Kabanata 31 (Warning)

5.6K 86 2
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 31: Heart’s Pov

Binuksan ko ang gate nang matingnan na hindi iyon naka-lock. Tuloy-tuloy akong pumasok. Namataan ko si ate sa loob ng sala na nakikipagtawanan kay Mama.

Isinantabi ko ang inggit na naramdaman.

Pareho silang natigilan nang pumasok ako. Agad napatayo si Mama.

“Gusto ko lang makausap si ate, mama,” sabi ko.

Dahan-dahan ding tumayo si ate. “Anong kailangan mo sa akin?”

Umigting ang bagang ko. May gumuhit na malawak na ngisi sa labi ni ate.

“Ikaw ba ang nagpakalat ng video?”

“What are you talking about? Pinagbibintangan mo ba ako?”

Nilingon niya pa si mama, nagpapaawa.

“Tingnan mo ‘tong bunso mo, Ma, pinagbibintangan ako? Hindi ko nga alam kung ano ang pinagsasabi niya.”

Naglakad si Mama, pumantay siya kay ate. “Ano na naman ‘tong gulong sinisimulan mong bata ka?”

“Ma, nananahimik na ako. Pero ‘yang panganay niyo–ginugulo pati pagsasama namin ni Davil.”

“Ma, ‘wag kang maniwala riyan! Hindi ko kayo ginugulo, nagmamalasakit lang ako!”

“Pagmamalasakit ba iyong harap-harapan mong nilalandi ang asawa ko?”

“Enough!” sigaw ni Mama na ikinatigil namin.

Humakbang pa si Mama hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa.

“Makiramdam ka naman at tubuan ng hiya,” aniya sa akin. “Pumunta ka rito para paratangan ang ate mo? Sumugod ka rito na akala mo kung sino ka? Ang kapal na talaga ng mukha mo, Heart.”

Labis na sumikip ang dibdib ko. Pagtingin ko kay ate ay sobrang lawak na ng ngisi niya sa akin ngayon.

“Ma, totoo ang sinasabi ko. Si ate, balak niyang kunin sa akin si Davil–,”

“Oo! Mahal ko si Davil, pero hindi ko siya kailangang gayumahin o landiin para mapasakin,” sagot ni ate.

Nilingon siya ni Mama.

Akala ko ay pagsasabihan man lang siya ni Mama ngunit mali ako…pinakikinggan niya lang ang sinasabi ni ate, na parang hindi  iyon big deal.

“Ma…mahal ko si Davil. At g-gusto ko sanang makasal sa kaniya…”

Nag-alpasan ang luha ni ate. Lumapit siya kay Mama at lumuhod sa harap nito.

“Ma, tulungan niyo ako. Mas maibibigay ko sa inyo ang lahat ng pangangailangan niyo kung kaming dalawa ang ikakasal…”

“Ate…” hindi makapaniwalang nasaad ko.

“Ma, please? Mahal ko si Davil at gusto ko siyang makasama habang buhay. Kausapin niyo si Mamita, ako na lang, Ma…”

Unti-unting nag-alpasan ang luha ko. Heto na naman…pinagkakaisahan na naman ako.

“Tumigil ka na, si Mama ang bahala, okay?”

Parang sinuntok ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Mama. Hinarap niya ako, at sa hitsura niya pa lang…sinasabi niya na agad na gawin ko ang ipapagawa niya.

“Narinig mo ba ang sinabi ng ate mo?”

“M-ma…” tuluyang nabasag ang boses ko. “K-kung luluhod din ba ako sa inyo…pakikinggan niyo ako?” nasasaktang sabi ko.

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now