Mature content/R-18
Kabanata 7: Heart’s Pov
Matapos kong isulat ang huling number sa sagot sa number 10 ay binalik ko ang takip ng marker. Pigil ang galit na binalingan ko si Davil na ngayon ay nakatingin sa mga sagot ko.
“Woah…” manghang usal ng mga kaklase ko.
Pabarag kong nilapag ang ginamit na marker sa table. Napabaling sa akin si Davil. Sinalubong ko siya ng matalim na tingin. Bahagyang nakakunot ang noo niya sa akin.
Inismiran ko ang prof ko bago tinalikuran at naglakad pabalik sa upuan ko.
“Galing. Ang bangis mo naman sa calculus, Heart. I heart you na talaga.”
“Quiet!” si Prof. “Tingnan niyo ang sagot ni Miss Salazar. I-take note niyo ito at pag-aralan.”
“Yes, sir,” sagot ng mga kaklase ko.
Binulongan agad ako ni Ali pagkaupo ko pa lang sa tabi niya. “Ang galing mo talaga best friend! Halimaw ka talaga pagdating sa numbers,” pigil na sigaw niya.
Nginisihan ko lang ang kaibigan. Pag-angat ko ng tingin kay Davil ay nasalubong ko ang tingin niya. Hindi na iyon ‘sing dilim at lamig katulad kanina.
Umiwas ako ng tingin. Bumaba ang tingin ko sa namumulang kalmot sa braso nang kumirot ito. Napabaling din doon si Ali.
“Oh my gosh, Heart. Anong nangyari riyan?” pabulong niyang saad.
“Wala ‘yan.”
“Tsk! Let’s go to the clinic after class. Parang kalmot ng pusa, oh. Kailangan nating mapatingnan ‘yan.”
Tumango na lamang ako. Hindi ko na inangatan pa ng tingin ai Davil hanggang sa matapos ang oras. Sabay naming pinasa ni Ali ang papel namin sa kaklaseng inatasan na ni Davil na kuliktahin na ang mga papel.
“Uy, Heart,” tawag ng kaklase naming lalaki nang palabas na sana kami ni Ali ng room.
“Oh, bakit?”
Kasama nito ang dalawa pa naming kaklase na kaibigan din nito.
“Ang galing mo naman. Okay lang ba kung magpaturo kami sa’yo?” tanong ng isa. “Malapit na kasi ang finals, eh,” dagdag pa ng isa.
Nagawi ang tingin ko kay Davil na nasa table pa rin. Nakatingin na pala ito sa akin at mukhang narinig ang sinabi ng kaklase ko.
Napangisi ako na ikinaigting ng panga niya.
Pagbaling ko ulit sa mga kaklase ay malawak ko silang nginitian. Narinig ko ang marahas na pagtayo ni Davil mula sa kinatatayuan pero hindi ko na siya binalingan pa.
“Sure!” malawak na ngiting pagpayag ko.
“Pero sandali lang, guys, ha. Papatingnan lang namin ‘tong kalmot ng pusa sa braso ni Heart,” singit ni Ali.
Napatingin naman ang tatlong lalaki sa braso ko. Namumula lang naman ang braso ko dahil sa mga kalmot. Mabuti na lang ay hindi gano’n kalalim ang pagbaon ng kuko ng ate ko.
“Mukhang hindi naman ‘yan klamot ng pusa,” saad ng isa.
“Oo nga,” pagsang-ayon din ng isa.
Hinawakan pa nila ang braso ko at sinuri ang kalmot. Hinayaan ko lang naman sila, hindi naman nila ako nasasaktan.
Napalingon silang tatlo sa loob nang makarinig ng pagbagsak ng kung ano sa table. Pati ako napalingon. Pinagpapatong patong ni Davil ang libro at laptop na dala niya, pero sa pagdadabog ay naglilikha iyon ng ingay.
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
Roman d'amourSecret Marriage #1: complete Heart.