Kabanata 30 (Warning)

5.8K 93 0
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 30: Heart’s Pov

Ginising ako ng magagaang halik ni Davil.

“Wake up, I already cooked your breakfast,” malambing na sambit niya.

Bumangon ako. Nakita ko ang orasan, mag-a-alas  otso na. Alas nuwebe ang pasok ko.

Sinunggaban niya ako ng halik sa labi. “Pangpagana sa buong araw mo…” aniya.

“Pasimple mo,” sabi ko na ikinatawa niya.

Pagkatapos kong maghilamos ay sabay na kaming bumaba sa kusina. Himala at hindi ako nagising na nasusuka, pero ang bigat ng pakiramdam ko. Gustong gusto ko pang matulog.

“Mamaya pa ang pasok ko,” ani Davil. “Ihahatid na lang muna kita–,”

“No need na,” sabi ko.

“Pero gusto kitang ihatid.”

Napangiti ako. “’Wag na. Baka maghinala na ang iba,” sabi ko.

“Okay, if that’s what you want. Just call me if you need anything.”

Habang naliligo naman ako ay pinapalantsa ni Davil ang uniform ko.

“Are you okay? You seems not feeling well,” ani Davil nang sinalubong ako ng towel.

Binalot niya sa akin ang towel. “Ayos lang ako. Inaantok pa kasi ako,” sabi ko.

“Bumawi ka na lang ng tulog mo mamaya pag-uwi. Ako na lang ang maghahanda ng dinner natin pag-uwi ko,” aniya at hinalikan ako sa noo.

He also blow dried my hair. Pagkapasok ay hinatid pa niya ako sa service ko.

“Take care. Itext mo ako kapag nakarating ka na ng school.”

“Ingat sa pag-drive mamaya sa pagpasok,” sabi ko.

Nag-goodbye kiss pa siya bago ako pinakasalan at hinayaang makasakay na sa sasakyan. Kinawayan ko siya habang umaandar.

Habang nasa byahe ay chineck ko ang cellphone ko. Tiningnan ko kung may reply na si Ali, subalit wala. Lalo akong nag-alala nang ilang beses ko siyang tinawagan pero walang sumasagot.

Ako:
Ali? Kumusta ka? ‘Wag ka na munang pumasok kung hindi ka okay, i-excuse na lang kita.

Wala rin akong natanggap na reply. Hinayaan ko na lang muna at itetext na lang siya ulit mamaya pagkatapos ng klase.

Tinext ko si Davil na nakarating na ako nang tumigil ang sasakyan sa waiting shed.

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay tila may hindi maganda agad akong naramdaman. Na parang may mali. Napalinga linga tuloy ako, at dahil doon ay napansin ko ang ibang estudyante na napapatingin sa akin pagkatapos ay magbubulungan.

Binaliwala ko na lang ang kakaibang napapansin. Lumakad ako papasok sa campus, mabibilis ang hakbang.

“Grabe pala siya. Lowkey landiing sir Davil…”

“Hindi na nahiya…ate niya ‘yon.”

Ang naririnig rinig kong bulungan sa isang grupo ng estudyanteng nadaanan.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi nilang iyon at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa paligid ko ngayon, mabigat ang tensyon. Wala rin akong ka-ide-ideya sa nangyayari na pakiramdam ko ay damay ako.

“Oh my gosh! Totoo ba ‘yan?”

“Girl, iPhone 15 pro max ang cellphone na ginamit sa pag-video. Imposibleng hindi ito si Heart, e kitang kita nga.”

“So ibig sabihin, ikakasal pa lang si sir Davil at ang ate ni Heart, pero nilalandi na  ni Heart si sir Davil?”

“At ‘yan ang ate niya. Grabe pala si Heart, nasa loob ang kulo.”

Ang sari-sari kong narinig mula sa mga kaklase ko nang madatnan ko. Napatigil ako sa pagpasok dahil sa mga sinabi nilang iyon.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ang kung anong pinanonood nila sa cellphone na pinag-uusapan nila. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko roon ang mga pagtatalo namin kahapon ni ate, at kitangkita ko sa screen ang sarili namin. Naputol ang video sa cellphone sa pagkakataong na-realise ko na kung ano ang ibig sabihin ni ate kahapon.

At sa video…ako ang lumabas na masama.

“Heart?” ang sumulpot kong kaklase sa tabi ko.

Napunta sa akin ang tingin ng mga kaklase kong nanonood sa video.

“Oh my! Heart, totoo ba ito?”

Hindi ako sumagot. Dahan-dahan akong napaatras.

“Hindi siya sumasagot, pero base sa reaksyon niya totoo. Lihim din pala siyang baliw na baliw kay sir Davil, e. Walang kwentang kapatid.”

Labis na sumikip ang kalooban ko. Sa loob-loob ko ay labis ang galit  ko sa kapatid. Sa pag-atras ko ay tuluyan akong nakalabas ng room. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon, tinalikuran ko sila at halos tumakbo na palayo.

Pakiramdam ko, lahat ng nadadaanan ko ay hinuhusgahan ako sa maling paratang.

Hinahayaan kong umagos ang luha, at hinayaan itong matuyo ng hangin.

“Kuya!” tawag ko sa tricycle driver.

Sumakay ako agad sa tricycle. Pagkatapos kong sabihin sa driver ang pagbababaan ko ay dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

Ako:
Love, didiretso ako sa bahay ng kaibigan ko ah. Baka late na ako makauwi.

Pagkasend ko ng mensaheng iyon kay Davil ay tinago ko ang cellphone ko sa bag. Napahilamos ako sa mukha.

Ito ba…ito ba ang tinutukoy ni ate kaya kailangan naming magharap muli ngayon?

Pwes…hindi ko siya uurungan.

To be continued…..

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now