo rito,” sabi ng ama.

“Yes, papa. Ingat kayo ni Mama.”

Nauna siyang umalis kaysa sa amin ng daddy niya. Pagkatapos namin sa pag-aalmusal ni Davil ay tumungo na kami sa pupuntahan.

Nagtaka ako nang pinasok ni Davil ang sasakyan sa parking lot ng mental hospital. Hindi siya umimik. Naghintay na lang ako. Bumaba kami at pumasok.

“Davil, anong ginagawa natin dito?”

Tumingin lang siya sa akin ginawaran ng ngiti saka hinawakan sa baywang. Hindi niya ako sinasagot ng salita!

“D-davil, hindi ako baliw…” sabi ko sa mahinang tinig.

“I know. You’re crazy, you’re bearing my child.” At nagawa pa niya akong ngisihan!

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now