Kabanata 6 (Warning)

10.4K 162 2
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 6: Heart’s Pov

Alas diyes nang umalis si Davil kinaumagahan para pumasok. Isang subject lang ang pasok ko ngayong araw, mamayang 1:00 o’clock pa, sa subject ni Davil.

Engineering student kami ni Ali. Noong ilipat ako ni Mama sa university ay sumama na rin si Ali. Siya talaga ang soulmate ko, ayaw na ayaw niyang mahiwalay sa akin. Ako lang din naman kasi ang kaibigan niya.

Tapos na ako sa pag-aayos at paalis na ng bahay. Nadaanan ko pa ang isang kasambahay na nagpupunas ng flower vase. Alalay siya ng housekeeper ni Davil. Pumupunta lang daw sila rito every Sunday. Ayaw daw kasi ni Davil na may pakalat kalat na kasambahay rito sa mansion kaya housekeeper at isang alalay lang nito ang kinuha.

Napatigil ako pagkababa ko sa hagdan nang matanaw ang likod ng ate ko. Nakaupo ito sa couch at humihigop sa kape na sinalin ng housekeeper.

“Magandang hapon, maam,” ang housekeeper.

Napalingon sa akin si ate. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo, nakataas ang isang kilay.

“Palinis na rin po ng kalat sa harapan niyo,” sabi ko, sa housekeeper nakatingin.

“Po?” nalilito niya namang saad.

Pagbalik ko ng tingin sa ate ko ay masama na itong nakatingin sa akin, nagngingitngit ang ipin.

“Ibig ko pong sabihin, pakilinis na rin po ng kalat sa master’s bedroom. Mali-late na po kasi ako sa klase kaya hindi ko na malilinis,” palusot ko.

Ang totoo ay wala naman akong naiwan na kalat doon.

“Sige po, ma’am.” Umalis na rin ito agad.

Tumayo si ate, masamang nakatingin sa akin. Mabibilis ang lakad niya palapit sa akin. Ang gara ng suot niya ngayon, gano’n din ang heels niyang nakakarindi ang tunog sa tuwing hahakbang siya.

“Yumaman ka lang ang sama na ng ugali mo,” nagngingitngit niyang sabi.

“Hindi ako mayaman,” saad ko.

Pinag-krus niya ang braso niya sa dibdib. “Nagbubulagbulagan ka pa rin ba? Nagbubulagbulagan ka pa rin sa ginagawa na ‘to ni Mommy sa’yo ? Para ano? Para masama pa rin ang tingin mo sa kaniya?”

Habol niya ang hininga matapos iyong isinghal sa akin. Pinanatili ko namang kalmado ang loob ko.

“May pasok pa ako, baka pa ako ma-late,” saad ko.

Lalampasan ko na siya nang hinigit niya ang braso ko at hinatak ako pabalik sa kinauupuan ko. Halos ikatumba ko iyon paatras. Sobrang higpit din ng hawak niya sa braso ko na sigurado kong mamaya ay magkakapasa iyon.

Sinubukan kong bawiin ang braso ko ngunit mas hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko na pati kuko niya ay bumabaon na.

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako!”

“Aba, pati sa akin ay lumalaban kana! Ang yabang yabang mo na, Heart. Porke ikaw ang naging mayaman na ngayon? Huh! Kung hindi ko kasi tinanggihan ang alok sa akin ng asawa mo, ako sana ang nasa posisyon mo ngayon!” sabi niya na ikinatigil ko.

Natigilan ako bigla sa pagbabawi sa braso ko dahil sa huling sinabi niya.

Ano? Inalok siya ni Davil?

Ngumisi siya. “Ano? Masakit ba? Masakit ba na malaman mong hindi ka naman talaga gusto ng lalaking iyon kaya siya pumayag na pakasalan ka?” natawa pa siya.

Sumikip ang dibdib ko. Ang sakit na hindi ko dapat maramdaman–ngayon ay tila dinudurog ako.

“Ibig sabihin lang, ako talaga ang gusto niya at hindi ikaw!” singhal niya pa. “Pagkatapos ngayon ang sama-sama pa ng tingin mo sa amin ni Mama, eh ikaw na nga ang tinutulungan namin. Nagpaubaya na nga ako para sa’yo!”

Hinaklit ko pabalik ang braso ko. Gumuhit ang sugat doon gawa ng matalim na kuko ng ate ko. Kumirot iyon, pero hindi ko masyadong ininda. Mas masakit ang nalaman ko.

“Oh, bakit parang natigilan ka?” tinawanan pa niya ako ng nang-aasar. “Magpasalamat ka ngayon sa akin. Pero ‘wag kang pakakampante sa kung anong meron ka ngayon.”

Mahina niyang tinampal tampal ang pisngi ko. Kumuyom ang kamay ko at napaigting ang panga.

“Dahil dadating ang araw…babawiin ko sa’yo lahat. Lalo na ang asawa mo ngayon. Sobrang gwapo, yaman…at hot niya pa naman.” Humagikhik siya pagkatapos.

Pinigilan ko ang pagkawala ng luha ko. Labis ang pigil ko na ‘wag lumuha sa harap niya dahil alam kong mas ikakatuwa niya kapag nangyari iyon. Kapag panalo siya at natalo na naman ako.

“Oh, pa’no? Ako na ang mauunang umalis. Bye sis.” Tumawa pa siya bago ako talikuran at kumikimbot kimbot ang baywang na umalis.

Saka tumulo ang luha ko nang mawala ang babae. Pinahid ko agad ang luha. Kinalma ko ang sarili.

Bakit ba ganito ako kung masaktan ngayon. Bakit parang tagos sa boto ko ang sakit ng nalaman. Huminga ako nang malalim at napatingala.

Hindi p’wedeng ganito, Heart. Hindi p’wedeng maging mahina tayo nang dahil sa lalaking iyon. Ano ngayon kung ang ate ko talaga ang gusto niya, at napilitan lang na pakasalan ako?

Pag-ibig lang ‘yan. Kung para sa’yo talaga ‘yan, hinding hindi ka niyan paiiyakin. At lalong hindi ka tatakbuhan.

Kung ano talaga ang para sa’yo, ay para talaga sa’yo. Hindi ka mangangamba na mawala sa’yo dahil iyon naman ay para talaga sa’yo.

Wala ako sa sarili pagdating sa school. Na-late na ako dahil pagdating ko ay nagsisimula ng magturo si Davil.

Napunta sa akin ang tingin niya nang pumasok ako. Madilim siyang nakatingin sa akin na para bang may kasalanan akong ginawa sa kaniya.

“Okay class, now get a one cleaned short coupon band. Magpa-problem solving tayo, 1 to 100,” malamig niyang sabi nang hindi inaalis ang masamang tingin sa akin.

“Grabe surprise quiz, at 1 to 100 pa. Anong isasagot ko neto,” dinig ko pang bulong-bulong ng iba kong kaklase habang naglalakad ako palapit sa upuan ko.

“Kaya nga. Ano ba ‘yan si sir, para namang na-broken hearted, bigla biglang magpapa-problem solving,” lihim na reklamo pa ng isa.

Umupo ako sa tabi ni Ali. Hindi ko na inangatan pa ng tingin si Davil.

“Bakit ka late?” mahinang bulong ni Ali.

Pilit kong nginitian ang kaibigan. “Na-traffic lang,” dahilan ko.

Kumuha na lang din ako ng short bond paper. Hindi ko alam ang tinalakay dahil nga late ako kaya umangat ako ng tingin para tingnan ang nakasulat na solution sa white board.

Pero imbes na white board ang makita ko ay ang madilim na mga tingin ni Davil ang sumalubong sa akin.

“And you, Miss Salazar. Ikaw ang magsasagot ng 1 to 10 na problem...dito sa harapan,” he said coldly.

Lahat ng kaklase ko ay hindi napigilang mapasinghap ng malakas. Halos sabay-sabay pang bumalik ang ulo nila sa akin.

Napalunok ako.

To be continued….

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now